Mga Bagay na Nagbibigay-buhay sa Pagtitiyaga at Pagtitiis

Ahmed Baguec

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Mga Bagay na Nagbibigay-buhay sa Pagtitiyaga at Pagtitiis

[Ahmed Baguec]

 

 

Ang mga Sahabah ay ang naunang Muslim sa panahon ni Propeta Muhammad ay saksi kung papaano isinilang at lumaganap ang Islam sa kabila ng mga di-mapantayang pagsubok na bumabalot sa kasaysayan. Magpakaganoon, nararapat nating pag-aralan ang katangian ng mga sahabah na siyang naging pangunahing kaagapay ng propeta upang itaguyod ang magandang balita.

 

Bunga nito, ang isang taong may makatwirang pag-iisip ay karaniwang magpakalayo at taus-pusong pinag-iisipan ang mga bagay na nagbibigay-buhay sa mga naunang Muslim hinggil sa kanilang kahanga-hangang taglay na katapatan at tiyaga. Nakakamangha ang mga taong ito kung paano sila nakatatagal sa tindi ng panghihirap at paano sila humarap sa mga mapang-aping pananakit ng mga kufr. Sa mga katanungang ito, ating pag-usapan ang ilan sa mga dahilan na ukol dito:

 

1.     Ang Matibay na Paniniwala sa Allah. Ang pangunahing dahilan ay ang kawalan ng pag-aalinlangan, ang matibay na paniniwala sa Allah lamang kasabay ng hindi mapantayang antas ng pang-unawa sa kanyang mga katangian. Ang taong nagtataglay ng ganitong kaganapan ng paniniwala sa kanyang puso ay maging madali lamang para sa kanya ang humarap sa mga dumarating na kahirapan kung ihahambing ito sa tamis ng paniniwala.

 

Sinabi ng Allah:

 

…..At tungkol sa bula (sa ibabaw ng tubig), ito ay dumaraan bilang dumi sa mga baybay ng ilog, datapuwa’t ang makakabuti sa sangkatauhan ay nananatili sa kalupaan. Sa ganito, ang Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing (tungo sa paniniwala at hindi paniniwala, Katotohanan at Kabulaanan). [Qur’an, 13:17]

 

2.     Buong Pusong Pagmamahal sa Pamumuno. Si Muhammad na isang dakilang pinuno ng lipunan ng mga Muslim (Muslim Ummah) at sa pangkalahatan ay ang sangkatauhan. Isang huwarang tao sa kanyang taglay na ganap na asal at dakilang katangian. Walang sinuman ang makakasukat sa kanyang kawanggawa sa kadakilaan, katapatan, at ang pangkaraniwang disiplina sa sarili. Ang mga ito ay hindi maipagkailang tinatanggap at sinang-ayunan ng karamihan kasama ang kanyang mga kalaban. Si Abu Jahl na siyang pangunahing kalaban ng Islam ay madalas binibigkas ang mga sumusunod: “O Muhammad, hindi kami karapat-dapat na pasinungalingan ka, maari lamang naming sumuway sa dala (Islam) mo sa amin.”

 

Iniulat na may tatlong tao sa mga Quraish ang palihim na nakikinig sa mga pahayag ng Qur’an. Hindi nagtagal, ang lihim na ito ay nalantad at ang isa sa tinanong ay si Abu Jahl (isa sa tatlo) kung ano ang kanyang masasabi sa kanyang narinig mula sa Propeta Muhammad. Ang sagot niya: Pinagtatalunan namin ang karangalan ng pamumuno at pagkamapag-bigay sa angkan ng Abdu Munaf at magkapantay ang tinanggap na gantimpala. At sinimulan nilang ipagyabang na may Propeta mula sa kanila na tumanggap ng Rebelayson mula sa kalangitan. Isinusumpa ko, kami’y hindi maniniwala sa kanya.

