Ang Shari’ah at ang Deen

PLPHP

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Shari’ah at ang Deen

[PLPHP]

 

 

Ang Shari’ah[1] ay bahagi ng Deen (Panuntunan ng Buhay). Ang pagganap nito ay isang Ibadah (Pagsamba). Ang Ibadah ay nagpapakita ng pagkamasunurin sa Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal.

 

Inuutusan tayo ng Allah na tumupad sa ipinadala Niya sa atin at tahakin ang tamang landas. Siya ay nagsabi:

 

“At (iyong sabihin O Mohammad) ito ang Aking landas tungo sa matuwid, kaya’t sundan ito, at huwag sundan ang ibang  landas  nang  hindi  nila  kayo  mailayo sa Kanyang landas.”  [Qur’an - 6: 153]

 

Maliwanag na ipinakita ng Allah sa Kanyang Aklat ang lahat ng kailangan ng sangkatauhan. Ito ay binigyang kahulugan at lubusang ipinaliwanag ng Kanyang Sugo. Ang lahat ng mga ito ay iningatan at maaaring basahin sa lahat ng panahon at lugar.

 

Ang pinakalayunin ng Islam ay upang panatilihin ang mga sumusunod:

 

a)    Ang Deen (Panuntunan ng Buhay)

 

Nagtakda ang Allah ng mga batas at panuntunan, nagpadala ng mga Sugo, at nagpahayag ng Kanyang mga Aklat upang panatilihin ang Deen, at bantayan ito laban sa anumang pagbabago, at ialay ang lahat ng pagsamba sa Allah lamang. Kanyang ipinag-utos ang Jihad (pakikibaka dahil sa Allah) upang panatilihing mangibabaw ang Kanyang Salita, at upang alisin ang hadlang na nagpipigil sa tao sa pagsamba sa kanilang Rubb.

 

b)    Ang  Talino  

 

Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng sumisira sa pag-iisip maging ito ay pagkain, inumin o anu-paman.  Ang Allah ay nagsabi: 

 

“Katotohanan, ang alak, sugal, (pagsamba at pag-aalay sa) diyus-diyusan, at pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng palaso ay mga kasuklam-suklam na gawain ni Satanas.” [Qur’an, 5:90]

 

c)     Ang  Tao

 

Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng bagay na nakakasira sa tao. Ang tao ay hindi pinahihin- tulutang saktan ang sarili o magpakamatay. Ang pananakit sa iba ay ipinagbabawal din, at gayundin ang pagpatay sa iba o pagbibigay ng anumang nakapagpapahina sa katawan ng iba.  Kaya naman ang pagpataw ng parusa sa pagpatay ng kapwa ay itinakda upang ipagtanggol ang buhay ng tao. Ang pagkitil sa buhay ng kriminal ay higit na mabuti kaysa iligtas ang buhay niya nang wala na siyang pagkakataon pang pumatay ng iba. Walang katuturan ang pagpapakita ng habag sa mamamatay-tao, at inaalisan ng awa ang naging biktima. (halimbawa ang pamilya ng biktima).

 

d)    Ang Ari-arian.

 

Ang paghahanap-buhay at pagsisikap na magka- roon ng sariling pagkakitaan ay pinahihintulutan at maging ang pagpapanatili sa mga ito. Ang pagwaldas ng yaman at ang labis na paggugol kahit na sa mga pinahihintulutang bagay ay ipinagbabawal sa Islam.  Ang Allah ay nagsabi:

 

“....At kumain at uminom subali’t huwag mag-aksaya...” [Qur’an - 7:31]

 

Ipinagbabawal sa kaninuman ang mag-abuso maging sa sariling yaman. Hindi pinahihintulutan ang sinuman na kunin ang ari-arian ng iba nang walang pahintulot. Ipinagbabawal ang pagkamkam ng ari-arian ng iba.  Sa ganitong kadahilanan kung bakit dapat putulin ang kamay ng isang magnanakaw bilang parusa. Gayundin naman, ang patubuan ay ipinagbabawal upang iligtas ang ari-arian ng tao laban sa pagmamalabis at pagsa-samantala.

 

e)    Ang   Dangal

 

Iniingatan ng Islam ang dangal ng tao, at ipinagbabawal ang paninirang-puri o pang-aabuso ng dangal o karangalan ng iba. Magkagayon, pinanatili ng Islam ang karapatan ng tao upang ipagtanggol ang kanilang dangal, at gawin itong ligtas. Ang pang-abuso nito ay may nakalaang kaparusahan.

 

Matapos nating suriin ang naturang limang bagay na nais panatilihin ng Islam, kailangan nating malaman ang mga batayan ng Shari’ah na kung saan kinuha ang mga batas at panuntunan.

 

 

ANG MGA BATAYAN NG SHARI’AH

 

Ang batayan ng Shari’ah ay Qur’an at ang Sunnah ng Sugo (saws) na nagsisilbing pagpapaliwanag ng Qur’an.  Ang mga paham ay nagbigay ng malaking pagsisikap para sa pagkuha ng mga panuntunan mula sa dalawang dakilang batayang ito. Sa dahilang ang Shari’ah Islamiko ay siyang panghuli sa lahat ng banal na batas, ito ay may layuning iakma sa bawa’t panahon at pook.  Kaya naman, ang mga pasiyang pambatas na hininuha ng mga mambabatas ay hindi magkatulad, sapagka’t ang kanilang kapasiyahan ay nakabatay sa kanilang pang-unawa sa mga teksto. Ang mga hininuhang pasiya ay tinatawag na Al-Fiqh[2] - o hurisprudensiya, na tinipon ng iba’t ibang Imam (mga pinunong paham na Muslim). May apat na kilalang Madhahibs, o uri ng mga mambabatas na itinatag ng iba’t ibang Imam o paham na ang mga aral ay kumalat at sinunod ng maraming mag-aaral.  Ang apat na mambabatas ay:

 

a)  Al-Hanafi madth’hab, ni Imam Abu Hanifa.

b)  Ash Shafiee, ni Imam Muhammad bin Idrees Ash  Shafi’ee.

c)  Al Malikee, ni Imam Malik bin Anas.

d)  Al Hanbali, ni Imam Ahmad bin Hanbal.

