Ang Pamamaraang Moral ng Islam

PLPHP

Ang Pamamaraang Moral ng Islam

[PLPHP]

 

 

Ang Islam ay naggawad ng ilang pundamental na mga karapatan sa sangtinakpan para sa sangkatauhan sa kalahatan, na nararapat na sundin at igalang sa lahat ng panahon at pagkakataon. Upang matamasa ang ganitong mga karapatan, ang Islam ay di lamang nagtatakda ng mga legal na pananggalang at patnubay kundi gayundin  naman ng pinakamabisang pamamaraang moral. Kaya nga’t anuman ang nalalaan sa kapakanan ng bawat tao o ng lipunan ay isang moral na kabutihan at kung anuman ang nakakapinsala ay isang moral na kasamaan. Ang Islam ay nagtatampok ng higit na kahalagahan ng pagmamahal sa Allah at pagmamahal sa tao na ito’y nagbababala ng laban sa pagiging sagana sa pormalisasyon. Matutunghayan natin sa Qur’an ang:

 

“Hindi isang kabutihan na iharap mo ang iyong mukha sa Silangan o Kanluran, subalit mabuti siya na sumasampalataya sa Allah at sa Huling Araw at sa mga Anghel at Aklat at sa mga Propeta; at nagkakaloob ng kanyang yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya, sa kanyang kaanak at sa mga ulila at nangangailangan at sa naglalakbay at sa mga humihingi, at nagpapalaya ng mga alipin at nagsasagawa ng tamang pagsamba at nagbabayad ng Zakah. At sa mga tumutupad ng kasunduan kung sila’y nangako, at may pagtitimpi sa panahon ng mga pagsubok at kasiphayuan at pagdurusa; sila nga ang matatapat. Sila nga ang may pagkatakot sa Allah.” [Qur’an, 2:177]

 

Tayo ay nakatunghay ng magandang pagsasalaysay ng taong matuwid at may takot sa Allah sa mga talatang ito. Siya ay nararapat na sumunod sa mga mabubuting panuntunan, subalit nararapat ding ipako niya ang kanyang pananaw sa pagmamahal sa Allah at pagmamahal sa kanyang kapwa tao.

 

Tayo ay binigyan ng apat na pangunahin:

 

  1. Ang ating pananampalataya ay nararapat na maging tunay at matapat.

 

  1. Tayo ay nararapat maging handa upang maipakita ito sa mga gawa ng pagkakawanggawa sa ating kapwa tao.

 

  1. Tayo ay nararapat na maging mabuting mamamayan na nagtataguyod ng mga organisasyong panglipunan at

 

  1. Ang ating sariling kaluluwa ay nararapat na maging matatag at di natitinag sa lahat ng mga panahon at pagkakataon.

 

Ito ang mga pamantayan kung paano ang isang tanging anyo ng pag-uugali ay mahuhusgahan at maiuuri kung mabuti o masama. Ang ganitong pamantayan ng pagpapasya ay siyang nagbibigay ng tining kung saan ang kalahatang moral na pag-uugali ay nararapat umikot. Bago itakda ang anumang moral na mga kapanagutan, ang Islam ay naglalayon na maitanim sa puso ng tao ang matatag na pananampalataya na ang kanyang mga pakiki-ugnay ay para sa Allah na nakakakita sa kanya sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar; na maikukubli niya ang kanyang sarili sa buong daigdig ngunit hindi sa Kanya; na madaraya niya ang sinuman ngunit hindi siya makapangdaraya sa Kanya; na makakatakas siya sa gapos ng sinuman ngunit hindi sa Allah.

 

Samakatuwid, sa pagtatakda na ang kasiyahan ng Allah ang siyang layunin sa buhay ng tao, ang Islam ay nagkaloob ng pinakamataas na pamantayan ng moralidad. Ito ay natatakda na magbigay ng walang hanggang daan para sa moral na pagpapaunlad ng sangkatauhan. Sa paggamit ng mga rebelasyon ng Allah bilang pangunahing pinagkukunan ng kaalaman, ito’y nagbibigay ng kapanatilian at katatagan sa mga moral na pamantayan na makakatugon ng makatuwirang sukat para sa tunay na mga pagpapairal, mga pag-aakma at mga pagbabago bagama’t hindi para sa kalihisan ng landas, marubdob na pagbabago-bago, atomong nag-uugnay o moral na nagmamalabis. Ito ay nagbibigay ng pagpapatibay sa moralidad sa pagmamahal at pagkatakot sa Allah, na mag-aatas sa tao upang sumunod sa moral na batas kahit wala ng pangloob na pamimilit. Sa pamamagitan ng paniniwala sa Allah at sa Araw ng Paghuhukom, ito ay nagbibigay ng lakas na makasunod ang isang tao upang mai-akma niya ang moral na pag-uugali ng may pagkamatiim at pagkamatapat, ng may lahat ng debosyon ng puso at kaluluwa.