 

Sinabi ng Allah:

 

Tunay Naming batid ang dalamhati na dulot ng kanilang mga salita sa iyo (O Muhammad). Hindi ikaw ang kanilang itinatakwil, nguni’t ang mga Talata (ng Qur’an) ng Allah ang itinatakwil ng mga Dhalimun (mga sumasamba sa diyusan-diyusan at makasalanan). [Qur’an, 6:33]

 

Isang araw, si Propeta Muhammad ay tatlong ulit na tinawag ng mga di-naniniwala (Kufr) mula sa mga Quraish ng masamang salita. Nanatili siyang tahimik subali’t sa pangatlong pagkakataon ay kanyang pinuna sila: “O Quraish! Ang kamatayan ay nakalaan para sa inyo.” Natigilan sila at nanaig ang takot sa kanilang puso na maging ang pinakamasama sa kanila ay nagsimulang humingi ng paumanhin at gumawa ng mabuting ugnayan sa kanilang ginawang paglapastangan sa Propeta. Nang ipinatong sa kanyang likod ang laman-loob ng kamelyo habang nagpapatirapa sa kanyang pagdadasal, hininga niya ang poot ng Allah sa kanila. Sila’y nakadama ng kakaiba at matinding pangamba at halos naniwalang dumating na ang kanilang katapusan. Si Ubai bin Khalaf ay palaging nagbabanta na papatayin niya si Propeta Muhammad. Isang araw ang Propeta ay galit na sinagot ang bantang papatayin siya sa kapahintulutan ng Allah. Nang si Ubai ay nagtamo ng galus sa kanyang leeg sa digmaan ng Uhod, sa kanyang takot naalala niya ang puna at salita ng Propeta sa kanya, “Ako’y kumbinsido na mapapatay niya ako kahit ang kanyang dura sa akin.”

 

Sinabi ni Sa’d bin Mu’adh kay Omaiyah bin Khalaf sa Makkah:

 

Isang araw, narinig ko na sinabi ng Sugo ng Allah na ang mga Muslim ay sadyang papatayin ka.”

 

Labis na nasindak si Omaiyah at isinumpang hindi siya kailanman lalabas ng Makkah. Initusan din siya ni Abu Jahl upang sumama sa pakipagdigma sa digmaan sa Badr, dinala niya ang pinakamaganda at mabilis na kamelyo sa Makkah upang mapadali ang kanyang pagtakas. Ang kanyang asawa rin ay pinaaalahanan siya na huwag lumabas at ipinaalala sa kanya ang pangungusap ni Sa’d. Ang kanyang sagot, “Isinusumpa ko sa Allah, wala akong binabalak na lumabas kasama ang mga Quraish, hihiwalay ako sa kanila sa hindi kalayuan.”

 

Ganyan ang malinaw na pagkasindak at kaguluhan na yumanig sa puso’t isipan ng kanyang mga kaaway saan man sila naroroon. Sa kabilang bahagi naman ay ang kanyang mga kaibigan at Sahabah ay labis siyang minamahal at laman siya sa kailalimang bahagi ng puso ng bawa’t isa sa kanila. Lagi nilang handang ibuwis ang kanilang buhay para sa pagtatanggol sa kanya at upang mapangalagaan ang kanyang kapakanan. Isang araw, si Abi Bakr bin Abi Quhafa ay marahas na sinaktan ni Utbah bin Rabi‘a, isang napakasamang kufr (mga sumsamba sa diyus-diyusan, makasalanan). Halos nagdurugo ang buong bahagi ng kanyang katawan at malapit na siyang mamatay. Subali’t nang ang kanyang ka-tribo ay nagalit nang kinuha siya dahil sa kanyang dinanas na pang-aapi, isinumpa niya na hindi siya kailanman kakain o iinum ng anuman hangga’t hindi siya binabalitaan sa kalagayan ng Propeta Muhammad. Ganitong uri ng pagsasakrapisyo at pagpaparaya ang angking katangian ng mga Sahabah.

 

3.     Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa Tungkulin. Ang mga Sahabah ay batid ang mga panganib na kaakibat ng pagtupad nila sa kanilang tungkulin. Naniniwala rin sila na ang mga paratang at mga darating na pagsubok at matatamong pang-aapi ay hindi maiiwasan at ang sakuna na maidudulot nito sa sangkatauhan kapag talikdan ang kanilang mga obligasyon.

