Ang Pagtitiyaga

PLPHP

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Ang Pagtitiyaga

[PLPHP]

 

 

Sinabi ng AllahU sa Surah Al-Baqarah:


O kayong nagsisisampalataya! Magsihanap kayo ng tulong sa pagtitiyaga at pananalangin. Katotohanan, ang Allah ay nasa (gitna) ng mga matimtiman. [Qur’an, 2:153]

 

At huwag ninyong sabihin sa mga namatay sa Kapakanan ng Allah (Pagtatanggol sa Pananampalataya, katulad ng Jihad [pagsisikap na mapanatili ang Islam maging ito man ay humantong sa pakikidigma]) na “Sila ay patay.” Hindi, sila ay buhay datapuwa’t hindi ninyo (ito) napag-aakala. [Qur’an, 2:154]

 

At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, ang ilan ay pagkalugi sa hanapbuhay, pagkawala ng buhay at bunga (ng inyong pinaghirapan), datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matimtiman sa pagbabata. [Qur’an, 2:155]

 

Na nagsasabi kung sila ay nakakaranas ng kapinsalaan: “Kami ay nagmula sa Allah at sa Kanya ang aming pagbabalik.” [Qur’an, 2:156]

 

Sila ang mga tumatanggap ng Salawat (mga biyaya at kapatawaran) mula sa kanilang Panginoon at sila ang tumatanggap ng Habag at sila ang tunay na napapatnubayan. [Qur’an, 2:157]

 

 

Nilinaw ng AllahU ang mga sumusunod na bagay sa Kanyang mga nabanggit na pahayag:

 

1.     Pagkatapos ipagbigay-alam sa atin ng AllahU na ang ipinadala niyang Sugor ay nagmula sa atin, binabasa sa atin ang KanyangU mga pahayag, pinapadalisay tayo sa pagkakaroon ng kaakibat sa pagsamba sa KanyaU o ang pagsamba sa mga diyus-diyosan at tinuturuan tayo sa lahat ng ating mga kailangan sa ating Aqeeda (paniniwala) at Ahkam (mga batas), at kanyang ipinag-uutos na ating sundin ang mga ito, at ipinag-uutos na alalahanin natin ang KanyangU dakilang pangalan at ipalaganap ang magandang balita ng Islam. Inutusan tayong humingi ng tulong ng may tiyag o pagtitiis, katatagan at pagdadasal.

 

Ang mga taludtod na ito ay pagpapahayag ng da’wa (pag-aanyaya sa Islam) at ang pagtataguyod at pagpapatupad sa Shari’ah ng AllahU (Batas ng AllahU) ay isang mabigat na tungkulin at kaakibat ang matinding paghihirap, at ang katatagan at katapatan ay kinakailangang taglay ng bawa’t mananampalataya upang maitaguyod ang lahat ng ito. Nilinaw ng Allah ang dalawang kaparaanan sa paghingi ng tulong: ang Pagtitiyaga at Pagdadasal.”

 

2.     At binanggit ng AllahU ang ilang uri ng pagsubok sa isang tao sa kanyang pagtataguyod ng Islam at ang pagpapalaganap (Da’wah) nito. Kanya ring inilarawan ang inihanda niya para sa mga matiisin, silang nanatiling matatag sa katotohanan at kapag may suliranin, kanilang sinasabi: “Nagmula kami sa AllahU, at sa Kanya kami babalik.” Sa mga pagsubok na binanggit ng AllahU at ang Kanyang inihanda bilang gantimpala sa mga taong dumaan at nagtiis sa mga pagsubok:

 

a.     Ang pagkamatay ng dahil sa AllahU ay ang taong namatay habang nakikipagdigma sa mga kaaway ng AllahU upang maging laganap ang Salita ng AllahU: “La Illaha Ila Allah, Muhammad ar-Rasul Allah” na nakaharap sa mga kalaban, at hindi ang mga tumalikod at tumakas sa labanan, nanatiling matatag at matiisin sa lugar ng digmaan. Nabubuhay siya ng dahil sa AllahU lamang, subali’t hindi ito batid ng mga tao, sapagka’t ito’y isang bagay na lingid sa tao, nguni’t ito’y maganda, matamis na buhay.

