Iba Ang Tagapaglikha, Iba Ang Nilikha

PLPHP

Sa ngayon karamihan sa tao ay muling bumalik sa maling pagsamba. Marahil, ito ay dahil na rin sa kawalan ng pinanghahawakang orihinal na Kasulatan na maaaring makapagbigay ng tamang pang-unawa tungkol sa Diyos. Sa iba’t ibang relihiyon ng makabagong panahon ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos ay yaong ang Diyos na TAGAPAGLIKHA ay naging isang NILIKHA. At dahil sa paniniwalang ito, sila ay sumasamba sa inaakala nilang diyos. Ang mga ganitong paniniwala ay tunay na nagbibigay daan upang ang tao ay maharap sa pinakamalaking kasalanan, ang IDOLATRIYA. Ang pagsamba ng tao sa kapwa nilikha maging ito ay isang Propeta, Anghel, Santo, baka o anupaman, ay isang malaking kasalanan na dapat iwasan ng tao. Ito ay ganap na pagtalikod sa Unang Kautusan ng Diyos (First Commandment). At kailanman, hindi ito aral ng mga Propeta. Ang konsepto na “ang Diyos ay nasa lahat ng bagay” ay isang kamaliang paniniwala ng karamihan sa tao. Ang tamang konsepto  dito ay “ang Diyos ay nakaaalam ng lahat ng bagay” Ang Diyos ay Ganap na Makapangyarihan at hindi Niya kailangang maging tao o hayop o maging anupamang nilikha upang makausap Niya o magkaroon kaya ng tuwirang ugnayan sa Kanyang mga nilikha. Hindi Niya kailangang pumaroon pa sa isang lugar upang makita Niya ito. Taglay Niya ang walang hanggang Kaalaman, Kapangyarihan at Karunungan. Batid Niya ang laman ng puso ng sinuman. Ganap Niyang nalalaman ang galaw at kaisipan at maging ang pangangailangan ng Kanyang nilikha. Batid Niya ang anumang bagay na nasa mga kalangitan at kalupaan at maging ang nasa pagitan ng mga ito. Kung Kanyang naisin at itakda ang isang bagay, Siya ay magsasabi lamang ng “Kun (Maging)” at mangyayari nga!

 

 

Wala Pang Nakakita Sa Diyos!

 

Tunay nga na karamihan sa tao ay kadalasan ay humahantong sa pagsamba sa isang nilikhang katulad niya. Ngunit isang katotohanan ang dapat gawing batayan. Wala pang nakakita sa tunay na Diyos. Kung ang sinasamba ng isang tao ay isang banal na tao, hayop, rebulto o larawan, santo o santa dapat niyang malaman na ito ay hindi tunay na Diyos at walang katangiang pagka-diyos sapagkat mula sa mga Banal na Kasulatan, ang tunay na Diyos ay walang larawan o imahen at hindi Siya maaaring magkaroon ng anyong katulad ng Kanyang mga nilikha. Ang Kanyang Katangian, Diwa, Anyo, Mukha at kabuuan ay hindi maaaring makatulad ng sinuman sapagkat Siya ang Natatanging Tagapaglikha na ganap na iba kaysa sa Kanyang mga nilikha.

 

Ang Qur’an ay nagsabi na wala pang mata o paningin ang nakakita sa Kanya:

 

“Walang (kaisipan o) paningin ang makapanghahawak sa Kanya ngunit Kanyang napanghahawakan ang lahat ng (kaisipan o) paningin.” [Qur’an-6:103]

 

“At sa Kanya ay walang (makakatulad at) makakapantay.” [Qur’an-112:4]

 

Maging sa Lumang Tipan (Bibliya) ng mga Kristiyano nakasaad na sinabi ng Makapangyarihang Diyos:

 

Isaias-47:10 “At walang Nakakakita sa Akin.”

 

Isaias-46:9 “Ako ay Diyos at walang gaya ko.”

 

Si Hesusu ay nagsabi rin ng ganito:

 

Juan-5:37 “Kailanman hindi ninyo narinig ang Kanyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kanyang anyo.”

 

Juan-1:18 “Walang tao ang nakakita sa Diyos sa anumang oras.”

