Ang Habag

PLPHP - Shaykh Salman al-`Awdah

Nangangailangan tayo ngayon ng isang Da'iyah na nagtataglay ng puso na nagbabaga ng pagmamalasakit sa mga Muslim at ng katotohanan sa Islam, Isang pusong nagbabaga ng pagkabahala hinggil sa kalagayan ng Ummah mula sa silangan hanggang sa kanluran, isang pusong may pagmamalasakit sa kanyang mga kapatid at isinasakatuparan ang salita ng Allah, ang Kataas-taasan:

 

"..matatag laban sa mga Kufaar, at mahabagin sa mga naniniwala ..” [Surat al-Fath:29]

 

Hindi tulad ni Khawarij na pinatay ang tao ni Imam at magiliw na tinanggap ang mga sumasamba ng diyos-diyusan. Ang mga naniniwala ay siyang tunay na malupit sa mga kufaar at maawain sa mga naniniwala at isinasakatuparan ang sinabi ng Propeta ng Allah, Sumakanya nawa ang kapayapaan.

 

"Ang kahalintulad ng isang naniniwala sa kanilang mapagkaibigang ugnayan ay ang kanilang awa at habag sa isa't isa ay tulad ng buong bahagi katawan……" [Bukhari, Muslim, Tirmidhi lahat ay mula sa hadeeth ni Abu Musa al-Ash'ari]

 

At ang kanyang pahayag;

 

"Ang naniniwala sa ibang naniniwal ay tulad ng isang gusali, ang ilan ay tinutulungan ng iba." [Bukhari, Muslim kapwa mula sa hadeeth ni al-Nu'man bin Basheer.]

 

Ngangailangan tayo ng isang Da’iyah na nakakaramdam sa hinaing ng kanyang mga kapatid na Muslim maging sila man ay may mga pagkukulang at mga ilang pagdadagdag at pagbabawas sa kanilang gawaing pagsamba. Si Shaykh Muhammad Rasheed Ridha ay malimit maramdaman ang sakit ng mga Muslim at ang dalamhati ay nababakas sa kanyang mukha kapag ang isa sa mga Muslim ay nagdadalamhati sa sakuna. Kanya namang pinupuri sila kapag ang mga bagay ay maayos at mahinahon hanggang sa punto na ang kanyang ina ay mapuna ang katangian niyang ito. Nang kanyang makita siya, tinanong siya, “Anak anong nangyayari sa iyo, meron bang yumao sa Tsina ngayon?” Napag-alaman niya na ang dalamhati at saya ng kanyang anak ay tungkol sa kalagayan ng mga Muslim; nagagalak siya sa kanilang kasiyahan at nagdaramdam siya sa kanilang kalungkutan, at ito ang tunay na wala’a [katapatan] sa mga Muslim.

 

Ang habag ay nararapat taglay ng bawat Muslim sa kanilang puso na nagdaramdam din sa mga pagkakamali at pagsuway sa deen ng ibang Muslim. Nalulungkot siya kapag naging laganap ang kasamaan at katiwalian mula sa kanila, kalungkutan na hindi nagiging sanhi upang kanyang layuan sila kundi upang pasiglahin sila tulad ng nararamdaman ng isang manggagamot na nagsusumikap gamutin at pagalingin sila, at kapag siya’y nasawi, sisikapin niyang damayan sila sa kanilang dalamhati na ayon sa kanyang kakayahan. Ang habag na ito ang siyang nagtutulak sa kanya upang maging masigasig sa mga bagay na nauukol sa kanyang sarili, ang kanyang asawa, at ang kanyang mga anak na inaakay sila sa mga mabubuting bagay at pinagbabawalan siya sa mga bagay na sanhi ng pagkakasala at pipigilan sila sa paggawa sa mga bagay na kinasusuklaman ng Allah ‘Azza wa jall. Maraming mga da’iyah ang nagsasalita tungkol sa Islam ngunit iilan lang ang nagtataglay ng ganitong kahanga-hangang katangian. Kapag ang habag ay nananatili sa puso ng isang da’iyah ang da’wah ay magbubunga ng maganda, nananatili ang pangangaral at pagdadamayan sa suliranin ng mga Muslim sa lahat ng lugar. Ngunit kapag ang isang tao ay nawalan ng habag siya ay nabubuhay sa sarili lamang, sa kanyang maybahay, mga anak, na namumuhay upang magsaya at pakinabangan ang mga bagay sa paligid niya at nakalimutan niya ang ang mga daing ng mga Muslim. Sa ganoong pagkakataon tinalikuran niya ang katotohanan ng “wala’a” sa mga Muslim kahit na siya man ay nagsasalita tungkol sa mga hadeeth na nagbabanta sa mga Muslim ng suliranin. Nagiging tulad niya ang isang bayarang babae sa pagpipighati. Marami sa mga nasanay na magsalita ay kanilang inuulit sa mga pagtitipon …. at ang nagsa-ulo ng mga pahayag na kanilang narinig at nasabi na walang damdaming pagmamalasakit at pagsusumikap para sa deen at ang ummah …. kaya’t nakakalungkot itong ummah .. gaano katindi ang panganga-ilangan ng pusong lumalagablab!

 

1
1133
تعليقات (0)