 

Sinuman ang nakipaglaban upang gawing dakila o pangunahin ang salita ng Allah (La Illaha Ila Allah, Muhammad ar-Rasul Allah), humarap sa mga kalaban, hindi tumalikod at tumakbo, ay tunay na nakipaglaban ng dahil sa Allah lamang. [Al-Nisaa'i, Ahmed and Al-Darmi].

 

Ang kaluluwa ng mga Martyr sa Allah, ay sa loob ng mga berdeng ibon, mahinahong lumilipad sa palibot ng mga ilog sa paraiso sa kanilang kasiyahan. [Muslim, Al-Tirmidhi, Ibn Maja, Al-Darmi and Ahmed]

 

b.     Ang pagsubok tulad ng takot, gutom, pagkawala ng ari-arian o buhay o bunga ng pagod ay mga pagsubok sa anumang anyo nito, sapagka’t alin man sa mga ito ang maranasan ng isang sumasampalataya ay isang paghihirap o suliranin: Takot at kawalan ng seguridad, kahirapan at gutom, pagkawala ng yaman, pagkawala ng buhay sanhi ng sakit at kamatayan, o pagkawala ng mga bungang-kahoy o prutas sanhi ng matinding kahirapan. Binanggit ng AllahU ang “isang bagay,” ay nangangahulugang ang pagsubok ay maaring maliit lamang o malubha ito, ito’y isang pagsubok, at ang pagtitiis sa suliraning ito ay magkakamit ng malaking gantimpala (Ajir).

 

Lumayo ang Propetar pagkatapos niyang ilabas ang ilaw, at nang siya’y tinanong hinggil sa bagay na ito sinabi niya:

 

“Ang lahat ng pasakit at suliranin ng isang sumasampalataya ay isang pagsubok, at may Ajir (gantimpala) para sa kanya.” [Al-Dir b. Al Manthoor, Tafseer Al-Baydhawi]

 

c.     Inilarawan ng AllahU na kapag nalagay sa isang pagsubok ang naniniwala, at pinagtiisan niya ito, at ang tugon niya dito: “Nagmula tayo sa AllahU, at sa Kanya tayo babalik” matatanggap niya ang malaking gantimpala (Ajir). At ipagkaloob sa kanya ang biyaya na buhat sa kanyang Panginoon, at ang Habag, at sila ang mga napatnubayan. Katotohanan, ito ay isang malaking gantimpala: “Ang kaluguran ng AllahU, ang Kanyang biyaya’t habag, at hindi lang ito, kasama pa para sa kanila ang kasiyahan at tagumpay sa mundong ito.

 

Ito ay dala ng isang Muslim hinggil kay Umm Salam at sinabi na narinig niyang sinabi ng Sugor ng Allah:

 

Wala kahit na isa sa mga alipin ng Allah na nalagay sa pagsubok at sinasabi: “Inna lillah wa inna ilayhi raaji'un – Tayo’y nagmula sa Allah, at sa Kanya tayo babalik.” O Allah tulungan mo ako sa pamamagitan ng aking paghihirap at ipagkaloob mo sa akin ang kabutihan pagkatapos nito. Ang Allah lamang at walang ng iba pa ang maaring tutulong sa kanya at ang magbigay ng ginhawa at kabutihan pagkatapos nito. Kaya’t nang namatay sa Abu Salamah (ang asawa ni Umm Salamah), binanggit niya ang sinabi ng Sugo ng Allah na babanggitin at pinagkalooban ako ng Allah ng nakahihigit sa kanya … ang Sugo ng Allah. [Al-Bukhari, Muslim, Al-Tirmidhi and Abu Da'ud]

 

3.     Ipinag-utos ng AllahU sa atin na humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdadasal sa pagtataguyod ng Islam at sa pagpapalaganap nito, at manatiling matatag sa katotohanan na napapaloob dito. Isang katotohanan ang tungkol sa Sugor ng Allah na kapag siya ay nababahala sa isang bagay, magmadali siya upang magdasal, sapagka’t ang pagdadasal ay nagbibigay ginhawa at hinahon sa isang naniniwala at sa pamamagitan nito nakikipag-ugnayan siya sa kanyang Panginoon (ang Kataas-tasan) at puno siya ng kapayapaan at kasiyahan sa pagsasagawa nito.