 

 

Ang Pagsamba Kay Hesus u-Ang Messiah (Mesiyas)

 

At dahil ang layunin ng pagkakalikha sa tao ay upang sumamba lamang sa nag-iisang Manlilikha, ang pagsamba kay Hesusu tuwiran man o hindi ay ganap na pagtalikod sa kautusan ng Diyos na ang hantungan at ibubunga ay walang hanggang parusa sa nagliliyab na apoy ng Impiyerno. Ito ay kasalanang walang kapatawaran. Maging si Hesusu ay hindi nagsabi na siya ay Diyos na nagkatawang tao. At kailanman, si Hesusu ay hindi nagsabi na siya ay dapat sambahin. Ang pagsamba ng tao sa kaninumang nilikha ay binigyang babala ng Bibliya. Katotohanan, walang kabuluhan ang pagsamba ng tao sa kapwa nilikha sapagkat ang Tunay na Diyos ay hindi tao.  Sa Bibliya ay nasusulat, ang Diyos ay tuwirang nagsabi na Siya ay hindi tao o kaya’y nagkatawang tao:

 

Oseas-11:9 "Sapagkat ako ay Diyos, hindi tao."

 

Mga Bilang-23:19 "Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling o ni anak ng tao na nagsisisi."

 

Kung ang Diyos ay nagsabi na siya ay hindi tao, si Hesusu sa kanyang sarili ay nagsabi na siya ay tao lamang. Nangangahulugan na ang turo ng simbahan o ng iba pang pinuno sa relihiyong Kristiyanismo ay sumasalungat sa pangunahing aral ni Hesusu. Ang Bibliya ay nagsabi:

 

I Timoteo-2:5 "Sapagkat may isang Diyos at may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao. Ang taong si Kristo Hesus."

 

 

Ang Katanungan Ng Allah (Diyos) Kay Hesus Sa Araw Ng Paghuhukom

 

At dahil nga sa paniniwala at pagsamba ng mga Kristiyano kay Hesus bilang Diyos, sa Araw ng Paghuhukom, si Propeta Hesusu ay haharap sa Diyos na Tagapaglikha (AllahU). Siya (AllahU) ay magsasabi:

 

"At tandaan: Nang ang Allah ay magsabi: O, Hesus, anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa tao: “Gawin ninyo ako at ang aking Ina bilang mga diyos bukod pa sa Allah? Siya (Hesus) ay nagsabi: Luwalhati sa Iyo! (O Allah !) Hindi ko maaaring sabihin ang anumang bagay na wala akong karapatan,kung sinabi ko man iyon, ito ay Iyong batid. Batid Mo (O, Allah) ang aking kalooban gayong ang sa Iyo ay di ko batid. Katotohanan, Ikaw (lamang) ang lubos na Nakaaalam sa mga bagay na lingid. Wala akong sinabi sa kanila maliban kung ano ang Iyong ipinag-uutos:  Sambahin ang Allah (Diyos), ang aking Panginoon at inyong Panginoon at ako ay saksi habang ako ay kasama nila at nang ako ay bawiin Mo, Ikaw (O, Allah!) ang Tagapagmasid sa kanila at (tanging) Ikaw ang Saksi sa bawat bagay.” [Qur’an-5:116-117]

 

Maging sa Bibliya, mayroon ding babalang sinabi si Hesusu para doon sa mga taong sumusunod sa mga hindi makatuwirang doktrina na ginawa lamang ng tao at doon sa mga taong ginawang Panginoon si Hesusu. Sa Araw ng Paghuhukom, ang mga taong sumamba kay Hesusu ay magsisilapit sa kanya. Si Hesusu ay magsasabi:

 

Mateo-15:9 "Datapwa’t walang kabuluhan ang pagsamba sa akin na nagtuturo ng kanilang inaaral ang mga utos ng mga tao."

 

At sila naman na tumatawag ng Panginoon kay Propeta Hesusu, sa Bibliya ay mababasa:

 

Mateo-7:22 "Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangapalayas kami ng mga demonyo at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? "

 

Si Hesusu ay nagtakwil sa ganitong uri ng tao. At mula sa Bibliya mababasa na siya ay nagwika:

 

Mateo-7:23 "Kailanman, hindi ko kayo nangakikilala. Magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan."

