Ang Pangingimbulo

PLPHP - Imam Ibn Taymiyyah

 

 

 

Ang Pangingimbulo

 

Ni Imam Ibn Taymiyyah

Salin sa Wikang Pilipino ng PLPHP

 


Ang pambungad na ito ay naglalayong ilarawan ang pangingimbulo na sakit sa puso ayon sa pagpapaliwanag ni Ibn Taymiyyah

 

v   Ang panngingimbulo ay isa sa malaking pagkakasala na nakakasira sa ating mabubuting gawain ng kasing bilis ng pagsunog ng apoy sa kakahuyan at mga toyong damo na maging abo

 

"Ang pangingimbulo ay binubura ang mga mabubuting gawain, tulad ng pag-ubos ng apos sa kahoy.” [Sunan Ibn Majah]

 

v   Ang pangingimbulo ay inilarawan bilang sakit ng Propetar.

 

v   Ang panngingimbulo ay hindi pagsangayon o pagkagalit sa mabuting biyaya ng AllahU sa iba.

 

v   Ang panngingimbulo ay pagsuway sa takda ng AllahU sa Kanyang pagbigay ng biyaya sa iba.

 

“Ang pangingimbulo at paniniwala ay hindi maaring makapagsama sa puso ng isang alipin.” [Ibn Hibban, saheeh]

 

“Ang mga tao ay nasa mabuting kalagayan habang sila’y hindi pangingimbulo.” [At-Tabarani with trustworthy narrators]

 

v   Ang pangingimbulo ay isang katangian ng mga Hudyo na kanilang ipinamalas sa Propetar, na nagdulot sa kanya ng panakit.

 

v   Ang pangingimbulo ay nagiging sanhi ng sama ng loob o hidwaan.

 

v   Ang Propeta Muhammadr, ay inilarawan ang pangingimbulo na sanhi ng pagkawatakwatak ng relihiyon.

 

v   Ang mga Muslim ay inuutusan sa Surah Al-Falaq upang magpakupkup sa AllahU laban sa kasamaan ng mga pangingimbulo kapag sila’y naiingit.

 

v   Ang pangingimbulo ay higit na masama kaysa karukhaan, sapagka’t ang pulubi ay napagkaitan lamang ng makabundong biyaya, bagama’t ang naiinggit ay inaayawan ang mga biyayang bigay ng AllahU sa kanyang mga Alipin.

 

v  Walang sinuman ang nagiging tunay na naniniwala hangga’t nanaisin niya sa kanyang kapatid kung ano man ang ninanais niya sa kanyang sarili.

 

Napag-alaman na ang mga taong may malaking pagkagambala ay ang mga mapanibugho, sila ang mga taong walang kapayapaan at patuloy ang kanilang pagdadalamhati.

 

Ang matinding panakit ay nagmumula sa isang naiinggit at ang kanyang layunin ay upang magambala ang kinaiingitan.

 

Sinabi ni Al-Mubarrad ang mga sumusunod:

 

Ang mata ng na-iinggit ay palaging nakakakita ng kaguluhan, nagdadala ng kasamaan at inililihim ang kabutihan.

 

Masaya kayong magkaharap, ang mukha’y nakangiti, habang ang puso ay nagtatago ng kanyang tunay na damdamin.

 

Ang paninibugho ay nangyayari ng walang dahilan, at hindi tumamatanggap ng paumanhin kapag siya’y sasalakay.