 

4.     Ang Matibay nilang Paniniwala sa Kaganapan ng Kabilang-Buhay. Ito ang pundasyon na nagpapatibay ng pagpapahalaga sa kanilang tungkulin. Ganap ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng diwa ng kanilang pananalig na balang araw haharap sila sa Araw ng Muling Pagkabuhay at hahatulan sa lahat ng kanilang mga gawain sa mundong ito, maliit o malaki. Tiwala at nananalig sila na ang kanilang kinabukasan sa kabilang-buhay ay nababatay sa kanilang gawa sa pansamantalang buhay sa mundong ito, sila man ay hahantong sa kabilang-buhay na walang hanggan sa Jannah (Paraiso) o sa walang-katapusang kaparusahan sa lumalagablab na apoy sa Jahannam (Impyerno). Ang buo nilang buhay ay nahahati sa pagitan ng pag-asa sa habag ng Allah at ang takot sa Kanyang poot at parusa.

 

At taos puso silang nagbibigay ng kanilang kawanggawa (at iba pang gawain), na labis ang pangangamba sa kanilang puso (kung matatanggap o hindi ang kanilang kawanggawa at iba pang gawain), sapagkat sila ay nakakatiyak nang pagbabalik sa kanilang Panginoon (sa pagsusulit); [Qur'an 23:60]

 

Batid nila na ang buhay sa mundong ito kabilang ang mga kasaganaan at dalamhati na taglay nito ay walang halaga kapag ihambing ito sa Kabilang-buhay. Ang matatag nilang paninindigan ang nagbigay sa kanila ng kaibhan sa pagharap sa mga kaguluhan at kahirapan na dinanas nila sa panahon ng kanilang pamumuhay. 

 

5.      Ang Qur'an. Ang mga talata at kabanata sa Banal na Qur'an ay nakakaakit, sapilitan at sunod-sunod na ipinahayag sa madilim at mapanganib na panahon. Ipinahayag sa pagsuporta at pagtataguyod sa usapang makatotohanan at kaganapan sa mga prinsipyo ng Islam na siyang pamantayan sa buong panawagan (sa Islam) ni Propeta Muhammad. Binubuo nito ang pinangangalagaang pamantayan ng pinakamabuti at pinakadakilang mamamayang (Muslim Ummah) itinakda upang itatag. Ang mga talata sa Qur’an ay nagbibigay buhay sa damdamin ng mga naniniwala, pinatitibay ang kanilang loob sa kanilang pagtitiyaga at katatagan at ilahad sa kanila ang matatag na halimbawa at nagpapahiwatig ng mga utos:

 

At kayo ba ay nag-aakala na kayo ay magsisipasok sa Jannah (Paraiso) ng walang anumang (pagsubok) na katulad ng sinapit sa mga nangauna sa inyo? Sila ay nakaranas ng mga matinding kahirapan at karamdaman at lubha silang nawalan ng katatagan, na maging ang Tagapagbalita at ang mga naniniwala na kasama niya ay nagsabi: “Kailan pa kaya daratal ang Paglingap ng Allah?” Tunay nga! Walang pagsala, ang Tulong ng Allah ay nandiriyan na! [Qur’an, 2:214]

 

Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma). [Qur’an, 29:1]

 

Nag-aakala baga ang sangkatauhan na sila ay hahayaan lamang sapagkat sila ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya”, at kami ay hindi susubukan? [Qur’an, 29:2]

 

Katotohanan, Aming sinubukan ang mga tao na nauna pa sa kanila, at katiyakang ang Allah ang nakababatid kung sino ang matapat at nagkukunwari. [Qur’an, 29:3]

 

Ang pagapapahayag ng paniniwala mula sa bibig lamang ay hindi sapat. Ito ay kinakailangang subukan sa tunay na kalagayan ng buhay. Ang pagsubok ay isinasagawa sa lahat ng bahagi o aspeto ng ating buhay, sa pangpribadong buhay at sa ugnayan sa kalikasan sa paligid natin upang ating mapag-alaman kung tayo ba ay manatiling matatag sa pakikibaka at ilagay ang kapakanan ng Panginoon una kaysa sa ating pansariling pangangailangan. Maraming sakit, dalamhati at pagsasakrapisyo sa sarili ay maaring kakailanganin, hindi dahil sa nakakabuti ito sa kanilang sarili, nguni’t dahil ito ay nagpapadalisay sa atin, katulad ng apoy na ginagamit ng isang nagtutubog upang linisin ang ginto at maging lantay ito.