 

Karamihan sa mga makabagong Kristiyano ay ganap na tumalikod sa malinis at wagas na aral ni Hesusu. Bagamat sila ay kumikilala sa Diyos na Tagapaglikha, ang kanilang pagsamba, panalangin at pagbibigay puri ay nakatuon kay Hesusu bilang kanilang Panginoon. Sa paglalahad natin ng mga katotohanan, bakit nga ba patuloy na iniluluklok si Hesusu bilang Makapangyarihang Diyos o Panginoon samantalang wala namang isang bagay na nalikha si Hesus bagkus siya rin ay nilikha lamang. Tunay na hindi ito makatarungan sa Diyos na ang karapatan Niya ay ganap na ipinagkaloob ng mga Kristiyano kay Hesusu. Naway magkaroon ng magandang kaisipan ang mga Kristiyano tungkol sa pagbibigay kaibahan sa Diyos bilang tunay na Panginoon at kay Hesusu bilang isang alipin ng Diyos at Dakilang Sugo at Propeta.

 

 

Ang Pagsamba Kay Buddah

 

Sa relihiyong Buddhismo, pinaniniwalaan ng karamihan mula sa labas ng Northern India na si Buddha ay diyos na nagkatawang tao. Bagamat walang Banal na Kasulatan ang nagpapatunay na si Buddha nga ay isang diyos, patuloy siyang itinuturing ng kanyang mga tagasunod bilang Diyos na naging tao. Karagdagan pa nito, maging si Buddah sa kanyang sariling bibig ay hindi nagbigay kautusan na siya ay diyos na dapat pag-ukulan ng pagsamba. Ang ganitong kalakaran ay walang pagkakaiba sa pagsamba ng mga Kristiyano kay Hesusu na inaakalang Diyos na naging tao.

 

 

Ang Pagsamba Sa Baka

 

Maging sa relihiyong Hinduismo, iba’t ibang uri ng mga diyos ang kanilang sinasamba at itinuturing nila ang baka bilang isa na may katangiang banal. Ipinagbabawal sa mga Hindu ang kumain ng baka sapagkat ito nga ay may pagkabanal na dapat pag-ukulan ng kakaibang pagsamba. Walang kaibahan ito sa panahon ni Propeta Moisesu, nang siya ay umakyat sa Bundok Sinai upang mangusap sa Panginoong Diyos, iniwan niya ang kanyang mga mamamayan sa paanan ng bundok. Nang hindi agad nakabalik si Moisesu, ang mga tao ay gumawa ng isang imahen ng baka at kanila itong itinakda bilang kanilang diyos. Nang dumating si Moisesu, namangha siya sa kanyang nakita. At nagsabi:

 

“O aking mamamayan! Katotohanan, nagkasala kayo sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paggawa ninyo sa baka (bilang diyos-diyusan). Kaya’t magbalik-loob (magsisi) sa inyong Tagapaglikha…” [Qur’an-2:54]

 

 

Ang Pagdalangin Sa Mga Rebulto, Imahen At Mga Santo At Santa.

 

Ang pagdalangin o paghingi ng tulong o kapatawaran mula sa mga santo, santa, krus o anupamang bagay na likha lamang ng kamay ng tao ay katumbas na rin ng pagsamba sa kanila. Marami pa rin tayong nakikita sa kalakhang Kristiyanismo na may mga taong gumagawa ng mga santo o santa at kanila itong ipinagbibili. Ang taong bumili nito ay agad namang ipinabebendisyon sa isang pari. Pagkaraan nito, ito ay magsisimula ng luhuran at dasalan. Bakit nga ba napakababaw ng kaisipan ng ibang tao tungkol sa Diyos? Ang kabanalan o dangal ba ng ating Tagapaglikha ay katumbas lamang ng isang putol ng kahoy na nililok ng isang tao at pagkaraan ay ginawang imahen? Mayroon nga bang karapatan ang isang tao na gumawa ng santo o santa na maaaring dasalan ng kapwa tao? Mayroon bang kaibahan ang mga santo o santa sa ibang istatwa, laruang manika, manikin, robot na ginawa rin ng tao mula sa kanyang mga kamay? Ang tanging kaibahan lamang ay ang mga santo o santa ay binasbasan ng isang pari. At kailan ba naman nagkaroon ng karapatan ang isang pari na gawing banal na imahen ang isang putol ng kahoy na binihisan lamang ng makislap na damit? Sadyang ganap na taliwas ito sa Banal na kautusan ng Tunay na Diyos. Ang pangyayaring ito ay walang kaibahan ng panahon ni Propeta Abrahamu. Kanyang natagpuan ang kanyang ama at ibang tao na sumasamba sa mga imahen o rebulto. Si Propeta Abrahamu ay nagsabi:

 

“(Tandaan) Nang siya ay magsabi sa kanyang ama at mamamayan :’Ano ba ang mga imaheng ito na pinaglalaanan ninyo ng pagsamba? Sila ay nagsabi: Natagpuan naming sumasamba ang aming mga ninuno sa mga ito?” [Qur’an-21:52-53]

 

Ang Qur’an ay nagbigay babala sa mga taong dumadalangin at sumasamba bukod sa tunay na Diyos.