 

 

Ang mga sumusunod ay nakuha sa akda ni Ibn Taymiyyah's "Diseases of the Hearts and Their Cures" [©1998 Al-Hidaayah]

 

Sa maiksing pananalita, ang pangingimbulo (hasad) ay pagkapoot at pagtanggi sa mga mabuting biyaya na ipinagkaloob ng AllahU sa iba. Ito ay may dalawang uri:

 

1)     Ang kinamumuhiyang uri ng pangingimbulo ay ang walang hanggang pagkapoot sa mga biyayang ipinagkaloob ng AllahU sa kinaiinggitan. Ito ang uri ng paninibugho na nagdudulot ng pagsisi, kaya’t kapag ang isang tao ay napopoot sa isang bagay, siya’y nasasaktan at nagdadalamhati sa pagkakaroon ng iba isang bagay na kanyang kinaaayawan. Ang mga ito’y nagiging sanhi ng sakit sa kanyang puso tulad ng kanyang pagnanais sa pagkawala o pagkatanggal ng biyaya mula sa kanyang kinaiinggitan maging ito man ay walang naibibigay na kabutihan sa kanya maliban sa isang bagay na ang poot at paninibugho ay mapapawi sa kanyang puso. Nguni’t ang sama ng loob ay hindi maaalis maliban sa patuloy niyang pagmamasid sa kanyang kina-iinggitan na ang naninibugho ay naginhahawaan kapag ang mabuting biyaya ay nawala, nguni’t ito’y nagiging malala tulad ng kalagayan ng isang may sakit, sapagka’t maari na ang kinaiinggitang biyaya o katulad nito ay muling babalik sa kanyang pinagseselosan. Kaya’t sinabi ng pangalawang pangkat na: “Ito’y pagnanais na ang biyaya ay mawawala, katotohanan ang mga biyayang maliban sa kanyang ipinagkaloob ay ninanais bawiin.

 

2)     Na kanyang kinaaayawan ang kapwa taong nakahihigit sa kanya, at kanyang minimithing maging katulad niya o kaya’y nakahihigit pa. Ito ay isang uri ng pagseselos at tinawag itong “Ghubta”, at ang Propeta Muhammadr, ay tinawag itong ‘Hasad.’ 

 

Sinalaysay ni Ibn Mas’ud at Ibn Umar, Sumakanila nawa ang kapayapaan:

 

“Walang pag-iinggit maliban sa dalawang bagay: Ang taong pinagkalooban ng kaalaman ng Allah at ginamit ito at itinuro sa ibang tao, at ang taong biniyayaan ng Allah ng yaman at ari-arian kasama ang paggamit ng yamang ito landas ng Allah lamang at sa Katotohanan.” [Al-Bukhari at Muslim]

 

Sinalaysay ni Ibn Mas’ud na sinabi ni Ibn Umar:

 

“Ang taong pinagkalooban ng Allah ng kaalaman sa Qur’an at binibigkas sa araw at gabi, at ang isang taong biniyayaan ng Allah ng yaman at ari-arian na kayang ipinamamahagi sa kawanggawa sa araw at gabi.”

 

Maliban sa dalawang bagay na nabanggit sa una, ipinagbabawal ng Propetar, ang tinag-uriang Al-Ghupta, pagnanais ng isa sa mabuting kalagayan ng ibang tao at kinaiinggitan na ang taong ito ay nakahihigit sa kanya (na hindi minimithing mawawala ang mga ito sa kanya).

 

Kapag ito’y tanungin: ‘Bakit ito naging (ghubta) ang tawag sa pagkainggit kapag ninanais lamang ang biyayang ito mula sa AllahU? Sinasabing, ‘Ito’y pagnanais na nagbibigay daan upang kainggitan ang mga biyaya ng AllahU sa ibang tao at ang kanyang hindi pagnanais na ang taong ito ay nakahihigit sa kanya sa biyaya. Sapagka’t ang simula nitong pagkainggit ay pagnanais, kaya’t ito’y tinawag na pagkainggit kasunod ng pagnanais. Hinggil sa pagnanais na pagkalooban siya ng biyaya ng AllahU na walang pagpansin sa kalagayan ng iba ay hindi matawag na pagkainggit.”

