Ang Pagpapadalisay sa Daan

Dr. Abdulaziz Al-Qari

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Ang Pagpapadalisay sa Daan

Dr. Abdul Aziz Al-Qari

Salin sa Wikang Pilipino ng PLPHP

 

 

Ipinaalam ng Propetar kay Mu’adh bin Jabal nang pumunta siya sa banyagang lupain ng Yemen:

 

“Ikaw ay pupunta sa mga taong mula sa Angkan ng Kasulatan. Una mo silang anyayahan sa pagsamba sa Allah. Kapag tanggap nila ang Allah, ipaalam sa kanila na ipinag-uutos ng Allah ang pagsasagwa ng limang ulit na salah (pagdadasal) sa panahon ng kanilang mga araw at mga gabi.” [Bukhari at Muslim]

 

Ang hadith na ito ay malinaw. Ito ang pamantayang ginamit ng Propetar sa kanyang pagpapalaganap ng Islam. Nanatili siya sa Makkah ng labing-tatlong taon upang ituro sa mga tao ang diwa ng Iman (Paniniwala) at upang pag-aralin ang kanyang mga Sahabah (Kasamahan) sa diwang ito at ituwid ang paniniwala ng mga tao. Ganito ang pamamaraan ng kanyang pagsanay sa mga Sahabah.

 

Sinabi ni Jundub Ibn Abdullah al-Bajaly:

 

“Pinag-aralan namin ang tungkol sa Iman (Paniniwala) at pagkatapos ay pinag-aralan namin ang Qur’an na siyang nagpatibay sa aming paniniwala.”

 

Sinabi ni Abdullah ibn Umar:

 

“Namuhay kami sa panahon na ang bawa't isa sa amin ay unang matanggap ang paniniwala bago matanggap ang Qur’an at nang ang mga kabanata ay ipinahayag mapapag-aralan namin ang mga pinahihintulutan at ang kanilang mga ipinagbabawal at ang paninindigan sa mga ito. Subali’t nakakita ako ng maraming tao na nabigyan ng Qur’an bago ang paniniwala at binasa niya mula sa pambungad ng Aklat hanggang sa pangwakas nito at hindi nalalaman kung ano ang ipinag-uutos at mga ipinagbabawal at kung ano ang kanyang paninindigan dito. Katulad niya ang isang taong itinatapon lamang ang mga datiles [i.e., wala siyang makuhang pakinabang mula sa kanyang pagbabasa o pagsasalaysay].”

 

Ganyan ang paraan ng paghubog ng Propetar sa kanyang mga Sahabah: Una ang Iman (Paniniwala) pagkatapos ay ang Qur’an. Katulad ito ng ipinahiwatig ni Iman Abu Hanifa: Ang una ay ang pang-unawa o pag-intindi sa relihiyon (i.e. ang kaisahan ng Allah) at ang pag-unawa o pag-intindi sa siyensiya o agham (i.e. ang Shari’ah).

 

Ang paniniwala ay dapat maunang ituwid at susunod ang iba pang bahagi ng relihiyon.

 

Ang katagang Al-Aqeeda ay hinango sa salitang "aqada". Sa wikang Arabik, maaring sabihin, "Aqada ang lubid" kung ang lubid ay matibay na naitali. At, "Aqada ang bintahan" or "Nagkasundo sila sa bintahan" kapag ang isang tao ay nagkasundo sa kontrata ng bintahan.

 

Sinabi ng AllahU sa Qur'an:

 

"At gayundin sa kanila na sa iyong kanang kamay nakipagkasunduan (aqadat)." [Qur'an, 4:33]

 

"Ang Allah ay hindi magpaparusa sa inyo sa bagay na hindi (ninyo) sinasadya sa inyong mga panunumpa (aqadtum)." [Qur'an, 5:89]

 

At inyong tuparin ang kasunduan ng Allah (Bai’a; ang katapatan sa Islam) nang kayo ay makipagkasundo, at huwag ninyong labagin (sirain) ang inyong mga sumpa matapos na inyong pagtibayin ito (aqadtu)." [Qur'an, 16:91]

 

Samakatuwid, ang "Al-Aqeeda o Al-Itiqad" ayon sa mga Eskolar ng Islam ay: "Ang matatag na paninindigan ng puso sa isang paniniwala ng walang bakas ng pag-aalinlangan. Ito ay hindi kinabibilangan ng anumang uri ng pagpapalagay, pagdadalawang-isip o kawalan ng pagtitiwala.

 

Tinawag ito ni Imam Abu Hanifa na ang dakilang paksa "Al-Fiqh Al-Akbar" (Ang Dakilang Pang-unawa o Pagkaintindi) at ang pagkaintindi sa pananampalataya. Tinawag niya ang Siyensya o Agham ng Batas (Shari'ah) na pang-unawa o pagkaintindi sa siyensya o agham. Marami sa mga Eskolar ng Islam ang gumagamit sa katagang "Tauhid" sa lahat ng ng bagay na ang isang naniniwala ay dapat paniwalaan. Sapagka't ang pinakamahalagang pangunahing bahagi ng tauheed (kaisahan ng AllahU) ay napapaloob sa pangungusap: "Walang ibang nararapat sambahin maliban sa AllahU."

 

Ang tauheed ayon sa kanila ay binubuo ng dalawang bahagi: Ang tauheed ng karunungan at pagtanggap at ang tauheed ng layunin at gawain.