 

“Siya ay nagsabi:Bukod sa Allah, sumasamba ba kayo sa mga bagay na hindi makapagbibigay ng anumang  buti sa inyo o di makapagdulot ng pinsala sa inyo? Sumpa sa inyo at sa mga (bagay) sinasamba ninyo bukod sa Allah! Wala ba kayong pag-iisip?” [Qur’an-21:66-67]

 

“Siya ay nagsabi:inyong sinasamba yaong nililok ninyo (ginawa ng inyong mga kamay) Samantalang ang Allah ang Siyang lumikha sa inyo at ng inyong  ginagawa.” [Qur’an-37:95-96]

 

“Sila ba (istatwa,rebulto) ay mayroong mga paa na nakakalakad? O, sila ba ay mayroong mga kamay na nakapanghahawak? O, sila ba ay mayroong mga mata na nakakakita? O, sila ba ay mayroong mga tainga na nakaririnig? " [Qur’an-7:195]

 

“Katiyakan, kayong (walang pananampalataya sa Allah) at yaong inyong sinasamba bukod sa Allah ay panggatong sa Impyerno. (Katiyakan), kayo ay papasok rito.” [Qur’an-21:98]

 

Maging sa Bibliya ang ganitong gawain ay ganap na ipinagbawal:

 

Isaias-44:9 "Silang nangagbigay anyo sa larawang inanyuhan ay walang kabuluhan silang lahat at ang kanilang mga bagay na kinalulugdan ay hindi napapakinabangan."  

 

Exodus-20:3-4 "Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harap Ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuhan o ng kawangis man ng anumang anyong nasa itaas sa langit o ng nasa ibaba ng lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa."

 

Exodus-20:23 "Huwag kayong gagawa ng ibang mga diyos na iaagapay sa Akin."

 

 

Ang Kasalanang Walang Kapatawaran

 

Ang Idolatriya (pagsamba bukod sa Tunay na Diyos) ay isang kasalanang walang kapatawaran. Maging ang labis na paghanga, pagmamahal at pagdakila pagpuri at pagbubunyi sa kapwa tao maging ito ay propeta, bayani, santo o santa, politiko, artista ay isang kasalanang walang kapatawaran. Kahit na ang labis na pagmamahal sa yaman at materyal na bagay ay nagiging sanhi upang ang tao ay mahulog sa Idolatriya ng hindi niya ito namamalayan. Ang tao bilang isang nilikha at alipin lamang ay nararapat na iukol ang tapat na pagsamba, wagas na pagmamahal, pagdakila, pagbubunyi, pagpuri, panalangin, pagsasakripisyo ng yaman at buhay sa kanyang Panginoon at Diyos na Tagapaglikha (AllahU) na Siyang nagkaloob sa kanya ng buhay at kamatayan. At sa Kanya lamang ang pagbabalik ng lahat pagkaraan ng kanyang pansamantalang pamamalagi dito sa lupa. Ang ating Tagapaglikha ay nagbigay babala tungkol sa mga mabibigat na kasalanang dapat iwasan ng sangkatauhan. Nangunguna na rito ang pagsamba sa iba’t ibang diyos-diyosan bukod sa Tunay na Diyos-Ang Tagapaglikha, AllahU.

 

“Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatawad sa sinumang nagbibigay katambal sa Kanya (Allah) ngunit Kanyang pinatatawad ang kasalanang bukod dito sa sinumang nais Niya. At sino man ang nagbibigay katambal sa Allah ay tunay na nakagawa ng kagimbal-gimbal na pagkakasala.” [Qur’an-4:48]

 

Nang tinanong ang Propeta Muhammadr. Ano ang pinakamalaking kasalanan sa mata ng Allah? Ang Propeta ay nagsabi: Ang pagsamba sa iba bukod pa sa Allah (pagbibigay katambal sa Kanya sa pagsamba) samantalang (nalalaman ng tao) na Siya (Allah) ang lumikha sa kanila.”