 

Ito ang dahilan kung bakit ang napakaraming tao ay nasubukan itong pangalawang uri ng pagkainggit at tinawag itong Al-Munaafasah (paligsahan). Sapagka’t ang dalawang ito ang nag-uunahan upang makamit ang isang bagay, kapwa silang nagmimithing makamit ang isang mabuting bagay. Ang dahilan ng kanilang pagpupursige nito ay siyang nagiging sanhi upang kaaayawan nila na ang iba ay makamit ang biyayang ito hindi tulad ng sa paligsahan na ayaw magpatalo sa isang paligsahan.

 

Ang paligsahan ay hindi kinaaayawan sa pangkalahatan, kundi ito’y pinupuri kapag nakikipag-unahan sa pagkamatuwid (sa landas ng AllahU).

 

Sinabi ng AllahU:

 

“Katotohanan ang mga matutuwid ay magbunyi. Na ang Trono ay nakatingin. Maaninag mo sa kanilang mukha ang sigla at tuwa. Sila’y bibigyan ng inuming selyadong alak. Ang huli nito ay ang halimuyak ng musk, at dahil dito hahayaang magkaroon ng tunggalian yaong gustong makipagtunggali. [Qur’an (83):22-26]

 

Kaya’t tayo dapat ay makipag-unahan sa kabutihan sa kabilang-buhay at hindi sa kabutihan sa pansamantalang daigdig na ito.

 

Ang kaluluwa ay hindi na-iinggit sa kahirapan at ito ang dahilan kung bakit ang Propetar, ay hindi binanggit ito kahit na ang mga mujahid – yaong nakipagdigma ng dahil sa AllahU, ay nakahihigit kaysa sa taong ginagamit ang yaman sa kawanggawa, hindi rin binanggit ang taong nagdadasal, nag-aayuno ng dahil sa AllahU lamang at periligiyo sapagka’t walang nakikitang pakinabang ng taong gumagawa sa mga ito na maaring siya’y purihin o kamuhian, hindi tulad ng makakamit sa pagtuturo at pagbibigay sa kawanggawa.

 

Pangkaraniwang ang pangingimbulo ay umuusbong kapag ang iba ay nagkamit ng kapangyarihan at awtoridad, kaya't malimit na ang gumagawa nito ay hindi kina-iinggitan kahit na siya ay mabiyayaan ng higit na maraming pagkain, inumin at asawa kaysa iba, hindi tulad ng dalawang naunang biyaya ng kapangyarihan at awtoridad, sapagkat sila ang nagdudulot ng matinding  pangingimbulo.

 

Pinuri ng AllahU ang mga Ansaar sa kanyang pagsasabi:

 

"Datapuwa’t sila, na bago pa sa kanila, ay mayroong tirahan (sa Al-Madinah) at nagsiyakap sa Pananampalataya, at nagpapakita ng pagkagiliw sa sinumang pumaparoon  sa kanila upang manuluyan, at  sila ay walang pangingumbulo sa kanilang puso sa anumang ibinigay sa kanila (na mula sa Labi ng Digmaan ng Bani An-Nadir), bagkus ay kanilang inaasikaso sila ng higit pa sa kanilang sarili bagama’t sila ay nagdaranas din ng paghihikahos. At kung sinuman ang ligtas sa kanyang sariling kasakiman, sila nga ang tunay na magkakamit ng kasaganaan at tagumpay." [Qur’an, 59:9]

 

At ang pangingimbulo na sadyang kinasusuklaman, ang AllahU ang nagsabi nito sa mga Hudyo:

 

"Marami sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang nagnanais na muli kayong mawalan ng pananalig matapos na kayo ay manampalataya, dahilan sa pagkainggit  mula sa kanilang sarili, matapos na ang katotohanan (na si Muhammad ay sugo ng Allah) ay maging malinaw sa kanila. Datapuwa’t magpatawad at pabayaan (sila), hanggang sa ibigay ng Allah ang Kanyang Pag-uutos, sapagkat ang Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay." [Qur’an, 2:109]