 

Sinabi ng Sugor ng Allah:

 

May tatlong bagay na ginawang napamahal sa akin: “Pabango, babae at ang aking ganap na katahimikan at kaligayahan ay sa pagdadasal.” [Al-Nisaa'i and Ahmed]

 

Ang pagdadasal ay nagbibigay sa mga naniniwala ng tibay at lakas upang labanan ang kaapihan at ang mang-aapi, at ang tapat na layunin upang manatiling matatag sa katotohanan. Ito ay magbunga ng masigasig at walang kahinaang tapat na naniniwala. Binanggit ng AllahU ang pagtitiis bago ang pagdadasal, nagpapahiwatig sa kahalagahan ng pagtitiis. Samakatuwid, ang pagtitiis ay ang ugnayan sa pagitan ng alipin at ang kanyang Tagapaglikha at ang pagdadasal ay ang ugnayan sa pagitan ng alipin, ang kanyang Tagapaglikha, sa kanyang sarili at sa iba na nakapalibot sa kanya, dahil sa ito ang sukatan ng pananatiling matatag sa panahon ng sakuna, pagsubok at kahirapan.

 

Dito, sandali nating tignan ang pagtitiis, upang isang-tabi ang lahat ng uri ng maling pang-unawa na maaring pinaniniwalaan ng ibang mga Muslim tungkol sa katotohanan dito at ang kanyang kahulugan.


May ilang tao ang naniniwala na kapag ang isang tao ay nagsarili, lumayo sa iba, iniwan ang kasamaan at masasama, habang nasasaksihan niyang nilalapastanganan ang mga banal na bagay, at ang hangganan ng Allah
U ay napapawalang-bahala at ang Jihad ay iniwan at nakalimutan, hindi pagkakaroon ng paninindigan ukol dito, kundi inilayo ang kanyang sarili dito, tinalikuran ang Al-Nahi’ at Al-Munkar (ang pagbabawal sa lahat ng kasamaan); at ito ay mabibilang na pagtitiis o pagtitiyaga.


May ilang nagbibigay kahulugan sa pagtitiyaga na pag-iiwas upang hindi makaranas ng pasakit at ang pag-iiwas sa sandaling makakaharap ang mga kalaban ng Allah
U. Samakatuwid, walang lakas na loob na magsabi ng katotohanan, o pagtataguyod sa mga gawaing kalugod-lugod sa AllahU. Nanatili siyang tahimik at walang panindigan.

 

Hindi ito ang pagtitiyaga ng mga tao na pinaghandaan ng AllahU ng malaking gantimpala ng halamanan sa paraiso:

 

Ipagbadya (O Muhammad): “O kayo, na Aking (Allah) mga alipin na sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allah at sa Islam), pangambahan ang inyong Panginoon (Allah) at panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya. Kabutihan (ang gantimpala) sa mga gumagawa ng kabutihan sa mundong ito, at ang kalupaan ng Allah ay malawak (kaya’t kung kayo ay hindi makasamba sa Allah sa isang pook, kung gayon, ay lumipat sa iba)! Sila lamang na matitiyaga ang tatanggap nang ganap ng kanilang gantimpala na hindi masusukat.” [Qur’an, 39:10].