 

Ang mga talatang ito ay naglalaman ng pawang katotohanang sagot sa mga mapanlinlang na paratang ng mga di-naniniwala, at isang maliwanag na hangganan na siyang bumasag sa maaring masamang mangyari bilang kabayaran kapag nagpatuloy sila sa kanilang kawalan ng paniniwala. Sa kabilang dako, ang Banal na Qur’an ay siyang namumuno sa mga Muslim tungo sa bagong daigdig at binibigyang ilaw sila sa Kanyang (Allah) mga katangian, ganda ng Pagkapanginoon, ang kaganapan ng Pagkadiyos, ang apekto ng kabaitan at habag at ang pagpahiwatig ng pagkauhaw na kaluguran ng Allah. Kanilang malinaw na ipinamalas ang makahulogang mga mensahe na nagdadala ng magandang balita hinggil sa hindi mapag-aalinlangang pagdating ng Habag mula sa kalangitan tungo sa walang hanggang kasiyahan sa Paraiso. Magpakaganoon, kanila ring pinangarap ang katapusan ng mga mang-aapi at ng mga di-naniniwala na hahantong sa paghuhukom ng Allah at itatapon sila sa Impyerno at matitikman nila ang apoy.

 

6.     Ang mga Magandang Balita sa Tagumpay. Sa simula pa lamang ay nakaranas na ang mga Muslim ng mga paghihirap sa buhay. Tiyak ng mga Muslim na ang pagyakap nila sa pananampalatayang Islam ay hindi nangangahulogan na kinakailangan silang dumanas ng kahirapan o huhukay ng sarili nilang libingan. Batid nila na iisa lamang ang adhikain ng Islam, ang pagputol sa mga tradisyon (mga sumasalungat sa turo ng Islam) bago dumating ang Islam at ang pagputol sa masamang sistema. Ang pagpapatibay ng impluwensiya sa buong daigdig at pagkaroon ng impluwensya sa mga politika ng pamahalaan upang pamunuan ang mga tao na kaluguran ng Allah at ang kaganapan ng pagsasamba sa Allah lamang. Ang ganitong uri ng balita ay minsan maliwanag na ipinahayag at minsan ay hindi sa tamang pamamaraan na naangkop sa sitwasyon. Nang ang mga Muslim ay sapilitang naharap sa embargo o ang kanilang pamumuhay ay nalagay sa patuloy na embargo, may darating na rebelasyon mula sa talata ng Qur'an na nagpapahayag ng katulad sa mga kuwento ng mga naunang Propeta kasama ang kanilang mga tagasunod at ang paghihirap at sakit na kanilang naranasan. Ang mga talata ay nagbibigay rin ng mga panukala sa huling hantungan ng mga Kufr sa Makkah na naglalarawan sa kanilang katapusan. Subali’t ang magandang balitang ito ay nagbibigay din sa mga tapatt na alagad ng pangakong pamamahala sa mundo ito upang makamit ang ganap na tagumpay at ang pagwawagi sa panawagan ng Islam at ang mga tagapagtaguyod nito.

 

Ang mga sumusunod na talata sa Banal na Qur'an ay nagpapahayag ng magandang balita at ang huling pagwawagi ng mga Muslim bilang gantimpala sa kanilang tatag at pagtitiis:

 

At katotohanan, ang Aming Salita (Mensahe) ay naipahayag na sa mga nauna Naming mga alipin, ng mga Tagapagbalita  na Aming isinugo, [Qur'an, 37:171]

 

At tunay na Aming tutulongan sila upang magtagumpay. [Qur'an, 37:172]

 

At ang Aming mga kawal, ay sadyang sila'y magwawagi. [Qur'an, 37:173]

 

Kaya’t tumalikod ka sa kanila (O Muhammad), nang pansamantala. [Qur'an, 37:174]

 

At pagmasdan mo sila, at makikita nila (ang kaparusahan)! [Qur'an, 37:175]