 

Ang kasalanang ito ay mapapatawad lamang  hanggang nabubuhay ang tao at  nagbalik-loob at nagsisi ng kanyang kasalanan. Nilinis niya ang kanyang puso, isip, gawain at diwa sa lahat ng uri ng Idolatriya (pagsamba sa nilikha lamang). Ang kanyang panalangin at pagdarasal ay tuwirang nakatuon sa kanyang Diyos na Tagapaglikha. At ang pagsasagawa ng pagdarasal, panalangin, at pagbibigay kawanggawa ay naaayon sa katuruan ng mga Propeta.

 

 

Ang Pinakamasamang Nilikha

 

Sa kaisipan ng tao, ang pinakamalaking kasalanan (heinous crimes) ay ang pagpatay, pang-aabuso, pang-aapi, panggagahasa, at pagnanakaw subali’t sa paningin ng Makapangyarihang AllahU, ang pinakamalaking kasalanan ay ang pagtalikod sa Unang Kautusan- sapagka’t ito ay hindi pagtupad sa tungkulin o pananagutang  ipinag-utos Niya. Ito ay hayag na kawalan ng pananampalataya sa tunay na Diyos-ang Allah at bulag na pagsamba sa huwad na diyos.

 

“Katotohanan, ang pinakamasamang nilikhang (gumagalaw na) nabubuhay sa (mata ng) Allah ay yaong pipi at bulag (sa katotohanan) na walang pang-unawa.” [Qur’an-8:22]

 

Ang tinutukoy na pipi at bulag sa talatang ito ay yaong mga tao na walang pagpapahalaga sa katotohanan at makatuwirang pang-uusisa. Sa kabila ng maliwanag na kapahayagan at pag-anyaya na tanging ang Lumikha lamang ang siyang dapat pag-ukulan ng pagsamba at paghingi ng tulong, patuloy na pinananatili sa kanilang isip at gawain ang maling pagsamba sa mga bagay na walang idinudulot na kapakinabangan sa kanilang pamumuhay at sa kabilang buhay.

 

“Sa kanilang mga puso ay isang sakit (ng pag-aalinlangan at pagkukunwari) at dinagdagan ng Allah ang sakit nila. At isang kasakit-sakit na parusa ang matatamo nila sapagkat sila ay palagiang nagsisinungaling.” [Qur’an-2:10]

 

“Sila yaong ipinagpalit ang patnubay sa kamalian kaya’t ang kanilang  pangangalakal ay walang kapakinabangan. At sila ay hindi pinatnubayan.” [Qur’an-2:16]

 

“(Sila ay) pipi, bingi at bulag (sa katotohanan), kaya’t sila ay hindi makababalik (sa tamang landas)” [Qur’an-2:18]

 

 

Matakot Sa Diyos Na Siyang Lumikha Sa Sangkatauhan!

 

Bilang isang nilikha ng Diyos na Makapangyarihan, tayo ay dapat magkaroon ng tunay na takot sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod at pagkilala sa Kanya at sa Kanyang mga Kautusan. Ang Sugo ng Allah-Muhammad r ay tinanong:

 

“Sino ba ang pinakamarangal sa lahat ng tao? Siya ay sumagot: Ang pinakamarangal sa mata ng Diyos (Allah) ay yaong masunurin at tumutupad sa kanyang tungkulin at siya na mayroong ganap na takot sa Allah.”

 

Dapat tayong magkaroon ng takot sa AllahU sapagkat batid Niyang lahat ang nasa ating kalooban at puso. Ang Qur’an ay nagsabi:

 

“O, kayong mananampalataya! Matakot sa Allah nang may tunay na pagkatakot at huwag mamatay maliban sa kalagayang Islam (pagsuko at pagtalima sa Kanya.)” [Qur’an-3:102]

 

“Ngunit matakot sa Akin kung tunay na kayo ay may pananampalataya.” [Qur’an-3:175]

 

“Magtungo sa Kanya ng may pagsisisi at matakot sa Kanya: magsipagsagawa ng pagdarasal at huwag maging kabilang sa mga taong nagbibigay katambal (sa Allah sa pagsamba).” [Qur’an-30:31]

 

 

Ang Tapat Na Pagsisisi At Pagbabalik-loob Sa Tagapaglikha

 

Ang mga ilang Hadith Qudsi ay isinalaysay ni Anas bin Malik mula kay Propeta Muhammad r na ang Allah ay nagsabi ng may ganitong nilalaman:

 

O, anak ni Adan hanggang ikaw ay nananawagan (nananalangin) sa Akin ng may pagtitiwala sa Aking Awa, ikaw ay Aking patatawarin sa iyong mga kasalanan sa pinakamagaang paraan.