 

Ito ay hindi nga, sa pamamagitan ng huwad na kaisipan ng orihinalidad at pagbabago, ay magbibigay ng bago at naiibang moral na pag-uugali at di rin naman nagnanais na mapaunti ang kahalagahan ng mga dati ng moral na pamantayan, o di kaya ay magbibigay ng lumalabis na kahalagahan sa ilan at nagtatalikdan sa iba na walang kadahilanan. Ito ay nasasangkapan ng lahat ng dati ng mga moral na pag-uugali at sa pagkakaroon ng kaisipang balanse at proporsyon, ito ay nagtatakda ng naaangkop na lugar at gumaganap sa isa sa mga iyon sa kabuuang balangkas ng buhay. Ito ay nagpapalawak sa nasasakop ng pangsarili at pangmaramihang pamumuhay ng tao. Ang kanyang pang-araw-araw na pakikisalamuha, ang kanyang pangmamamayang pag-uugali, at ang kanyang pangpulitikal, pangkabuhayan, legal, pangkarunungan at mga panglipunang kasakupan. Ito ay sumasakop sa kanyang buhay mula sa tahanan hanggang sa lipunan, mula sa hapag-kainan hanggang sa lugar ng digmaan at mga pangkapayapaang pulong, at sa tuwirang kahulugan ay mula sa kanyang duyan hanggang sa libingan. Sa madaling sabi, walang bahagi ng kanyang buhay ang maaaring makawala sa pangsangtinakpan at pangmalawakang pagsasagawa ng mga moral na prinsipyo ng Islam. Ito ay nagtatampok sa moralidad bilang naghaharing kataasan at nananagot na ang pamamalakad ng ating buhay, sa halip na maduminahan ng pangsariling kagustuhan at maliliit na pagnanasa, ay nararapat na mapanuntunan ng mga pamantayan ng moralidad.

 

Ito ay nagtatakda sa tao ng isang pamamaraan ng buhay na nababatay sa lahat ng kabutihan at ligtas sa lahat ng masasama. Ito ay nag-uudyok sa tao, na di lamang magsagawa ng mabuting pag-uugali, gayundin naman ay upang magtatag ng mabuting pag-uugali at makapalis ng mga bisyo, ang magnais sa kabutihan at umiwas sa kamalian. Ito ay nagnanais na ang grasya ng budhi ang dapat mamalagi at ang mabuting pag-uugali ay huwag matabunan upang gumanap lamang bilang pangalawa sa kasamaan. Ang lahat ng tumutugon sa ganitong panawagan ay nagtitipun-tipon bilang isang pamayanan at binibigyan ng katawagan bilang isang Muslim. At ang nag-iisang layon sa ilalim ng pagsasagawa ng ganitong pamayanan (Ummah) ay upang ang nagkakaisang lakas upang makapagtatag at makapagpatupad ng kabutihan ay makapaniil at makalipol ng kasamaan.

 

Dito ay naglathala kami ng ilang pangunahing moral na aral ng Islam sa iba’t-ibang anggulo ng pamumuhay ng Muslim. Ito ay sumasaklaw sa malawak na kulay ng pangsariling moral na pag-uugali ng isang Muslim gayundin naman ang kanyang panglipunang pananagutan.

 

Ang Pag-aala-ala sa Allah

 

Ang Qur’an ay nagbabadya nito bilang siyang pinakamataas na uri ng Muslim.

 

“Ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay ang lagi ng may pag-aala-ala sa Kanya.” [Qur’ran 49:13]

 

Ang kababaang loob, kapinuhan ng pag-uugali, ang pagtitimpi ng mga damdamin at pagnanais, ang katapatan, ang integridad, ang pagiging matiyaga, ang pagiging matatag, at ang pagtupad sa mga pangako ang mga moral na kahalagahan na binibigyang diin ng paulit-ulit sa Qur’an. Matutunghayan natin sa Qur’an:

 

“Ang Allah ay umiibig sa mga matatag at may kapanatiliang loob.” [Qur’an, 3:146]

 

“At makipagpaligsahan kayo sa bawat isa upang makamtan ninyo ang kapatawaran mula sa Tagapanustos, at sa Paraiso na kasinglawak ng mga kalangitan at kalupaan, na naghihintay ng mapag-alala sa Allah, na gumugugol sa kawanggawa sa panahon ng pananagana at sa panahon ng pananalasa, at nagtitimpi ng kanilang poot, at nagpapatawad ng kanilang kapwa tao, sapagkat ang Allah ay umiibig sa gumagawa ng kabutihan.” [Qur’an, 3:133-134]

 

“Magsipanalangin kayo tuwina, at makiisa sa anumang makatuwiran, at umiwas sa anumang kamalian, at maging matiisin sa anumang dumating sa inyo; sapagkat ito ang tunay na pagiging laan. Huwag ninyong patambukin ang inyong pisngi sa pagmamataas sa mga tao, o lumakad ng may kagaspangan sa mundo, sapagkat ang Allah ay di umiibig sa mga mapagmataas at mayayabang. At maging mabanayad sa inyong paglalakad at sa kababaan ng tinig; sapagkat ang pinakamatindi sa lahat ng ingay ay ang pag-iingay ng asno.” [Qur’an, 31:18-19]

 

Sa paraan ng pagbibigay buod sa moral na pag-uugali ng Muslim, ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagpahayag:

 

“Ang aking Tagapanustos ay nagbigay sa akin ng siyam na kautusan: ang manatili sa pag-aala-ala sa Allah, maging sa pribado o publiko, ang mangusap ng may katapatan maging sa pagkagalit o pagkalugod, ang magpakita ng kapayakan kung nasa kahirapan o pananagana, ang makipagsundo sa pagsasamahan sa mga nagsitiwalag sa akin, ang magbigay sa kanya sa tumatanggi sa akin, na ang aking pangmalas ay maging isang tagubilin at payo, at ang aking ipag-utos ay ang siyang tuwid.”