 

Sila baga ay nagnanais na madaliin ang Aming Pagpaparusa?  [Qur'an, 37:176]

 

Datapuwa’t kung ito ay pababa na sa kanilang harapan, kasamaan ang magiging umaga ng mga pinaalalahanan (subali’t hindi nakinig)! [Qur'an, 37:177]

 

Sinabi ng Allâh sa Kanyang Propeta:

 

Hindi magtatagal, ang karamihan sa kanila ay malagay sa pagtakas, at sila ay tatalikod. [Qur'an, 54:45]

 

Sinabi pa Niya:

 

(At sapagkat itinakwil nila ang Mensahe ng Allah), sila ay magiging talunan na katulad ng  magkakaanib (na pangkat o tao) nang unang panahon (na nagapi). [Qur'an, 54:45]

 

Sinabi ng Allah sa mga Muslim na lumikas ng tirahan sa Abyssinia (Ethiopia)

 

At sa mga lumilikas ng tirahan tungo sa ng dahil sa Allah lamang, matapos na sila ay dumanas ng pang-aapi, katotohanang Aming pagkakalooban sila ng magandang tahanan sa mundong ito, datapuwa’t katiyakan, ang gantimpala ng Kabilang Buhay ay nakakahigit kung kanila lamang nalalaman! [Qur'an, 16:41]

 

Ayon sa kasaysayan ni Jose sa Banal na Qur'an:

 

Katotohanan, kay Jose at sa kanyang mga kapatid ay may Ayat (mga tanda, aral, katibayan, kapahayagan, atbp.) sa mga naghahanap ng katotohanan. [Qur'an 12:7]

 

Tatanggapin ng mga taga-Makkah ang kapalaran na dinanas ng mga kapatid ni Jose ng pagkatalo at pagsuko. At sa ibang pangyayari, nagsabi ang Allah tungkol sa mga Sugo:

 

At sila na hindi sumasampalataya ay nagsabi sa kanilang mga Tagapagbalita: “Tunay na kayo ay aming itataboy (palayo) sa aming lupain, o kayo ay magbabalik sa ating relihiyon.” Kaya’t ang kanilang Panginoon ay nagpahayag sa kanila: “Katotohanan, Aming wawasakin ang Dhalimun (mga sumasamba sa diyusan-diyusan, makasalanan, walang pananalig, atbp.). [Qur'an, 14:13]

 

At katotohanan, Aming hahayaan kayo na manahan sa kanilang mga lupain pagkaraan nila. Ito ay para sa kanya na nakatindig ng may pagkatakot sa Aking harapan (sa Araw ng Muling Pagkabuhay o nangangamba sa Aking kaparusahan), at gayundin, ay may pangangamba sa Aking banta.” [Qur'an 14:14]

 

Sa panahon ng digmaan sa pagitan ng mga Persiyano at mga Romano, ang mga di-naniniwala ay may masidhing mithiin na ang magwawagi ay ang Persia, sapagkat kapwa sila sumasamba sa mga diyusan-diyusan, samantalang ang mga Muslim ay ipinagdasal na ang magwagi ay ang mga Romano sapagkat sila'y kapwa naniniwala sa Allah, ang Kanyang mga Sugo, Aklat, Rebelasyon at sa Kabilang Buhay.

 

Ang digmaan ay naging sanhi ng pagkagapi ng Persiya sa Roma. Ang mga di-naniniwala ay kampi sa mga Persiyano at sa kanilang puso ay ang matinding pagnanais na ang lumalaganap na kilusan ng Islam (sa panahong yaon ang mga Muslim ay salat sa yaman at iba pang maka-mundong bagay), labis na mahina at walang katulong, ay babagsak sa kanilang pang-aapi. Nguni’t hindi nila naunawaan ang tunay na palatandaan ng panahon. Nasabi sa kanila na hahamakin sila ng kanilang panukala, at sadyang nangyari nang si Heraclius ay lumusob sa gitna ng Persiya at ang mga Quraish sa Makkah ay natalo sa digmaan ng Badr.

