Iwasan ang Labis na Pag-aalinlangan

PLPHP

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Iwasan ang Labis na Pag-aalinlangan

[PLPHP]

 

Bakit ang tao ay ginawa ng AllahU na siyang pinakamahusay sa lahat ng Kanyang nilikha?

 

Napag-alaman na natin na ang AllahU ay hindi iniwan ang tao na hindi ipinakita sa kanila ang tuwid at baluktot na daan. Subali't ipinagkaloob niya sa kanya ang kalayaang pumili sa landas na nais niyang bagtasin. Nagpadala Siya ng mga Sugo upang anyayahan ang sangkatauhan na maging masunurin sa AllahU lamang at ang pagtanggi sa lahat ng ibang kapangyarihang tawag ni Satanas.

 

Ang pangunahing saligan ng lahat ng mga propetar ay ang sumusunod:

 

"O tao, sambahin ang AllahU lamang, huwag magkaroon ng kaakibat sa pagsamba sa kanya, walang ibang diyos maliban sa Kanya. Ang AllahU ang lubos na mahabagin sa Kanyang mga alipin. Nang dahil sa Kanyang habag, Siya ay nagpadala ng mga sugo na may dalang Banal na Aklat upang maging gabay tungo sa landas ng buhay."

 

Sinabi ni Sayyid Abul A'la Maududi sa kanyang tanyag na akdang 'Risale Diniyat': Una sa lahat, kinakailangang may taglay tayong matibay ng paniniwala sa pamamalagi ng AllahU, sapagka't sa pagtataglay ng matibay at lantay na pananalig sa pamamalagi ng AllahU, papaano niya ipagkaloob ang ganap na pagsunod sa Kanya?

 

“Kasunod nito, kinakailangang malaman ang mga katangian ng AllahU. Ang kaalaman sa mga katangian ng AllahU ang siyang nagbibigay kakayahan sa tao upang kanyang mapag-aralan ang mga dakilang katangian at hubugin ang kanyang buhay sa kadalisayan at pagkamaka-diyos. Kapag ang isang tao ay hindi batid na mayroong tanging nag-iisang Diyos na Siyang Taga-paglikha, ang Taga-pamahala, at ang Taga-pagtustus ng sansinukob at walang maaring makibahagi sa Kanya kahit bahagya lamang sa Kanyang lakas at kapangyarihan. Maari siyang maging biktima ng mga diyus-diyosan at mag-alay sa kanila upang humingi ng biyaya, subali’t kapag napag-alaman niya ang dakilang katangian ng tauhid (kaisahan ng AllahU), kailan man ay hindi siya magiging biktima ng kanyang maling pang-uunawa.”

 

Katulad din kapag nauunwaan ng isang tao na ang AllahU ay batid ang lahat at ang kanyang kaalaman ay abot ang lahat ng sulok ng lugar, at Siya’y nakakikita, nakaririnig, at Kanyang batid ang lahat ng ating ginagawa maging ito man ay nangyari sa pribado o publiko, ganoon din ang ating mga kaisipang hindi pa binibigkas! Papaano niya magawang maging suwail sa AllahU. Mararamdaman niyang nasa ilalim ng walang hanggang pagsuko at pagsusumikap, samakatuwid, papagbutihin niya ang kanyang gawa. Nguni’t ang isang taong hindi batid ang mga katangian ng AllahU ay maaring maligaw ng landas, dahil sa kanyang kamangmangan sa pagtanggi sa AllahU.”

 

“Ganoon din ang kalagayan sa lahat ng ibang mga katangian ng AllahU. Ang katotohanan sa mga magagandang asal at mga katangiang dapat taglay ng isang tao, kung nanaisin niyang sundan ang landas ng Islam ay maaring magdudulot ng kabihasnan at umunlad dahil sa kanyang malawak na kaalaman sa katangian ng AllahU. Ang kaalaman sa katangian ng AllahU ang siyang nagpapadalisay sa isipan at kaluluwa, ang kanyang paniniwala, asal, at gawain. Subali't ang pangkaraniwang pang-unawa at kaalaman lamang ay hindi sapat para sa mga darating na tungkulin, nararapat na magkaroon siya ng hindi mapantayang matibay na pananalig na nagmumula sa puso at isipan upang malaya mula sa mga mapanirang pag-aalinlangan at kawalan ng katotohanan.

 

Dagdag pa rito, nararapat nating malaman ang detalye ng paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagsunod upang kaluguran lamang ng AllahU. Hangga’t hindi malalaman ng tao ang ninanais ng AllahU, papaano niya pipiliin at tanggapin ang isang bahagi at tanggihan ang ibang bahagi nito? Kung ang isang tao ay walang kaalaman sa Banal na Batas at ang mga Rebelasyong ito ay napakahalagang Panuntunan ng Buhay ng tao.

 

Sa muli, ang likas na kaalaman lamang ay hindi sapat. Kinakailangang buo ang paniniwala at pananalig na ito sa Banal na Batas at ang kanyang kaligtasan ay nakasalalay sa pagsunod sa panuntunang ito. Sapagka’t ang kaalamang walang pananalig ay lilihis sa tuwid na landas.