 

Ang sinumang hindi kayang unawain o mahulo ang mga pasiya mula sa Aklat at Sunnah, ay maaaring sumangguni sa sinumang mapapanaligang maalam na kilala sa kanyang tama at matibay na pananalig sa pagganap sa Ahlus - Sunnah wal - Jama’ah. (Pagganap sa Islam ayon sa pagkakaunawa ng Propeta (saws) at ng kanyang mga Sahaba (kasama).

 

Ang Jihad:

 

Upang panatilihin ang Islam, at ibahagi ito sa tao, at upang alisin ang sagabal sa landas nito, itinakda ng Allah ang Jihad bilang pinahihintulutang institusyon o paglalaban. Inaalis din ng Jihad ang tao mula sa mga taong umaalipin sa kanila, at mula sa pagyuko’t pagsuko sa kapwa tao. Gayundin upang pigilin sila sa pagsamba sa mga patay, puno, bato at iba pang idolo, at dalhin sila sa pagsunod lamang sa Allah mula sa dilim ng kamangmangan na pinagkaitan ng liwanag ng katotohanan. Sa madaling salita, ang Jihad ay pinahihintulutan upang tulungan ang tao para ilayo siya sa pagsamba sa kapwa tao tungo sa pagsamba sa kanyang Rubb, at alisin sa kanila ang kagipitan sa mundong ito tungo sa  isang kasaganaan sa daigdig na darating.

 

Matapos mabasa ang mga panuntunan ng Islam, ating mapapagtantong isang tungkulin sa atin bilang tao o sambayanan na tupdin itong lahat.

 

 

ANG MGA TUNGKULING INIATAS SA BAWA’T TAO

 

Bawa’t isa sa sambayanan ay may karapatan, at siya’y binigyan ng mga tungkulin. Sa maikling salita, ang mga karapatang itinakda sa bawa’t isa ay apat:

 

1)     Ang karapatan ng Allah.

2)     Ang pansariling karapatan ng tao.

3)     Ang karapatan ng kapwa tao.

4)     Ang karapatan ng mga nilikha, at ang lahat na nasa kamay ng tao na pinahihintulutang gami-tin o pagyamanin.

 

Isang tungkulin ng bawa’t tunay na Muslim na malaman ang apat na karapatang ito - at tupdin nang matapat at mataimtim. Ang Shari’ah ay isa-isang binigyan ng maliwanag na kahulugan ang apat na karapatang ito, at itinuro sa tao ang mga pamamaraan upang tupdin ang mga ito sa layuning isa man sa kanila’y hindi makaligtaan ayon sa kakayahan ng tao.

 

Ang mga Karapatan ng Allah

  

Ang pang-una sa mga karapatan ng Allah ay paniniwala sa Kanya bilang tanging tunay na Diyos na may tanging karapatan sa pagsamba. Na huwag magtambal sa Kanya o magkaroon ng ibang diyos o panginoon bukod pa sa Kanya. Ang karapatang ito ay maaaring tupdin sa paniniwala sa Kalimah na nangangahulugang:  La Ilaha Illallaah (Walang tunay na diyos na dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Allah) katulad ng naipaliwanag sa mga unang pahina.

 

Ang pangalawa sa mga karapatan ng Allah ay ganap na pagsuko sa katotohanan at patnubay na nagmula sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Sugo (saw).  Ito ang kahulugan ng Muhammadan Rasul-lullaah (Muhammad ay Sugo ng Allah), ang panga-lawang pagpapahayag ng pananampalataya.

 

Ang pangatlo sa mga karapatan ng Allah ay pagsunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagtupad sa Kanyang mga batas na malinaw na nakasaad sa Kanyang Aklat, at ipinaliwanag ng Sunnah (mga winika, ginawa at pinahintulutan) ng Sugo ng Allah (saws).

 

Ang pang-apat sa mga karapatan ng Allah ay pagtupad ng tao sa mga naturang tungkulin na iniatas ng Allah sa kanya. Ang bawa’t isa ay dapat isakripisyo ang sarili at maging ang karapatan ng kanyang kapwa tao para sa karapatang ito. Halimbawa, kapag ang isang Muslim ay nag-aalay ng pagdarasal o pag-aayuno, siya ay katunayang nagsasakripisyo nang marami sa kanyang pangangailangan. Gigising siya nang maaga sa umaga upang magsagawa ng ablusiyon (wudhu) para sa bukang-liwayway na pagdarasal. Kanyang iniiwan ang marami sa kanyang mahahalagang trabaho, maraming ulit sa loob ng maghapon at magdamag, upang tupdin lamang ang kanyang pagdarasal. Pinipigil ang sariling kumain o uminom upang mag-ayuno sa buong buwan ng Ramadan. Ang Muslim ay unang binibigyan ng halaga ang pagmamahal sa Allah kaysa sa pagmamahal sa kayamanan sa tuwing siya’y magbibigay ng Zakat. Tinitiis niya ang kahirapan ng paglalakbay at iniiwan ang mahal sa buhay at negosyo, at gumugugol mula sa kanyang yaman upang magsagawa ng Hajj.  Isinasakripisyo din ang kanyang kayamanan at buhay sa Jihad para sa landas ng Allah lamang.  Bukod pa rito, isinasakripisyo ng Muslim ang marami sa kanyang yaman, (halimbawa - sa pag-aalay ng hayop at gayundin ang paggugol sa kawanggawa.) 