 

'Ninanais nila', ang ibig sabihin ay inaasam kayong tumalikod sa inyong pananampalataya dahil lamang sa pangingimbulo. Kaya ang pangingimbulo ang siyang nagpapasya sa kanilang pagnanasa kahit na ang katotohanan ay naging maliwanag sa kanila. Ito ay dahil sa kanilang nasasaksihan ang mga biyayang naipagkaloob ng AllahU sa inyo, katunayan nasasaksihan ka nilang nakakamit ang mga biyayang hindi nila nakakamit – kina-iinggitan ka nila. Ito rin ay nabanggit sa ibang taludtud sa Qur'an:

 

"At sila'y nangingimbulo sa mga taong pinagkalooban ng Allah ng biyaya mula sa Kanyang kasaganaan? Nguni’t Aming ibinigay sa inanak ni Abraham ang Aklat ng Karunungan, at iniharap sa kanila ang malaking kaharian. Kasama sa kanila ay ilan sa mga naniniwala sa kanya (Muhammad) at ang ilan ay ikinubli ang kanilang mukha mula sa kanya at ang Impiyerno ay sapat sa kanila …." [An-Nisaa' (4): 54-55]

 

"Sabihin: Ako'y nagpapakupkop sa Diyos ng Bukang Liwayway. Ang kasamaan na dulot ng kanyang mga nilikha. At ang kasamaan sa tuwing pagsapit ng gabi sa kanyang kadiliman. At ang kasamaan ng mga pangkukulam kapag hinihipan niya ang buhol. At kasamaan mula sa pangingimbulo kapag siya'y nangingimbulo." [Al-Falaq, (113):1-5]

 

Kaya't ang isang nangingimbulo ay kinamumuhian ang mga biyayang ipinagkaloob ng AllahU sa iba ay isang mang-aapi. Katulad din ng kinaaayawan ang ibang napagkalooban ng biyaya at ninanais ding magkaroon ng katulad nito, ito ay ipinagbabawal sa kanya maliban kung ito ay siyang magiging sanhi upang lalo siyang mapalapit sa AllahU. Kaya ang pagnanais na magkaroon ng biyaya na katulad ng ipinagkaloob sa iba ay hindi ipinagbabawal lamang kung ito'y siyang magiging sanhi upang lalo siyang mapalapit sa AllahU. Subali’t ang kanyang pagnanais nito ay mula sa kanyang puso na walang pagtingin sa nakamit ng iba maging ito man ay nakahihigit.

 

Ngayon kapag ang taong ito ay gumalaw na taglay itong pangingimbulo, siya’y naging mang-aapi patungo sa maling landas, na karapat-dapat ang parusa maliban kung tayo’y magsisi at magbalik loob sa AllahU.

 

Ang pangingimbulo ay isa sa mga sakit ng puso, at ito’y isang karamdaman na naka-aapekto sa pangkalahatang bahagi ng sangkatauhan at iilan lamang ang ligtas mula dito. Kaya’t ito ang kanyang sinabi: “Ang katawan ay kailan man ay hindi ligtas mula sa pangingimbulo, nguni’t ang paninira  ay siyang naglabas dito, at ang pagkadakila ang siyang nagkukubli nito.” Sinabi kay Al-Hasan Al-Basree, “Ang isang naniniwala ba ay nangingimbulo?” Ang sagot niya, “Ano ang nagdulot sa iyo ng pagkalimot kay Yosuf at ang kanyang mga kapatid, na walang ama? Nguni’t itinago mo itong (pangingimbulo kapag lumalabas) na nakatago sa iyong puso, sapagka’t ikaw ay hindi mananagot sa mga bagay na iyong hindi isinakatuparan sa pamamagitan ng salita o sa gawa.”