 

Sa pagtatapos, nararapat nating malaman ang bunga ng paniniwala at pagkamasunurin at ang kawalan ng paniniwala at pagkasuwail. Dapat niyang malaman kung ano mga biyayang ipagkakaloob ng AllahU sa kanya sa sandaling piliin niya ang landas ng AllahU at ang buhay tungo sa kadalisayan, kagandahang asal, at pagkamasunurin. Dapat rin nating malaman ang parusa at masamang maidudulot ng hindi pagsunod at paghimagsik sa batas ng AllahU.

 

Samakatuwid ang kaalaman sa kabilang buhay ay napakahalaga sa isang tao. Nararapat na ang tao ay may sapat, malinaw at matatag na paniniwala sa katotohanang ang kamatayan ay hindi nangahuhulugang hangganan ng buhay, bagkus ay landas sa pagkabuhay na muli at dadalhin siya sa pinakamataas na korte ng hustisya na ang mismong hukom ay ang AllahU upang hahatulan sa kanyang mga gawain. Ang mga mabuting gawain ay gagantimpalaan at ang mga gawaing masama ay maparurusahan. Lahat ay tatanggap ng nararapat na hatol at walang maaring makakaiwas dito. Ito ay walang pag-aalinlangang darating at magaganap. Ang diwa ng tungkulin at pananagutan ay mahalaga para sa ganap na pagsunod sa Batas ng AllahU.

 

Ang taong walang kaalaman sa kabilang buhay ay maaring ituring na ang pagsunod at pagsuway man ay walang kahalagahan. Iisipin niyang dahil sa kamatayan, ang mga ito ay  lahat magiging abo. Sa ganitong uri ng pag-iisip, papaano niya maaring mapagtitiisan ang mga pagsubok at kaguluhang kaakibat sa buhay ng pagiging masunurin at layuan ang mga daan tungo sa landas ng pagkakasala at kasamaan na maaring sisira sa kanyang magandang asal o mga ari-arian sa mundong ito?

 

Sa ganitong uri ng pag-iisip, ang tao ay hindi matatanggap at masunod ang Batas ng AllahU maging ang taong salat sa paniniwala sa kabilang buhay at ang Paghuhukom. Hindi rin siya maaring makapagtatagal sa kaguluhan ng buhay kasama na dito ang mga tukso at kasamaan, sapagka't ang pag-aalinlangan at kahinaan ay siyang dudurog sa tibay ng kanyang paninindigan at determinasyon upang makibaka. Mananatili kang matatag sa iyong katauhan lamang lang kung mananatili kang matatag sa iyong mga paniniwala.

 

Kung ikaw man ay may angking pag-aalinlangan sa iyong kaisipan, hindi ka maaring manatiling matatag at matapat. Buong puso mo lamang sinusunod ang isang kautusan o gawain kung natitiyak mo ang mga kabutihang maidudulot nito dahil sa iyong pagsunod at ang mga mawawala, mga pinsala at parusa na iyong makakamit kung ito'y suwayin. Kaya't ang malawak na kaalaman na magdulot ng paniniwala at ang di-paniniwala, at ang kabilang-buhay ay lubhang napakahalaga para sa pagbibigay-diwa sa buhay tungo sa pagsunod sa AllahU. [Risale Diniyat - Pp 15-16]

 

Ang susunod na talata sa Qur'an, Kabanata Al-Baqara ay may sapat na gabay hinggil dito at kanyang ipinaliwanag ang batayan ng AllahU sa pagpapadala sa mga sugo upang magturo kung alin ang tama o mali sa sankatauhan. Naglalahad din ito ng mga panghihikayat sa mga gumagawa ng mabuti at pagbibigay ng babala sa mga gumagawa ng katiwalian o pagkakasala sa magandang balita ng paraiso at ang babala tungkol sa Inpiyerno at ang matinding parusa dito.

 

Sinabi ng AllahU:

 

Ang sangkatauhan ay isang pamayanan lamang at ang Allah ang nagsusugo ng mga Tagapagbalita na may taglay na magandang balita at paala-ala; at sa kanila ay Kanyang ipinagkaloob ang Aklat sa katotohanan upang kanilang mahatulan ang mga tao sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan; datapuwa’t ang Angkan ng Kasulatan, matapos ang maliwanag na mga Katibayan (tanda, aral, kapahayagan, atbp.) na ipinayag sa kanila, ay hindi (lamang) nagkaiba-iba sa kanilang mga sarili, (bagkus), tangi pa rito, ay (sa kanilang) makasariling paghihimagsik. Ang Allah, sa pamamagitan ng Kanyang Biyaya ay namatnubay sa mga sumasampalataya sa Katotohanan tungkol sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan. Sapagka’t ang Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan sa Tuwid na Landas. [Qur’an, 2:213]

 

 

1
2825
تعليقات (0)