 

Sa kabilang dako, nagtakda ang Allah ng mga hang- ganan sa pagsagawa ng Kanyang karapatan upang hindi mabigatan ang Kanyang mga alipin. Bilang halimbawa ang pagdarasal, hindi nagbibigay ng hirap ang Allah sa pagsagawa nito ng Kanyang alipin.  Kung walang tubig o kung ang tao ay may sakit, maaari siyang magsagawa ng Tayammum (ang paggamit ng malinis na lupa o buhangin sa pagpapakadalisay bago magsagawa ng Salaah).  Maaaring paikliin ang ilan sa mga itinakdang pagdarasal kapag naglalakbay. Kapag ang tao ay may sakit, maaari siyang magdasal nang nakaupo o nakahiga. Ang pagbabasa ng mga talata o kabanata sa Qur’an ay hindi kinakailangan maging mahaba. Kung hindi nagmamadali, maaari siyang magbasa ng mahahabang kabanata tulad ng Al-Bakarah, Al-Imran, An-Nisa o alin pa man. Hindi pinahihintulutan sa Imam na namumuno sa pagdarasal na pahabain ang pagdarasal sa pagbasa ng mahahabang kabanata sapagka’t may mga may sakit o mahihina ang katawan na dapat isaalang-alang. 

 

Mahal ng Allah ang Kanyang mga aliping nagsasagawa ng karagdagang pagdarasal pagkatapos ng itinakdang dasal,  subali’t hindi sa puntong pagkaitan sila  ng tulog at pahinga o paglisan sa hanapbuhay, ni hindi dumating sa puntong mapapabayaan ang sariling karapatan  o ng  karapatan ng ibang alipin ng Allah.

 

Katulad rin ng pag-aayuno, itinakda ng Allah ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan lamang. Gayunpaman, kapag ang tao ay may sakit o naglalakbay sa buwang ito, pinahihintulutan sa kanya na ipagpaliban ang pag-aayuno hanggang sa siya’y maging malusog na muli o kapag nakarating na muli sa tahanan. Kanyang gaganapin ang bilang ng nakaligtaang araw pagka-tapos ng Ramadan. Sa kabilang dako naman, hindi pinahihintulutan na magdagdag kahit isang sandali lamang sa pag-aayuno, ni alisin ang isang sandali mula rito.  Ang nag-aayuno ay maaaring kumain at uminom sa mga gabi ng Ramadan hanggang sa maaninag niya ang guhit ng bukang-liwayway. Sa pagdating ng takip-silim, kailangang kaagad itigil ang kanyang pag-aayuno. 

 

Bagama’t mahal ng Allah ang Kanyang alipin na mag-aayuno ng kusang loob, hindi Niya nais mag-ayuno sila nang tuloy-tuloy sa maghapon at magdamag (24 oras) na hindi kakain o iinom.  Ang ganitong gawain ay inuubos ang lakas at nag-aalis sa kakayahan ng tao.

 

Itinalaga ng Islam ang Zakat na ilang bahagi lamang na dapat ipamigay sa kawanggawa.  Ito ay itinalaga lamang sa mga nararapat magbayad ng Zakat.  Bagama’t mahal ng Allah ang mga gumugugol dahil sa Kanya, hindi Niya nais na alisan ng karapatan ang Kanyang alipin o ipamigay ang kanyang yaman sa kawanggawa at maiwan siyang walang tangan.  Bagkus, ang isang tao ay nararapat na manatili sa kanais-nais na hangganan kapag ang paggugol sa kawanggawa ang pinag-uusapan. 

 

Isaalang-alang natin ngayon ang itinakdang tung-kuling Hajj. Ito ay itinalaga lamang sa may mga kakayahang pinansiyal at may mabuting kalusugan at kayang magtiis sa hirap ng paglalakbay. Upang higit itong magaan, ginawa itong tungkulin ng Allah na minsan sa tanang buhay lamang ng Muslim. Karagdagan pa nito, kung ang sinuman ay nag-aalala sa kanyang kaligtasan o walang nakahandang gugugulin, maaari niyang ipagpaliban ang kanyang paglalakbay hanggang sa dumating ang panahong kaya na niyang isagawa ang Hajj.

 

Kailangan din sa isang may layuning magsagawa ng Hajj na hingin ang pahintulot ng kanyang mga magulang upang maiwasan ang kanilang paghihirap sa kanyang pagkawala dulot ng kanilang katandaan o kahinaan. Ganito kaliwanag na pagbibigay pagsa-saalang-alang ng Allah sa maraming karapatan ng Kanyang alipin upang isagawa ang kanilang tungkulin sa Kanya.  Purihin ang Allah!

 

Ang pinakamalaking sakripisyo na naiaalay ng tao ay sa Jihad.  Sa Jihad, isinasakripisyo ng tao hindi lamang ang sarili pati na rin ang yaman at buhay ng iba upang matamo ang kasiyahan ng Allah at panatilihing matayog ang Kanyang Salita. Magka-gayunman, sa panahon ng digmaan, ipinag-uutos ng Allah sa Mujahid (isang gumagawa ng Jihad) na patayin lamang ang dapat kitlan ng buhay. Huwag paslangin ang mga may kapansanan, kababaihan, bata, at mga sugatan. Kanya ring ipinag-utos sa kanila ang makipaglaban lamang sa mga nakikipaglaban sa kanila. At huwag manakit at mag- hasik sa lupain ng kalaban na hindi naman kinakailangan. Karagdagan nito, nararapat magbigay ng katarungan sa pakikipag-ugnayan sa mga nasakop at ipatupad ang anumang napagkasunduan sa kanila.  Kung iniwan ng kalaban ang pakikipaglaban at pagpigil ng katotohanan, at huminto sa kanilang suporta sa kasinungalingan, ang mga Mujahideen (pangmaramihan ng Mujahid) ay dapat huminto sa pakikipaglaban sa kanila. Ang lahat ng ito’y nagpapakitang ang Allah ay pinahihintulutan lamang ang ganitong di-matatalikurang sakripisyo ng Kanyang alipin upang kanilang maisakatuparan ang Kanyang karapatan.