 

Bagama’t ito ay isang kahinaan na pareho sa nakita ng Sugor ng Allah ay agad nagpakupkop sa AllahU at sinabi:

 

Ako’y nagpapakupkup sa Allah mula sa kawalan ng kakayahan, katamaran, pag-aalala, suliranin, ang magapi ng pagkakautang at lakas ng tao. [Al-Bukhari and Muslim]

 

Ang pagtitiyaga ay ang pagpapatupad ng katotohanan, ang sabihin ang katotohanan at ang gampanan ang katotohanan, maging ano pa man ang mga pasakit at kahirapang maranasan bunga nito, ng dahil sa AllahU lamang, ay hindi lumihis sa tuwid na landas, nanghihina o nanlalambot.


Ang pagtitiyaga ay ang ginawang kapantay sa antas ng Taqwa (takot sa Allah
U). Sinabi ng AllahU sa Qur’an:


......... Ang Allah ay katiyakang naging mapagpala sa amin. Katotohanang siya na may pagkatakot sa Allah at may pagsunod sa Kanya (sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at sa pagsasagawa ng mga mabubuti at matutuwid na gawa), at matiyaga, tunay nga, hindi hahayaan ng Allah na mawala ang Kanyang ganti sa mga gumagawa ng kabutihan.” [Qur’an, 12:90].

 

Ang pagtitiyaga ay ang siyang inihambing ng AllahU sa mga Mujahideen. Sinabi ng AllahU sa Surah Al-Imran:

 

At marami sa propeta (marami sa lipon ng mga propeta) ang nakipaglaban (sa Kapakanan ng Allah), at kanyang kasama (na nakipaglaban) ay malaking pangkat ng  relihiyoso at maalam na kalalakihan. Ngunit kailanman, hindi sila nawalan ng pag-asa (sa damdamin at puso) sa anumang sumapit sa kanila tungo sa Landas ng Allah, gayundin ay hindi sila pinanghinaan (ng loob) o ginawang kaaba-aba ang kanilang sarili. At ang Allah ay nagmamahal sa mga matitiyaga. [Qur’an, 3:146]

 

Ang pagtitiyaga sa panahon ng mga pagsubok at ang pagtitiyaga sa Qadaa (kapalaran) ang magiging sanhi ng katatagan at tibay, at siyang magdulot ng katapatan sa Banal ng Aklat, at hindi ang pagtalikod mula dito. At hindi pagdadahilan sa bigat ng suliranin sa sarili. Katotohanan, ang pagtitiyaga ang siyang magiging sanhi upang mapalapit sa Nag-iisa na hindi kailanman matatakasan.


Sinabi ng Allah
U:

 

………. Datapuwa’t siya ay nanambitan sa oras ng kalaliman ng gabi (na nagsasabi): “La ilaha illa Anta (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Inyo [Allah]). Higit Kayong Maluwalhati (at Kataas-taasan), sa lahat ng (gayong kasamaan) na kanilang itinatambal (sa Inyo). Katotohanang ako ay nakagawa ng kamalian.” [Qur’an, 21:87]

 

Ang pagtitiyaga ang napapatibay sa ating determinasyon at nagbibigay daan tungo sa paraiso upang mapalapit; katulad ng pagtitiyaga nina Bilal Khabab at Aala Yassir na sinabihan ng Sugor ng Allah:


Pagtitiyaga Aala Yassir (pamilya ni Yassir) sa iyong pagkahalal na makaharap ay sa paraiso. [Al-Mustadrik, Al-Matalib, Al-'Aaliya and Al-Hilya]

 

Nang dahil pagtitiyaga nina Khabayb at Zayd na sinabi nila:

 

Ng dahil sa Allah, I ko kalianman maaring matanggap na si Muhammad na makaranas ng kahit maliit na galos, habang ako ay mapayapa kasama ang aking pamilya. [Seerat Ibn Hisham]

 

Ng dahil sa pagtitiyaga ng mga taong hahatol o sisingil sa mga mang-aapi ng walang takot sa anumang maaring ganti sa kanila. Sinabi ng Sugor ng Allah:

 