 

1.      Ang tauheed sa karunungan at pagtanggap ay ang tauheed sa Kaisahan ng Tagapaglikha at ang tauheed ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian [.i.e. Siya ay Naiiba sa Kanyang pagiging Tagapaglikha at ang Tanging nagtataglay sa Kanyang mga pangalan at katangian].

 

2.      Ang Tauheed ng layunin at mga gawain ay ang tauheed ng pagkapanginoon o walang ibang sasambahin maliban sa AllahU lamang [i.e. Siya lamang ang nararapat sambahin].

 

Ang AllahU sa Banal na Qur'an ay nagbigay ng pangalan sa mahalagang bahaging ito, tinawag itong IMAN - Pananampalataya. Sinabi ng AllahU sa Qur'an:

 

At sa gayon ay Aming ipinadala sa iyo (O Muhammad) ang Ruhan (isang inspirasyon at Habag) mula sa Aming pag-uutos. Hindi mo nababatid kung ano ang Aklat, gayundin kung ano ang Pananampalataya? Datapuwa’t ginawa Namin ito (Qur’an) bilang isang Liwanag upang Aming mapatnubayan ang sinuman sa Aming alipin na Aming mapusuan......... [Qur'an, 42:52]

 

Ang pangkalahatang pang-unawa sa puso ng isang naniniwala ay dapat matatag sa mga "Haligi" ng paniniwala. Subali't hindi sapat ang kaalaman at pang-unawa lamang sa mga haliging ito upang maging maniniwala kinakailangang abutin niya ang antas na siya'y sumusuko, nagpapakupkop at sumusunod katulad ng inilarawan sa hadith ni Gabriel, na Islam. Sapagka't ang Iman ay napapaloob sa Islam.

 

Kung ang Iman ay ang kaalaman lamang sa mga katotohanan na nasa puso ng isang tao, ito ay katulad ni Pharoah at Satanas [Si Satanas ay ang pinakamaalam tungkol sa kanyang Panginoon subali't siya'y nawasak dahil sa kanyang pagmamataas at pangingimbulo. At maging si Pharoah na nag-aangkin sa Pagka-diyos ay batid na ang panginoon ay ang AllahU at walang ibang nararapat sambahin maliban sa Kanya].

 

Sinabi ng AllahU:

 

(Si Moises) ay nagturing: “Katotohanang batid mo na ang mga tandang ito ay ipinanaog ng wala ng iba maliban sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan bilang maliwanag Katibayan ........ [Qur'an, 17:102]

 

Batid man nila ang katotohananh, hindi nila ito ginagampanan at isinasabuhay sa pamamagitan ng pag-uukol sa kanilang pagsamba sa AllahU lamang.

 

Sa hadith ni Gabriel, ipinaliwanag ng Propetar ang mga haligi ng pananampalataya na dapat paniwalaan ng bawa't nilalang, nang tinanong siya: "Ano ang Iman?" Ang sagot niya, "Ang maniwala sa AllahU at ang Kanyang mga angel, ang Kanyang mga Sugor, ang huling araw at ang kahihinatnan masama man o mabuti."

 

Nararapat malaman ng bawa't naniniwala na ang mga haliging ito at pag-aralan ayon sa tamang pagkaintindi at paniwalaan ang mga ito sa paraan ng pagkaintindi at paniniwala ng mga naunang matutuwid na Muslim na tulad ng paraan ng pagkaintindi at paniniwala ng mga Sahabah sa panahon ni Propeta Muhammadr. Ang mga ito ay kinabibilangan ng apat na imam na sina Sufyan Al-Thauri, Sufyan ibn Uyaina, Abdullah ibn al-Mubarak at marami pang iba, gayundin sila Muhammad ibn Ismail al-Bukhari, Muslim ibn Al-Hajjaj, Shaikh al-Islam ibn Taymiya and al-Hafedh ibn al-Qayyim. At mga Eskolar o paham na sumusunod sa matuwid at tamang paraan ng pagkaintindi at paniniwala sa mga haliging ito.

 

Ito ang unang tungkulin mula sa isang tapat na nilalang. Walang pagkakaiba sa opinyon sa katunungang ito sa mga pangunahing tanyag na eskolar. Sinabi ni Imam Abu-Hanifa: "Ang pagkaintindi sa pananampalataya ay nakahihigit kaysa pagkaintindi sa Siyensya o Agham." Ang ibig niyang sabihin sa pananampalataya ay tauheed at ang ibig niyang sabihin sa siyensya o agham ay ang Shari'ah. Inilagay niya sa unahan ang pagkaintindi sa tauheed bago ang pagkaintindi sa Shari'ah.

 

Sinabi ni Shaikh al-Islam al-Haruwi al-Ansari (d. 481 AH) sa pambungad ng kanyang aklat na pinamagatang "Itiqad ahl al-Sunnah" - Ang unang tungkulin mula sa alipin ay ang kaalaman sa AllahU. Ito ay napatunayan ng hadith ni Muadh, nang sinabi ng Propetar sa kanya: "Pupunta ka sa mga taong mula sa Angkan ng Kasulatan. Una mo silang anyayahan sa pagsamba sa Allah. At kapag nagkaroon na sila ng kaalaman sa Allah, ipabatid ang mga ipinag-uutos ng Allah sa kanila, ang pagsasagawa ng limang ulit na pagdadasal sa araw at gabi......"

 

1
2794
تعليقات (0)