 

Sa loob ng tatlo hanggang siyam na taon, ang kapasiyahan ng gayong bagay, bago at matapos (ang gayong mga pangyayari) ay na sa Allah lamang, (bago ang pagkagapi ng mga Romano sa kamay ng mga Persiano, at matapos, alalaong baga, ang pagkagapi ng mga Persiyano sa kamay ng mga Romano). At sa Araw na yaon, ang mga sumasampalataya (alalaong baga, ang mga Muslim) ay magagalak (sa tagumpay na iginawad ng Allah sa mga Romano laban sa mga Persiyano), [Qur'an, 30:5]

 

Sa pamamagitan ng tulong ng Allah, Siya ang nagkakaloob ng tagumpay sa sinumang Kanyang maibigan, at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaawain. [Qur'an, 30:4]

 

Sa maraming pagkakataon, ang Sugo ng Allah ay nagpapahayag hindi lamang ang magandang balita hinggil sa Paraiso nguni’t kasama rin dito ang mga balita ng pangako sa mga tunay ng naniniwala sa pagpapalaganap sa Islam. Sila'y lagi niyang pinaaalalahanan na sila ay magtatagumpay, pamunuan ang buong Arabya at sakupin ang Persiya lamang kung tatanggapin ang pangunahing haligi ng Islam, ang Kaisahan ng Allah.

 

Minsan iminungkahi ni Khabbab bin Al-Aratt sa Propeta na hilingin niya mula sa Allah na tulungan siya sa mga suliranin na kanyang dinaranans sa kamay ng mga kufr.  Labis na namula ang mukha ng Propeta at sinabi sa kanya na ang tunay na naniniwala ay hindi nagmamadali sa mga bagay, nararapat na ang isang naniniwala na maranasan ang kahirapan at pagsubok sa buhay sa abot ng kanyang makakaya, na ang takot ay sa Allah lamang hanggang sa ang pananampalataya (Islam) ay maitatag na tunay ngang mangyari. Ang tinutukoy ng Propeta dito ay upang ipahiwatig ang kahalagahan ng katatagan ng mga Muslim at ang nahaharap na paghihirap na kanilang papasan upang itatag ang lupain ng Islam na kung saan ang kapayapaan at seguridad ay siyang nangingibabaw sa lahat (ang Shari'ah).

 

Ang Magandang Balita hinggil sa magandang kinabukasan ng Islam at ang mga Muslim ay hindi lamang para sa mga Sahabah ni Muhammad. Katunayan ito ay ipinahahayag kapwa sa mga naniniwala at di-naniniwala. Sa tuwing magkita ang dalawang pangkat, ang isa ay hamakin ang kabilang pangkat at sasabihin: “Heto ang mga namumuno sa daigdig na ito na gagapi kay Chosroes at Caesar.” Subali’t ang mga naniniwalang umaasa sa ningning ng mala-paraisong kinabukasan ay laging nanatiling matatag at magiting na hinaharap ang lahat ng pang-aapi at paninirang-puri sa kanila.

 

Ang Propeta sa kanyang bahagi ay palaging pinanatili at pinanangalagaan ang espiritwal na pangangailangan ng kanyang mga tagasunod sa pananampalataya. Biyayaan sila sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanilang puso sa landas ng Qur’an at hihikayatin ang kanilang isipan sa diwa ng Islam na siyang magtataas sa kanila ng antas ng dakilang kabanalan, dalisay na puso at ang kalayaan mula sa pagkaalipin sa materyal na bagay. Isang mataas na antas sa moralidad na sapat upang tanggihan ang makamundong yaman at pamumunuan sila mula sa kadiliman tungo sa liwanag. Patuloy niya silang tuturuan na maging mapagpaubaya, mapagpatawad at nagpapakupkop at sumusuko upang maging matatag sa kanilang pananampalataya, magtimpi sa pansariling pagnanasa, at taus-pusong gugulin ang kanilang panahon upang kaluguran ng Allah, at umaasa sa Paraiso.  Ang pagtangkilik sa Syensiya o Agham na nauukol sa ikauunlad ng kanilang pananampalataya, pagsasangtabi sa sariling kapakanan, hawakan ang matibay na panininindigan at kababaang-loob, pagtitiis at pagpapahalaga.

1
2746
تعليقات (0)