Katotohanan, sa ngalan ng Allah, inyong pananagutin ang mga mang-aapi at bumaba sa kanya kasama ang katotohanan, ng walang hindi napasama, at ilagay siya sa hangganan ng katotohanan, ng walang pag-aalinlangan, kung hindi hahampasin ng Allah ang puso ninyong dalawa (gawin kayong magkapreho) at isumpa kayo katulad ng kanyang pagsumpa sa Bani Israel. [Al-Tirmidhi, Abu Da'ud and Ibn Maja]


Nang dahil sa pagtitiyaga ng kadalisayan ng Al-Ghurr Al-Mayameen (yaong mabubuti at malinis ang dangal, matapang at mataas ang antas), ang mga Sahabah ng Al-Saadiq Al-Ameen (ang mga matatapat at mapapagkatiwalaan), ang Sugo
r ng Allah. Ang pagtitiyaga ng mga Sahabah sa panahon ng embargo (ng mga Muslim sa Makkah), ang mga taong inihiwalay sa lipunan. Ang pagtitiyaga ng mga Muslim na nangibang-bayan sa Al-Habashah (Abyssinia) at ang mga taong inapi dahil sa pagsasabing: “Ang AllahU ang aming Panginoon.”


Ang pagtitiyaga ng mga Muhajireen at ang mga Ansar sa panahon ng digmaan sa mga taong sumasamba sa mga diyus-diyosan, ang mga Persiya at mga Romano …… ang pagtitiyaga ng mga matatapat, mapagkakatiwalaang, sumasampalatayang Mujahideen.


Ang pagtitiyaga ay ang paghihikayat sa paggawa ng kabutihan (Ma’ruf) at ang pagbabawal ng kasamaan (Munkar), hindi kailanman naghihina bago dumating ang mga pahirap at pagsubok sa landas ng Allah
U. Ang pagtitiyaga ay ang maging kasapi sa sundalo ng mga Muslim, sumusugod upang labanan ang mga kaaway ng AllahU.


Ang pagtitiyaga ay ang pagpapatutuo sa sinabi ng Allah
U sa Surah Al-Imran:

 

Katiyakang kayo ay susubukan sa inyong kayamanan at mga ari-arian at sa inyong sariling (katawan), at katiyakang kayo ay makakarinig ng lubhang maraming (bagay) na magbibigay sa inyo ng pighati, mula sa kanila na nakatanggap ng Kasulatan nang una pa sa inyo (mga Hudyo at Kristiyano), at mula sa kanila na nagtataguri ng mga katambal sa Allah, datapuwa’t kung kayo ay magtiis sa pagtitiyaga, at maging Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid at mabuting tao), – kung gayon, katotohanang ito ay magiging isang bagay na magbibigay pasya sa lahat ng mga pangyayari, at ito ay hango sa malalaking bagay, (na nararapat ninyong pananganan sa lahat ng inyong pagpupunyagi). [Qur’an, 3:186]

 

Sinabi ng AllahU sa Surah Muhammad:

 

At katiyakang kayo ay susubukan Namin hanggang sa Aming masubok   kung sino sa inyo  ang nagsisikap  nang lubusan (tungo sa Kapakanan ng Allah) at may pagtitiyaga at pagtitiis, at Aming susubukan ang inyong ipinahahayag (alalaong baga, kung sino ang sinungaling at sino ang nagsasabi ng katotohanan). [Qur’an, 47:31]

 

Sinabi ng AllahU sa Surah Al-Baqarah:


At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, ang ilan ay pagkalugi sa hanapbuhay, pagkawala ng buhay at bunga (ng inyong pinaghirapan), datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matimtiman sa pagbabata. [Qur’an, 2:155]

 

Na nagsasabi kung sila ay nakakaranas ng kapinsalaan: “Kami ay nagmula sa Allah at sa Kanya ang aming pagbabalik”. [Qur’an, 2:156]

 

Sila ang mga tumatanggap ng Salawat (mga biyaya at kapatawaran) mula sa kanilang Panginoon at sila ang tumatanggap ng Habag at sila ang tunay na napapatnubayan. [Qur’an, 2:157]

 

------------------------------------------------------

Ito’y hango sa lathalain sa isang babasahing Arabik



1
2845
تعليقات (0)