 

Kaya’t kung sinuman ang may pangingimbulo sa kanyang puso sa ibang tao, ang gamot nito ay pagtitiis at takot sa AllahU, at kapootan ito na nasa kanyang puso. Nguni’t ang mga tunay na may paninindigan laban sa kina-iinggitan maging ito man ay sa salita o sa gawa ay mapaparusahan siya dito, at ang may takot sa AllahU at matiisin at hindi nagiging isa sa mga nang-aapi – siya’y makikinabang sa AllahU sa kanyang taqwa.

 

Iniulat ni Ibn Abi Ad-Dunya,

 

“May tatlong kasalanan na walang ni isa ang ligtas: pangingimbulo, pagsuspetsa at ang may masamang pahiwatig. Maari ko bang sabihin sa inyo kung paano ninyo maaalis ito? Kung kayo ay mangingimbulo huwag mapoot, kapag kayo ay may suspetsa huwag ninyong gawin ito, at kapag kayo’y nakakita ng may masamang pahiwatig isawalang bahala ito.” [Abu Hurayrah]

 

Sa Sunan mula sa Propetar:

 

“Kayo ay naapektuhan ng karamdaman ng sambayanan na dumating bago sa inyo – pangingimbulo at pagkapoot. Sila’y mga tagapagputol, hindi ibig sabihin ang nanggugupit ng buhok, datapwat ang tagapagputol ng relihiyon.” [At-Tirmidhi, at-Tabaranee at al-Hakim siyang nagsabi na ito’y saheeh].

 

Kaya’t tinawag niya ito na makatarungang karamdaman at kanyang tinawag ang suliranin sa kanyang salita. “At anong karamdaman ang nakahihigit sa suliranin." [Ahmad, Hakim atp, saheeh]

 

Sa unang hadeeth, ang pangingimbulo ay nabanggit kasama ng pagkapoot. Ito ay dahil sa ang nangingimbulo, unang-una sa lahat ay kinasusuklaman ang mga biyayang ipinagkaloob ng AllahU sa kina-iinggitan, at simulang kapootan ang taong ito. Ito ay sapagka’t ang pagkapoot sa bagay na kaloob ng AllahU ay nagdudulot ng pagkapoot sa pinagkalooban ng biyaya, dahil sa kung ang biyayang ipinagkaloob ng AllahU sa isang tao, ninanais niyang ang mga biyayang ito ay mawalay, at hindi sila mawalay maliban sa ang kina-iingitan ay mawalay din, samakatuwid, kanyang kinasusuklaman siya at ninanais na hindi siya nandoon.

 

Ang pangingimbulo ay sadyang nagdudulot ng pagnanasa at pagkapoot tulad ng ipinahayag ng AllahU sa atin na sila’y magka-iba:

 

“Pagkatapos ay dumating sa kanila ang Kaalaman na nagmula sa isang pinagkaisang pagkapoot at pagnanasa.” [Aal `Imraan (3):19]

 

"Huwag kainggitan ang bawa’t isa, huwag ninyong kapootan ang iba, huwag ninyong salungatin ang iba …..[Al-Bukhari at Muslim]

 

"Sa Kanya na may hawak sa aking kaluluwa, wala sa inyo ang tunay na naniniwala hanggang sa nanaisin niya sa kanyang kapatatid ang anumang ninanais niya sa kanyang sarili.” [Al-Bukhari at Muslim]

 

Ang kasakimam ay isang karamdaman katulad ng pagdalamhati, at pangingimbulo na nabanggit sa hadeeth, "Ang panibugho ay binubura ang magagandang gawain, tulad ng pag-ubos ng apoy sa kahoy.” [Sunan Ibn Majah]

 

Ito ay sapagka’t ang naninibugho ay pinipigil ang sarili upang magkaroon ng magandang biyaya hindi tulad ng pangingimbulo na kinapopootan ang mga biyayang ipinagkaloob ng AllahU sa kanyang mga alipin.

 

1
2760
تعليقات (0)