 

O, anak ni Adan kahit na ang iyong kasalanan ay umabot pa sa dulo ng dako pa roon, at ikaw ay humingi ng kapatawaran sa Akin, ikaw ay Aking patatawarin.

 

O, anak ni Adan, kung ikaw ay magbalik-loob sa Akin ng may dalang kasalanang kasimbigat ng mundo at hindi ka nagbibigay katambal sa Akin (sa pagsamba), Ako ay darating sa iyo ng may Kapatawarang kasinlaki ng mundo.”

 

 

Si Propeta Muhammad r ay nagsabi:

 

"Kung ikaw ay dumalangin, dumalangin lamang sa AllahU, at kung ikaw ay hihingi ng tulong, humingi lamang sa AllahU."

 

Karagdagan pa, ang Propeta Muhammad r ay nagsabi:

 

"Itinatanong mo ba sa akin kung ano ang kabutihan? Tanungin mo ang iyong puso. Ang kabutihan ay yaong kapanatagang nadarama ng iyong puso at kaluluwa at ang kasalanan ay kung ano ang ikinababahala ng iyong kaluluwa at puso bagamat sinasang-ayunan ka ng ibang tao ng paulit-ulit."

 

Ang Pagsamba at Tapat na Pagkilala at pagsunod sa Tagapaglikha ang Siyang Katotohanan at Kaligtasan.

 

Ito ang tunay na katotohanan. Ito ang banal na mensahe na dapat malaman ng lahat ng tao. Ito ang kaligtasan. Tunay nga na nasa tamang pagsamba at pagkilala ng tao sa Allah matatagpuan ang ganap na patnubay. Wala ng iba pang maganda at tamang konsepto ang maihahambing sa Banal na Qur’an sapagkat ito ang Huling Kapahayagan ng AllahU sa sangkatauhan. May mga tao na pinaghahandaan o ginagawang maganda ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagpapayaman o pagsusuot ng mamahaling damit, paggamit ng magagandang kagamitan. Ang kanilang pisikal na katawan ay tila baga walang katapusan, walang kapaguran at walang kamatayan. Ngunit ang kanilang buhay  ispirituwal ay uhaw sa pagnanasang makaugnay o makapaglingkod sa Diyos na lumikha sa kanila.

 

“O, Sangkatauhan! Matakot kayo sa inyong Rabb (Panginoon, ang Allah) na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adan), at mula sa kanya, nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba) at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya at ikinalat ang di mabilang na kalalakihan at kababaihan.” [Qur’an-4:1]

 

Ang Pagsamba at Pagtalima sa Tagapaglikha ay matatagpuan ang Kapayapaan ng Puso.

 

Ang kaligayahan at kapayapaan ng buhay ay wala sa sukat ng yaman o antas ng pamumuhay kundi nasa kapanatagan ng puso. Ang kapanatagan ng puso ay nasa pagsunod sa Batas ng AllahU. Ang kaligtasan ba ay dapat ipakipagsapalaran ng tao? Isa sa pinakamagandang bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang pagkakaroon ng magandang kaisipan at katuwiran. Kaya naman ito ang nagiging gabay at daan sa paghahanap ng katotohanan ng buhay. Si Abu Hurayrah (isang kasamahan ng Sugo ng Allah) ay nagsalaysay mula kay Propeta Muhammad r na ang AllahU, Ang Makapangyarihan ay nagsabi:

 

“O, anak ni Adan, ilaan ang iyong sarili sa pagsamba sa Akin at Aking pupunuin ang iyong puso ng kapanatagan (kapayapaan) at aking papawiin ang iyong kahirapan at kung ito ay hindi mo gagawin Aking pupunuin ang iyong mga kamay ng mga pag-aabala sa mundong ito at hindi Kita ilalayo sa kahirapan.” (At-Tirmidhi-Hadith Qudsi/pahina 39)

 

 

Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang Siyang Batayan ng Makatuwirang Kaisipan.

