Ang Iman ay Kinakailangang Tanggapin ng Buo

Shaykh `Abdul Rahman `Abdul Khaliq

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Ang  Iman ay Kinakailangang Tanggapin ng Buo

Shaykh `Abdul Rahman `Abdul Khaliq

Salin sa Wikang Pilipino ng PLPHP



Kailangang tanggapin ang Iman ng buong-buo. Ito’y isang katotohanang hindi nahihiwalay mula sa ibang bahagi nito. Ang pagbabahagi sa Iman ay lamang sa pag-aaral nito. Ang pagtalikod at pagtanggi sa anuman sa mga bahagi nito ay kakulangan ng Iman, samakatuwid ang kawalan ng Iman ay umiiral sa lahat ng bahagi. Upang mapatunayan ang mga ito, sinabi ng AllahU:

 

……. Datapuwa’t ano ang kabayaran sa inyo na may pag-uugaling ganito, maliban sa kahihiyan sa buhay sa mundong ito? At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sila ay ihaharap sa matinding sakit ng kaparusahan sapagka’t ang Allah ang nakababatid sa inyong ginagawa. [Qur’an, 2:85]

 

Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita at nagnanais na gumawa ng pagtatangi-tangi sa pagitan ng Allah at ng Kanyang mga Tagapagbalita (sa pamamagitan ng pananalig sa Allah at hindi paniniwala sa Kanyang mga Tagapagbalita) na nagsasabi, “Kami ay nananampalataya sa iba subali’t (kami rin) ay nagtatakwil sa iba,” at nagnanais na tumahak sa gitnang daan. [Qur’an, 4:150]

 

Sa katotohanan, sila ay mga hindi nananampalataya; at Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya ang matinding na kaparusahan. [Qur’an, 4:151]

 

Ang mga malinaw na talatang ito mula sa Qur’an ay nagpapatunay na ang Iman at gawa ay hindi maaring magkahiwalay sa isa't-isa. Ang mga talatang ito bagama’t ang mga ito’y tumutukoy sa mga Hudyo, ay nararapat pag-aralan ng pangkalahatan. Ang unang talata ay tungkol sa mga uri ng gawain [Qur’an, 2:85]. Ang pangalawang talata [Qur’an, 4:150-151] ay tungkol sa mga uri ng Iman.

 

Ang naunang talata ay nagpapaliwanag sa mga gawain ng mga Hudyo sa Madinah. Ang ilan sa kanila ay kakampi ng ilan sa mga tribong Arabo katulad ng tribu ng Al-Aws, habang ang ibang Hudyo ay kampi sa tribo ng Al-Khazraj kapwang tribu ng mga Arabo sa Madinah.

 

Sa tuwing mag-umpisa ang digmaan sa pagitan ng dalawang kampong ito, ang mga Hudyo sa kabilang kampo ay papatayin ang ibang Hudyo mula sa kabilang kampo. Ang mga Hudyo ay papatayin ang ibang Hudyo at sakupin ang kanilang bahay. Pagkatapos ng digmaan, ang pinuno ng magkabilang Hudyo ay magpalitan ng bilanggo at gamutin ang mga sugatan. Kaya’t sinabi ng AllahU:

 

At alalahanin nang Aming kinuha ang inyong Kasunduan (na nagsasabi): “Huwag ninyong hayaang dumanak ang dugo ng inyong pamayanan, gayundin naman ay huwag ninyong itaboy ang inyong pamayanan sa kanilang tirahan.” At ito ay inyong pinagtibay at dito kayo ay nagbigay saksi. [Qur’an, 2:84]

 

Pagkaraan nito, kayo ang pumatay sa bawa’t isa sa inyo at nagtaboy ng isang pangkat sa kanilang mga tahanan; kayo ay tumulong (sa kanilang mga kaaway) laban sa kanila sa kasalanan at pagsuway. At kung sila ay dumating sa inyo bilang mga bihag, inyong ipinatutubos sila bagama’t ang pagtataboy sa kanila ay ipinagbabawal sa inyo. Kayo ba ay naniniwala lamang sa bahagi ng Kasulatan at nagtatakwil sa iba pa? Datapuwa’t ano ang kabayaran sa inyo na may pag-uugaling ganito, maliban sa kahihiyan sa buhay sa mundong ito? At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sila ay makakaranas ng matinding hirap ng kaparusahan sapagka't ang Allah ay nakababatid sa inyong ginagawa. [Qur’an, 2:85]

 

Ang pangalawang talata ay tungkol sa mga Hudyo pa rin. Tinanggap ng mga Hudyo ang mensahing dala ni propeta Moses at tinanggihan ang mensahing dala nina Hesus at Muhammad. Ito ay isang pagtatangi-tangi sa mga Sugo ng AllahU.

 

Ang dahilan ng pagpapahayag sa dalawang halimbawang ito ay upang ang Iman ay tanggapin ng buo. Ang pamantayang ito ay maipapaliwanag natin sa nga susunod  na halimbawa tungkol sa pagtanggi ng paniniwala.

 

Ang Iman ay napapawalang saysay kapag may pag-aalinlangan sa anumang bahagi nito. Sapagka't ang pagtanggi sa isang bahagi ng paniniwala ay sa katotohanan ay pagtanggi sa buong paniniwala. Sa tuwing ang isang tao ay maniniwala na ang AllahU ay ang lubos na Nakababatid, ang lubos na Nakaaalam, siya ay naniniwala. Subali't kapag isipin ng isang tao ang anumang gawain at batas ng AllahU ay hindi nararapat, katotohanan, siya ay tumalikod sa nauna niyang paniniwala. At kung sinuman ang naniniwala sa lahat ng Propeta maliban sa isa, ay tumalikod sa kanyang paniniwala. Sa katunayan, ang ganitong uri ng tao ay hindi naniniwala sa kahit sinong Propetar, sapagka't ang AllahU ang nagpadala sa lahat ng Propetar. Ang pagtanggi sa isang Sugor ay pagtanggi sa Karunungan ng Tanging nagpadala sa mga Propeta, ang AllahU, ang papuri ay sa Kanya lamang. Ganoon din ang kawalan ng paniniwala sa mga angel ay pagpaparatang sa AllahU ng kasinungalingan at ito ay malinaw na pagtalikod sa paniniwala.

 

Ang pagturing na Haram (ipinagbabawal) ang Halal (pinapayagan) ay Kufr. Ito ay katumbas ng pagsasabi sa AllahU: "Hindi ko tinatanggap ang batas mong ganitong uri, o kaya'y sang-ayon sa dahilan nito. Dapat ito'y Halal." Ito ay pagtalikod sa naunang paniniwala kung mayroon mang Iman. Ito ay katumbas ng pagmamataas ng hindi pagsunod sa AllahU na tila sinasabi sa Kanya: "Hindi ako susunod sa iyo o ipatutupad ang iyong batas. Ang iyong mga ipinag-uutos ay kulang sa karunungan." Ito ang uri ng Kufr na angkin ni Satanas. Ang kanyang pagmamataas ang sanhi ng kanyang pagsuway sa utos ng AllahU. Ito ang dahilan kung bakit ang ganitong uri ng pagtanggi at pagsuway ay Kufr. Hindi na ito pagsuway lamang sa AllahU kundi pagsalungat sa ipinag-uutos ng AllahU sa paniniwalang ang mga ito'y kawalan ng karunungan. Ito ay pagtanggi at pagsira sa lahat ng naunang Iman at pagsunod. 

 

 

1
2780
تعليقات (0)