 

 

Ang Pansariling Karapatan ng Tao

 

Atin ngayong tatalakayin ang pangalawang bahagi ng karapatan ng tao sa kanyang mismong sarili.  Ang tao ay maaaring magbigay ng kawalan ng katarungan sa kanyang sarili nang higit pang malubha kaysa maaari niyang ibigay sa iba, sa dahilang ang bawa’t isa ay nararamdaman at naniniwalang higit niyang mahal ang sarili kaysa iba. Walang sinumang naniniwalang ang kanyang sarili mismo ay kanyang kaaway. Kung kayo’y magmuni-muni tungkol sa bagay na ito, magiging maliwanag ang katotohanan sa inyo. 

 

Ang isa sa mga maliwanag at likas na kahinaan, ay kapag ang tao ay may masidhing pagnanais, ganap siyang malulublob dito na hindi niya isinaalang-alang ang anumang pinsala ang mapapasakanya, maging batid niya ito o hindi.  Ang isang lasenggo ay maa-aring magdusa nang malaki, itinataya ang kanyang kalusugan, yaman at dangal upang makamtan lamang ang kanyang pagkahayok sa alak. Ang iba’y nagiging alipin ng sikolohiyang pagnanasa, gumagawa ng mga bagay tungo sa kanyang pagkawasak. Ito ay ilan lamang halimbawa sa maraming sakit ng lipunan na nagpapakita ng kalabisan ng tao sa mundong ito na lagi nating nakikita.

 

Sa dahilang ang Shari’ah ay itinakda para sa kaunlaran at kaligayahan ng tao, binibigyang-diin sa panuntunan na ipinaiiral ng Sugo ng Allah (saws) na nagsabi: “Katotohanan ang inyong sarili ay may karapatan sa inyo”. Ang batas na ito ay naglalayo sa tao sa paggamit ng anumang nakasasamang bagay tulad ng alak, ipinagbabawal na gamot, at iba pang mga nakalalasing na bagay.  Ang batas na ito ay ipinagbabawal din ang pagkain ng bangkay ng hayop, baboy, mababangis na hayop na kumakain ng karne at makamandag na hayop.  Ang mga hayop na ito ay mapanganib sa kalusugan, kaisipan, pag-aasal, at kaluluwa ng tao.

 

Bilang kapalit, ang Islam ay pinahihintulutan sa tao ang bawa’t mabuti, dalisay at malinis na bagay. Inuutusan siyang huwag ipagkait sa sarili ang mga ganitong bagay. Sapagka’t mayroon siyang tungkuling ibigay ang karapatan ng kanyang katawan. 

 

Ang Shari’ah ay ipinagbabawal ang kahubaran at inuutusan ang tao na masiyahan sa mga palamuting ibinigay ng Allah sa daigdig na ito.  Ipinag-uutos din Niya na takpan ng tao ang kanyang katawan lalo na yaong mga bahaging malaswang ilantad. Sa kabilang dako, ipinag-uutos ng Shari’ah na magsikap upang kumita ng ikabubuhay at huwag magmukmok sa bahay nang walang trabaho, o magpalimos ng pagkain at ibang pangangailangan. Bagkus, hinihimok ng Shari’ah ang tao na gamitin ang mga kakayahang ibinigay ng Allah sa kanya upang kumita ng kanyang ikabubuhay sa pamamagitan ng pinahihintulutang bagay at pamamaraang nilikha ng Allah sa kalangitan at kalupaan, at kalayaan para sa kanyang kaligayahan, katiwasayan at kalusugan.

 

Hindi hinihingi ng Shari’ah sa tao na supilin nang tuluyan ang kanyang pagnanasa. Bagkus, ipinag-uutos sa kanya ang pag-aasawa upang bigyan ng kasiyahan ang kanyang pangangailangang sekswal. Hindi pinahihintulutan sa kanyang maging aba ang sarili sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga likas na kasiyahan.  Ipinag-uutos ng Shari’ah na kung hangad ng tao ang kalunasang ispirituwal at pagkamalapit sa Allah, hindi niya dapat pabayaan ang kanilang buhay dito sa mundo.  Ang pagsunod sa Allah habang nasisiyahan sa  Kanyang  mga  biyaya, ang pag-iwas sa mga gawaing pagsuway, ang pagsunod sa Kanyang mga batas ay mga pinakamabisang pamamaraan upang makamit ang tagumpay at kasaganaan sa mundong ito at sa daigdig na darating.

 

Ipinagbabawal ng Shari’ah ang pagpatay sa sarili, sapagka’t ang buhay ng tao ay hindi niya pag-aari. Ang Allah ang nagmamay-ari nito. Ipinagkatiwala ng Allah sa tao ito upang gamitin niya sa maikling  panahon at hindi upang abusuhin o wakasan ito ng sarili niyang kamay. 

 

Ang Karapatan ng Kapwa Tao

 

Ipinag-uutos ng Shari’ah sa tao na gampanan ang sariling karapatan. Subalit habang ginagampanan ito, hindi niya dapat panghimasukan ang karapatan ng iba.  Kung kanyang gagawin ito upang makuha ang kanyang nais, kanyang dudungisan at sasaktan ang kanyang sarili. Dahil dito, ipinagbabawal ng Shari’ah ang pagnanakaw, pagsuhol, pagtataksil, panghu-huwad, pandaraya, patubuan at iba pang magkatulad na gawain. Anumang kita o tubo mula sa mga ganitong paraan ay sanhi ng kapahamakan ng iba. Ipinagbabawal ng Shari’ah ang lahat ng larong pagsasapalaran sapagka’t anumang kinita ng isang manunugal mula sa sugal o loteri, ito ay nanggaling sa pagkatalo ng libo-libong tao.  Ipinagbabawal din ang anumang palitan ng kalakal (barter) na may halong dayaan, at maging ang lahat ng kalakalang pang-pinansiyal na maaring magbigay ng di-makatarungan sa isang panig. 

 

Ang pagpatay, ang pagpapairal ng kasamaan sa daigdig, at paglabag ay ipinagbabawal lahat.  Walang sinumang pinahihintulutang pumatay o manakit ng iba, o kamkamin ang ari-arian ng iba upang maibsan lamang ang kanyang uhaw sa paghihiganti.