 

Sa paghahanap ng katotohanan at kaligtasan gabay ng isang tao ang kanyang makatuwirang pag-iisip at malinis na hangarin kalakip ng tapat na pagsusumamo sa kanyang Tagapaglikha. At sa isang sulok ng kanyang wagas na damdamin naroroon ang dalanging hinubog ng matibay na pag-asa at liwanag na kailanman ay hindi nababahiran ng doktrinang salungat sa walang hanggang aral ng mga Propetang isinugo ng Diyos.

 

“O, Sangkatauhan! alalahanin ang pagpapala ng Allah sa inyo! Mayroon pa bang ibang Tagapaglikha maliban sa Allah na Siyang nagbibigay ng inyong ikinabubuhay mula sa kalangitan at kalupaan? Walang (ibang tunay na) diyos maliban sa Kanya. Paanong kayo ay napalayo (mula sa Kanya)?” [Qur’an-35:3]

 

 

Ang Pagsamba sa Nag-iisang Tagapaglikha ang Siyang Haligi ng lahat ng Kabutihan.

 

Sa paghahanap ng katotohanan at kaligtasan, ang haligi ng lahat ng kabutihan ay nagmumula sa pagnanasang sumamba at kumilala sa iyong Diyos na Tagapaglikha. Ito ang Unang Kautusan (First Commandment) na likas na nakaukit sa puso at kaluluwa ng sangkatauhan.

 

“Katotohanan, ang inyong Diyos ay Tanging Isa, Panginoon ng mga Kalangitan at ng Kalupaan at ng nasa pagitan ng mga ito. At (Siya) ang Panginoon ng bawat dulo ng Sinag ng Araw.” [Qur’an-37:4-5]

 

Sa ngayong panahon, tanging Islam lamang ang nagtuturo ng pagkakaroon ng tunay at ganap na malinis na konsepto ng Diyos. Ang Tunay at Ganap ay nangangahulugan na walang kasama o kahati sa Kanyang pagiging Diyos at maging sa Kanyang Banal na Katangian.

 

“Siya ang Allah-wala ng ibang diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya. Ang nakaaalam ng lingid at hayag. Siya ang Maawain, ang Mapagpala. Siya ang Allah-wala ng ibang diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya-ang Hari, ang Ganap na Banal, Ang (Pinagmumulan ng) Kapayapaan, ang Tagapagpatunay, ang Tagapagbantay, ang Makapangyarihan, ang Kagila-gilalas (at di mapaglalabanan), ang Matayog. Luwalhati sa Allah- malayo sa anupamang bagay na iniaakibat sa Kanya. Siya ang Allah, ang Tagapaglikha, ang Tagapaggawa, ang Nagbibigay Hugis at Anyo. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng naggagandahang mga Pangalan. Bawat bagay sa mga kalangitan at kalupaan ay nagbubunyi sa Kanya. At Siya ang Makapangyarihan (at) ang Matalino.” [Qur’an-59:22-24]

 

“Ipahayag mo (Muhammad): Siya ang Allah, ay tanging iisa, Allah ang pinagkukuhanan ng pangangailangan ng lahat. Hindi Siya nagkaanak at hindi ipinanganak. At sa Kanya ay walang (makakatulad at) makakapantay.” [Qur’an-112:4]

 

“Allah-wala ng (iba pang) diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang nananatiling buhay-ang Isang Tagapagpanatili (at Tagapanustos sa lahat ng nilalang). Ang idlip o antok ay hindi makapanghahawak sa Kanya. Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay na nasa mga kalangitan at kalupaan. Sino ang makapamamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Batid Niya kung anong nangyari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito at kung ano ang mangyayari sa kanila sa kabilang buhay. At sino man ay walang makapang-aabot sa Kanyang Kaalaman maliban Kanyang naisin. Ang Kanyang Luklukan ay abot sa mga kalangitan at kalupaan at hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa pangangalaga at pangangasiwa sa kanila. Sapagkat Siya ang Kataas-taasan (sa Kaluwalhatian). Ang Dakila” [Qur’an-2:255]

 

“Luwalhati sa iyong Rabb (Panginoon), ang Panginoon ng Karangalan at Kapangyarihan! (Siya ay malaya mula) sa anumang iniuugnay sa Kanya. At kapayapaan sa (Kanyang) mga Sugo! At Papuri sa Allah ang Panginoon ng lahat ng nilikha.” [Qur’an-37:180-182]

 

1
1283
تعليقات (0)