 

Mga Panglipunang Kapanagutan

 

Ang mga turo ng Islam hinggil sa mga panglipunang kapanagutan ay nasasalig sa kabutihan at pang-unawa sa iba. Dahil sa ang malawak na pagpapatupad na maging mabuti ay mahihinuha na maipagwawalang bahala sa natatanging gawa ng kabutihan at nagbibigay kahulugan sa mga kapanagutan at mga karapatan ng iba’t-ibang pakikipag-ugnayan. Sa lumalawak na anggulo ng pakikipag-ugnay, sa gayon, ang ating pangunahing obligasyon ay sa ating pinakamalapit na pamilya - mga magulang, asawa at mga anak, gayundin naman sa ating mga kamag-anak, mga kapitbahay, mga kaibigan at mga kadaupang palad, mga ulila at mga balo, ang mga nangangailangan sa pamayanan, ang ating mga kapwa Muslim, ang lahat ng ating mga kapwa tao at mga hayop.

 

Mga Magulang

 

Ang paggalang at paglingap sa mga magulang ay lubhang binibigyang pansin sa turong Islamik at isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagpapahayag ng pananampalataya ng Muslim.

 

“Ang inyong Tagapanustos ay nag-utos na tanging sambahin lamang Siya, at maging mabuti sa mga magulang. Kahima’t ang isa o silang dalawa ay umabot na sa matandang gulang sa panahon ng inyong pamumuhay, ay huwag mangusap sa kanila ng kahit isang salita ng kalapastanganan o sumalungat sa kanila, bagkus ay mangusap sa kanila ng salitang may paggalang. At sa bukal ng kabutihan, ay ibaba ninyo ang pakpak ng pagpapakababa at magbadya: “O, aking Tagapanustos! Ipagkaloob mo sa kanila ang Inyong Awa, sapagkat silang dalawa ang nag-aruga sa aking pagkabata.” [Qur’an, 17:23-24]

 

Ang Ibang Kamag-anak

 

“At igawad sa mga kamag-anak ang kanilang mga karampatan, at gayundin sa mga nangangailangan, at sa naglalakbay; at huwag gugulin ang inyong kayamanan sa paraan ng pagmamalabis.” [Qur’an, 17:26]

 

Mga Kapitbahay

 

Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabi:

 

Siya ay di mananampalataya kung kumakain siya ng buong kabusugan nguni’t ang kanyang kapitbahay sa kanyang tabi ay nagugutom; at:

 

Siya ay di mananampalataya kung ang kanyang kapitbahay ay di ligtas sa kanyang mapaminsalang asal.

 

Sa katotohanan, ayon sa Qur’an at Sunnah, ang Muslim ay nararapat na magsagawa ng kanyang mga moral na kapanagutan hindi lamang sa kanyang mga magulang, mga kamag-anak at mga kapitbahay, kundi gayundin naman sa buong sangkatauhan, mga hayop at mga kapaki-pakinabang na mga punongkahoy at halaman. Halimbawa, ang pangangaso nga mga ibon at hayop bilang isa lamang libangan ay di pinahihintulutan, gayundin naman, ang pagputol sa mga punongkahoy at halaman na nagsisipamunga ay ipinagbabawal kung hindi rin lamang may matinding pangangailangan doon.

 

Samakatuwid, sa mga pangunahing moral na pag-uugali, ang Islam ay nagtatayo ng mataas na sistema ng moralidad na sa pamamagitan noon ang sangkatauhan ay makapagninilay ng kanyang malaking hinaharap. Ang Islam, ay nagpapadalisay sa kaluluwa sa sariling paghahanap ng paglalantad ng sarili, pananakop sa kapamahalaan, kahayukan at pagkawalang displina. Ito ay lumilikha ng mga taong may takot sa Allah, na uliran sa kanilang mga mithiin, na nag-aangkin ng kabutihan, pagpipigil at pag-iwas at disiplina at di natatali sa mga kahuwaran. Ito ay nag-uudyok sa damdamin ng moral na kapanagutan at nagpapasigla sa kakayahan ng sariling pagpipigil, habag, pakikiramay, kapayapaan, di naghihintay na pagbibigay, makonsensiyang katampatan at katotohanan sa lahat ng nilikha at sa lahat ng mga kalalagayan. Ito ay nagpapasigla sa mga mabuting katangian kung saan ang kabutihan lamang ang maaasam.

 

1
2410
تعليقات (0)