 

Ipinagbabawal ang pakikiapid kasama ng iba pang malalaswang gawain na nagbibigay kapahamakan sa kalusugan at pag-aasal tungo sa kahalayan, kabastusan at kasiraan ng moral ng lipunan.  Ang mga ganitong gawain ay nagdudulot din ng malulubhang sakit, pagsira ng ugnayang pantao at pagkawasak sa pinakapundasyon ng sangkatauhan.

 

Ito ang mga ipinagbabawal na itinalaga ng Shari’ah sa tao upang hindi niya yapakan o bawasan ang karapatan ng iba sa paghahangad ng makuha ang sariling karapatan. 

 

Ang panghihimasok at pagyurak sa karapatan ng iba ay hindi makatutulong sa layuning mapaunlad ang sangkatauhan. Sadyang mahalaga na ang ugnayang-pantao ay nararapat na nakasalalay sa pagkakaisa ng lipunan upang maabot ang naturang layunin.

 

Ang mga sumusunod ay kinabibilangan ng mga bagay na hango sa batas Shari’ah upang makamit ang layuning mapaunlad ang sangkatauhan:

 

1.      Ang ugnayang-pantao ay nagsisimula sa pamilya. Ito ay nararapat bigyan ng unang pagsasaalang-alang. Sa katunayan, ang pamilya ay isang yunit na kinabibilangan ng mag-asawa at ng kanilang anak. Sa Islam, ang pundasyon ng pamilya ay nakasalalay sa tungkulin ng lalaking kumita para sa ikabubuhay ng pamilya, ibigay ang panga-ngailangan at ipagtanggol ito. Sa kabilang dako naman, ang ginang ng tahanan ay may tungkuling mamahala sa tahanan ng pamilya, magbigay ng aliw at katiwasayan sa kanyang asawa at mga anak, at mag-alaga sa mga supling. Ang tungkulin naman ng anak ay sundin ang mga magulang, igalang sila, at paglingkuran sila lalo na sa pagsapit ng kanilang katandaan.

 

Upang mapanatili ang sistema ng pamilya sa tamang direksiyon, ang Islam ay nagbigay ng dalawang hakbangin:

 

Una, ang lalaki (ginoo o ama ng tahanan) ay siyang ulo ng pamilya at tagapamahala nito. Sadyang imposibleng magkaroon ng malusog na sistemang pampamilya kung ang ama ay hindi ang pinuno at tagapamahala. Sigalot at kaguluhan ang tiyak na iiral sa pamilya kung ang bawa’t isa sa pamilya ay nagnanais ipatupad ang kanyang nais sa ibang miyembro ng pamilya, na hindi alintana ang anumang magiging bunga ng kanyang kilos. Ang ganitong pamilya ay sadyang kulang sa kapanatagan at kaligayahan. Upang alisin ang ganitong katiwalian, ang pamilya ay nararapat magkaroon ng pinuno upang pamahalaan ang pamumuhay nito. Ang lalaki lamang ang may pananagutan sa pagkalinga at pangangalaga ng pamilya. 

 

Ang ikalawang hakbang, habang ang lalaki ay binigyan ng tungkuling pamahalaan ang panlabas na pamumuhay ng pamilya, ipinag-uutos ng Shari’ah sa ginang ng tahanan na manatili sa tahanan at huwag lumabas kung hindi naman kinakailangan. Sa ganitong paraan, ang babae ay malaya sa mga tungkuling panlabas ng bahay upang mapayapa niyang isakatuparan ang tungkulin maisaayos ang tahanan.

 

Ito ay hindi nangangahulugang ang babae ay pinagbabawalang lumabas ng bahay. Maaari siyang lumabas kung sadyang kailangan. Sa gayon ang tahanan ay siyang likas na kapaligiran ng kanyang tungkulin, ginagamit ang kanyang kakayahan at talino sa pagpapalaki ng kanyang mga anak upang maging mabuting Muslim na may kakayahang magtiis sa pasanin ng buhay.

 

Ang pamilya ay lumalaki sa pagkakamag-anak sa dugo at pag-aasawa. Upang manatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawa’t miyembro ng pamilya, nagbigay ang Shari’ah ng mga matatalinong panuntunan: 

 

1.   Hindi pinahihintulutan  sa  miyembro ng iisang pamilya na mag-asawa sa isa’t-isa halimbawa: magulang sa anak, amain o tiyuhin sa pamangkin (anak sa unang asawa), magkakapatid sa dugo, magkaka- patid sa gatas (pagsuso ng di-magkamag-anak sa iisang ginang), tiyuhin o tiyahin sa pamangkin, at biyenan sa manugang.

 

Ang ilan sa mga dahilan kung bakit ipinagbabawal ang ganitong pag-aasawa-han ay upang panatilihin ang dalisay at likas na ugnayan. Ang paghalubilo sa bawa’t isa ay nagbibigay sa mga supling ng pagmamahalan sa isa’t isa at katapatan nang walang pag-aalinlangan o sagabal.

 

2.   Pinahihintulutan ng Islam ang pag-aasawa sa pagitan ng ibang miyembro ng kamag-anakan upang palakasin ang kanilang ugnayan at pagmamahalan. Silang naka-uunawa sa bawa’t nais at ugali ay higit na magkakaroon ng matagumpay na pag-aasawa kaysa sa hindi. Ito ang dahilan kung bakit ang Islam ay nagpapayo sa mga magulang na hayaang ipakasal ang kanilang mga anak sa mga may kaka-yahang magdala ng pamilya. 

 

3. Sa mga magkakamag-anak may mga maya-yaman at mahihirap. Kaya naman, sa lahat ng karapatang pantao, itinuturing ng Islam na higit na mahalaga ang karapatan ng kamag-anak. Ang karapatang ito ay tina-tawag sa Shari’ah na Silat Ar-rahm, ang pagpapanatili ng mabuting pakikipag-ugnayan sa sariling kamag-anak. Ang pagkakamag-anak na ito ay binibigyang-diin sa maraming pahina sa Qur’an, at sa mga Sunnah. Ang pagputol ng ugnayang ito ay isa sa mga mabibigat na kasalanan. Kapag ang isang miyembro ng pamilya ay nasa kagipitan, nagiging tungkulin ng mga mayayamang miyembro ng pamilya na tumulong at sumuporta. Higit na may karapatan ang kamag-anak sa kanyang kawanggawa kaysa sa ibang hindi kamag-anak.

 

4.  Itinakda ng Islam ang mga batas hinggil sa paghahati ng mana. Kapag ang isang tao ay namatay at nag-iwan ng ari-arian, ang pagmamay-ari ng ari-arian ay ililipat sa mga itinakdang tagapagmana ng yumao. Ang ari-ariang naiwan ng yumao ay hindi nararapat ilipat sa iisang tagapagmana lamang. Bagkus, bawa’t tagapagmana ay may karapatang bahagi sa naturang ari-arian batay sa  panuntunang nakasaad sa Qur’an tungkol sa paghahati ng mana. Sa ganitong paraan, ang naiwang ari-arian ay ipinamamahagi sa maraming kamag-anak ng yumao. 

 

Ang batas ukol sa mana na ipinaiiral ng Islam ay hindi mapantayan ng anumang luma o makabagong batas na gawang-tao sa buong daigdig. May mga bansa sa pana-hong ito na nagsimulang ipairal ang mga batas Islamiko tungkol sa mana. Sa kasawiang-palad, may ibang mga Muslim na ipinagwawalang-bahala ang batas na ito dahil sa kanilang kamangmangan at kaku-langan ng kaalaman.  Ang sakit ng pag-aalis ng mana sa kababaihang tagapagmana ay nararamdaman na ngayon. Ito ay isang kasuklam-suklam na di-makatarungan at isang paghihimagsik sa mga mahahalaga at maliwanag na batas sa Qur’an. 

 

Bukod pa sa ugnayang pampamilya, ang tao ay nagkakaroon ng ugnayan sa mga kaibigan, kapitbahay, sambayanan at sa mga nakakahalubilo sa araw-araw na buhay. 

 

Ipinag-uutos ng Islam na ang ugnayan sa mga nabanggit ay nababatay sa katapatan, katarungan, at magandang asal. Sa mada ling salita, nararapat niyang pakitunguhan ang iba katulad ng nais niyang paki- tunguhan siya. Nararapat na ilayo sa kanila ang anumang kanyang masamang asal katulad ng pagnanais niyang ilayo sa kanya ang kanilang masamang asal tungo sa pagkakaisa sa mabubuting gawa at pinong pag-uugali.

 

Tunay na mayroong dapat manguna tungkol sa ugnayan ng tao sa iba. Ang pinakamalapit sa kanya ay kamag-anakan, kasunod nito ay mga kapitbahay. Nabanggit sa mga di-mapag-alinlangang mga Hadith (mga winika ng Propeta) na si Anghel Jibrel (Gabriel) ay laging itina-tagubilin sa Propeta (saws) na panatilihin ang kabaitan sa kapitbahay hanggang sa naisip niya na si Jibrel ay nais bahaginan ng mana ang kapitbahay. Ipinakikita lamang nito ang kaha-lagahan ng karapatan ng kapitbahay kahit siya ay di-Muslim, katulad ng pagdalaw ng Propeta (saws) sa kanyang kapitbahay na isang Hudyo.

 

Mayroon pang  ibang tungkulin ang mga  Muslim;  magbigay  ng pagkain at damit  sa  mga Muslim na mahihirap, tulungan ang mga may kapansanan, at aliwin ang nasa kapighatian,  dalawin ang may sakit, tulungan ang mga naghihikahos,  at turuan ang mga naliligaw. Ang Propeta (saws) ay nagsabi:

 

“Ang Muslim ay kapatid ng kapwa Muslim. Hindi niya ito inaapi ni pinababayaan”.

 

Ang Allah ay nagsabi:

 

“At magtulungan sa isa’t isa sa kabutihan at pagka-makadiyos, subali’t huwag magtulungan sa isa’t isa sa kamalian at pagsuway.” [Qur’an 5:2]

 

“Katotohanan, ang mga nananampalataya ay magkakapatid.” [Qur’an - 49:10]

 

Marami pang ibang uri ng ugnayan ng Muslim sa iba; kagaya ng mga tinuran sa mga Salita ng Allah:

 

“At kung sinuman sa mga sumasamba sa diyus-diyusan ang humingi ng iyong proteksyon, magka-gayo’y ibigay sa kanya ang proteksyon upang marinig niya ang mga Salita ng Allah (Ang Qur’an), at ihatid siya sa kanyang ligtas na pook.” [Qur’an 9:6]

 

Ngayon naman ay tutungo tayo sa pandaigdigang ugnayan na kinabibilangan ng Muslim sa buong mundo. Nagtayo ang Islam ng mga batas at panuntunan upang magtulungan ang mga Muslim sa isa’t isa tungo sa kabutihan at pagkamakadiyos, upang bigyan ang kanilang sarili ng isang paligid na kung saan pinangangalagaan ang kanilang buhay at dangal ayon sa sumusunod na panuntunan;

 

1.      Ipinagbabawal ng Islam ang walang humpay na paghahalubilo ng di-magkapamilya, lalaki at babae, upang pigilin ang malaswang pagkilos at pangalagaan ang dangal ng Muslim. Ipinag-uutos ng Allah sa Kanyang mga alipin na iwasan ang hindi dapat tingnan (halimbawa pagtingin ng lalaki sa estrangherong babae, sapagka’t ang pagtingin sa mata ng isa’t isa ay siyang unang hakbang sa pagkakaroon ng ugnayan. Ang Allah ay nagsabi: 

 

“At sabihan ang mga nananampalataya na ibaba ang kanilang paningin at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (sa pangangalunya). Ito ay higit na dalisay para sa kanila.” [Qur’an 24:30]

 

Nagbigay ang Allah ng mga tungkulin sa mga kababaihan na mahirap gawin ng kalalakihan at nagbigay naman ng tungkulin sa kalalakihan na mahirap gawin ng kababaihan. Ipinag-uutos Niya sa kababaihan na manatili sa bahay upang panatilihin ang katiwasayan at kaginhawaan nito. Ginawa ng Allah ang ginang bilang pananamit ng kanyang asawa, at isang tahanan ng pagpapa-hinga. Sa kabilang dako naman, ang lalaki ay nagtatrabaho sa labas ng bahay para sa ikabubuhay ng pamilya, at kapag umuwi sa bahay, kailangan niya ang pahinga at kaginhawaan na matatagpuang nakahanda sa kanyang asawa na nasa bahay na naghahanda ng pagkain at matamang nag-aayos ng bahay.

 

Kabaligtaran nito, ang ginang na nagtatrabaho sa tindahan, karenderia, pabrika o anumang trabaho ay babalik sa bahay pagkatapos ng maghapon katulad ng kanyang asawang pagod na pagod at wala nang kakayahan pang tanungin ang pangangailangan ng asawa.

 

2.      Ipinagbabawal ng Islam sa kababaihang magpa- ganda ng sarili at ipakita ang kagandahan sa madla. Ang ganitong gawain ay nagdudulot ng pinsala sa kalalakihan sa pamamagitan ng kanilang pagnanasa, at inaakit sila sa paggawa ng malaswa.  Ang ganitong pagbabawal ay inili-ligtas ang kababaihan laban sa anumang mangyayari dahil sa bunga ng ganitong pagkilos. Bawa’t isa, lalaki o babae, ay inuutusang mag-suot ng damit na hindi nakapagbibigay pukaw sa damdamin ng bawa’t isa.

 

3.      Kinasusuklaman ng Islam ang pagkanta at pag-aliw na musika sapagka’t pinabababa nito ang moral ng tao, at ginigising nito ang maka- mundong pagnanasa, sinasayang ang kanilang panahon at salapi, at nagbibigay pinsala sa kanilang kalusugan.

 

4.      Bilang isang paraan upang mapanatili ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga Muslim inuutusan sila ng Allah na iwasan ang hidwaan sa isa’t isa, at ang lahat ng di- pagkakaunawaan. Kung mayroon man silang hidwaan, dapat nilang isangguni ito sa Aklat ng Allah at sa Sunnah ng Kanyang Sugo (saws) at ipagtiwala ang kanilang pamumuhay sa Allah. Inuutusan din ang mga Muslim na magtulungan sa isa’t isa upang makamit ang tagumpay at magandang pakikitungo. Dapat nilang sundin ang kanilang mga pinuno at kasuklaman ang mga gumagawa ng kaguluhan at hidwaan sa sambayanan, kung hindi’y ang kanilang kakayahan ay mauudlot, at malalantad ang kanilang sarili sa mga kaaway habang nagkakagulo sa isa’t isa. 

 

5.      Pinahihintulutan ang mga Muslim na mag-aral ng agham at ibang sining pantao; at matuto ng mga nakabubuting pamamaraan kahit galing sa mga di-Muslim.  Magkagayunman, sila ay pinagbaba- walang gumaya sa mga pamamaraan ng buhay ng mga di-nananampalataya. Tanging ang bansang inaamin ang pagkatalo at kahihiyan ang nagsisikap gumaya sa mga bansang kanyang pinaniniwalaang nakahihigit sa kanya. Ang ganitong paggaya ay nagpapakita ng mababang uri ng pagka-alipin. Ang pagkawala ng dangal ang siyang bunga ng paggaya. Dahil dito, ang Propeta (saws) ay labis na ipinagbabawal ang paggaya sa banyagang bansa o isagawa ang kanilang pamamaraan ng buhay. Ang kapang-yarihan ng isang bansang Muslim ay hindi nakasalalay sa pamamaraan ng pananamit at istilo ng pamumuhay ng ibang bansa, bagkus ito ay nakasalalay sa pananampalataya sa kaisahan ng Allah, at pagsunod sa Aklat ng Allah, at sa Sunnah ng Kanyang Sugo (saws). Ang kapangyarihan ng bansa ay nakasalalay din sa yamang karunungan at kaayusan. Magkagayun, sinumang nagnanais ng kapangyarihan at kaganapan ay dapat iwasang gumaya sa mga di-nananampalatayang bansa.

 

Ipinagbabawal din sa Muslim ang di-kanais-nais na pakikitungo sa mga di-Muslim dahil lamang sa kanilang pananampalataya. Maging ang pang-aabuso sa mga diyos-diyusan ng mga di-nananampalataya o insultuhin ang kanilang samahan ay ipinagbabawal din sa Muslim. Sa ganito’y wala silang magiging dahilan upang lapastanganin ang Allah. Ipinagbabawal din sa mga Muslim ang pagsisimula ng alitan sa mga di-Muslim. Bagkus, nararapat na anyayahan sila sa Islam hangga’t ang mga di-nananampalataya ay nagnanais ng pagkakasundo at kapayapaan sa mga Muslim. Nararapat na bigyan sila ng pagkakataong malaman ang relihiyon ng Allah. 

 

Ang ating pag-uugaling Islamiko ay nagtuturo na dapat nating anyayahan ang mga di-Muslim sa itinakdang relihiyon ng Allah. Ang Muslim ay nararapat na magsumikap na mabilang sa mga mahusay na halimbawa upang pamarisan. Dapat ipakita ng Muslim sa mga di-nananampalataya ang pinong pag-aasal Islamiko. Salungat sa aral ng Islam ang pakitunguhan nang magaspang ang iba sapagka’t ang Muslim ay dapat na maging huwaran ng mabuting pag-uugali upang mangganyak ang iba sa Islam. Karagdagan nito, inuutusan ang mga Muslim na magbigay pangangalaga sa mga humihingi nito maging ito ay mula sa mga di-nananampalataya. 

 

Ang Allah ay nagsabi: 

 

“At kung sinuman sa mga sumasamba sa mga diyos-diyusan ang humingi ng proteksiyon, magkagayo’y ibigay sa kanya ang proteksiyon, upang marinig niya ang mga Salita ng Allah (ang Qur’an), at ihatid siya sa kanyang ligtas na pook.” [Qur’an 9:6]

 

Ganito inuutusan ng Allah ang mga Muslim na magbigay pangangalaga sa isang di-nananampalataya na humihingi nito, at anyayahan siya sa katotohanan bago siya ihatid sa ligtas na pook.

 

 

Ang Karapatan ng Ibang Nilikha

 

Itinangi ng Allah ang tao sa maraming nilikha Niya. Pinahihintulutan Niyang gamitin ng tao ang ibang nilikha matapos silang ipailalim sa kanya. Ito ang bahagi ng likas na karapatan ng tao bilang pinakamahusay na nilikha sa balat ng lupa. Bilang kapalit, inatasan ng Allah ang tao ng mga takdang tungkulin hinggil sa ibang mga nilikha. Sa mga obligasyong ito, ang tao ay hindi dapat abusuhin, saktan o ilagay sa panganib ang ibang nilikha nang hindi naman kinakailangan hangga’t wala na talagang pagpipilian. Nararapat na piliin ng tao ang pinakamahusay na paraan sa paggamit ng mga nilikhang ito, at masiyahan sa kanila sa mga pinakamahusay na paraan. 

 

Maraming mga batas ng Shari’ah hinggil sa paksang ito.  Pinahihintulutan lamang ang tao na pumatay ng hayop para sa pagkain, o upang pangalagaan ang sarili sa kanilang panganib. Mayroong isang mahigpit na babala sa pagkitil ng hayop nang walang katuturan o para sa paglalaro lamang. Tungkol naman sa mga hayop na pinapatay upang gamiting pagkain, may mga itinakdang pamamaraan sa pagkatay sa kanila. Ito ang pinakamahusay na paraan upang magamit ang kanilang karne sa pagkain. Anumang paraan maliban sa pamamaraang Islamiko kahit ito ay kaiga-igaya sa paningin ng tao ay babawasan lamang ang biyaya ng karne ng hayop; at kung ito ay hindi kaiga-igaya, magbibigay lamang ng pasakit sa hayop. Hindi itinatagubilin ng Islam ang alinmang paraang pagkatay sa hayop na hindi naaayon sa itinuturo nito.

 

Ang malupit na pagpatay sa hayop ay labis na ipinagbabawal sa Islam. Ang pagkitil ng mapanganib at makamandag na hayop ay pinahihintulutan lamang sapagka’t ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa buhay ng hayop. Magkagayunpaman, ipinagbabawal ng Islam na ilagay ang mga hayop na ito sa pagpapahirap. Sa Islam, ipinagbabawal din ang pabayaang gutom ang hayop na ginagamit sa pag-aararo at paghakot. Gayundin ang pagbibigay ng labis na pasanin o paghagupit sa kanila. Gayundin ang pagsilo sa ibon nang walang mahusay na dahilan. Hindi pinahihintulutan sa Islam ang pagputol o pagwasak ng puno nang walang katuturan, gayundin ang pananakit ng hayop. Maaari nating anihin ang mga prutas ng mga puno o ang kanilang bulaklak subali’t huwag silang patayin o bunutin na hindi naman kinakailangan. Ang pag-aksaya ng tubig o ng anumang bagay ay hindi pinahihintulutan sa Islam. 

 

 

Ang Walang-Hanggang Pandaigdigang Shari’ah

 

Ang mga nabanggit ay buod lamang ng mga batas at mga panuntunan ng dalisay na Shari’ah na kung saan ang Propeta Muhammad (saws) ay isinugo sa sangkatauhan.

 

Tanging ang tamang paniniwala at gawain ang nagsisilbing panuri sa pagkilala ng tao sa isa’t isa sa Islam. Sa katunayan, ang mga batas na gawang-tao at ng mga relihiyong nagbibigay pagtatangi sa tao batay sa lahi, bansa, kulay at yaman ay hindi akmang maging pandaigdigang relihiyon, sapagka’t ang gayong relihiyon ay sadyang imposible sa isang nakakababang lahi na pangibabawan ng nakakataas na lahi. Ang pamumuno sa ganitong kaayusan ay maaari lamang gawin ng isang partikular na bansa. Sa gitna ng ganitong kalagayan, ipinakikilala ng Islam ang pandaigdigang Shari’ah na bukas sa sinumang pinanghahawakan ang paniniwala nito; halimbawa ang Pagpapahayag ng Pananampalataya (La Ilaha Illallaah wa Muhammadan Rasullullaah) na nangangahulugang walang tunay diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad ay Sugo ng Allah, at tamasahin bilang bunga ng pagtanggap, ang mga karapatang tinatamasa ng lahat ng Muslim. Ang Shari’ah ay hindi nagbibigay pagtatangi ayon sa lahi, wika, bansa, kulay o yaman.

 

Bukod pa rito, ang Shari’ah (Batas ng Islam) ay walang hangganan.  Ang mga batas nito ay hindi batay sa iisang bansa o partikular na panahon.  Bagkus, ito ay itinakda upang tupdin ang panga-ngailangan ng tao sa lahat ng panahon at pook, sapagka’t ang gumawa   nito ay Siyang lumikha ng tao. Batid Niya kung ano ang angkop sa kalikasan ng tao na mananatiling mahusay sa lahat ng panahon at saan mang pook.  Ang aming panghuling panalangin:

 

“Al Hamdulillahi Rabil-Alameen”

 (Lahat ng papuri ay sa Rubb ng mga daigdig)

 



1]   Banal na batas na kinabibilangan ng mga panuntunan at gawaing pagsamba katulad ng pag-aayuno, pagdarasal, pilgrimahe,   at iba pang gawaing pagsamba o gawaing pagsunod sa Allah..

2]  Al-Fiqh - Ang agham na nauukol sa pagganap sa mga aksiyon ng pagsamba, atbp.

1
2736
تعليقات (0)