Ang Kahalagahan ng Pagdadasal

PLPHP

 

 

 

Sa Nglan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Kahalagahan ng Pagdadasal (Salah)

[PLPHP]


“Naparito Siya upang ituro ang inyong Relihiyon”

 

 

Ang kahalagahan ng pagsasagawa ng as-Salah sa Islam ay hindi maaring maliitin. Ito ang unang haligi ng Islam na binanggit ng Propeta Muhammadr, pagkatapos niyang ipinahayag ang pagsasaksi ng pananampalataya, ang susi sa pagpasok sa pagiging Muslim. Ipninag-uutos ito sa lahat ng propeta at sa lahat ng tao. Ipinag-uutos ng AllahU at ang sapilitang pagtataguyod nito sa mga takdang oras at maayos na pamamaraan. Halimbawa, nang ang AllahU ay sariling nakipag-usap kay Moses, sinabi Niya:

 

Katotohanan! Ako ang Allah! La ilaha illa Ana (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin). Kaya’t paglingkuran mo (lamang) Ako at magsagawa ka ng palagiang panalangin (Iqamat-as-Salah) bilang pag-aala-ala sa Akin lamang. [Qur’an, Taha 13-14]

 

Katulad din dito, ang pagdadasal (Salah) ay ipinag-uutos kay Propeta Muhammadr, noong umakyat siya sa kalangitan. Higit pa rito, nang ang AllahU ay pinuri ang mga naniniwala, tulad sa Surah Al-Mu’minoon, ang isa sa mga unang paglalarawan na Kanyang binanggit ay ang debosyon sa Pagdadasal (Salah).

 

Minsan tinanong ang Propetar, tungkol sa pinakamabuting gawain. Ang Propetar ay nagpahayag: “Ang pinakamahusay na gawain ay ang pagsasagawa ng As-Salah.” Paulit-ulit na tinatanong ng lalaki ang kanyang tanong ng tatlong ulit, muling sinagot ng Propeta Muhammadr, “Ang Pagsasagawa ng As-Salah.” At ipinahayag niya sa pang-apat na ulit na sagot: “Jihad sa landas ng Allah.” [Ito ay mula sa hadeeth na tinipon ni Ahmad and ibn Hibban, ang hadeeth ay hasan. Muhammad Nasir al-Din al-Albani, Sahih al-Targheeb wa al-Tarheeb (Beirut: al-Maktab al-Islami, 1982), vol. 1, p. 150]

 

Si Propeta Muhammadr ay nagsabi:

 

"Ang sinumang Muslim na ginagampanan ang Salaah ng dahil sa Allah, ang kanyang mga kasalanan ay natatanggal katulad nitong mga dahon na nalalaglag mula dito sa sanga." [Ahmad]

 

 

Ang kahalagahan ng pagdadasal (Salah) ay inilarawan sa maraming pagpapahayag ng Propetar. Halimbawa, binanggit ng Propetar:

 

“Ang unang bagay na lilitisin sa Araw ng Paghuhukom ay ang Pagdadasal (Salah). Kapag ito ay maayos, ang lahat ng iba niyang gawain ay maayos. At kapag ito ay masama, ang lahat ng ibang gawain ay masama rin.” [Tinipon ni al-Tabarani. Ayon kay al-Albani, ito’y sahih. Al-Albani, Sahih al-Jami, vol.1, p. 503].

 

Ang kahalagahan ng pagdadasal (Salah) ay nasusukat sa katotohanan na kahit na ano man ang ating mga gawain sa buhay na ito, ang pinakamahalaga ay ang ating ugnayan sa ating tagapaglikha, ang AllahU, ito ay ang ating Imaan [paniniwala], Taqwa [takot sa Allah], Ikhlas [Kadalisayan], Ibaadah [pagsamba]. Ang ugnayan sa AllahU ay kapwa inilalarawan at ginagampanan ganoon din ang pagpapabuti at pagpaparami nito sa pamamagitan ng pagdadasal (Salah). Kaya’t kapag ang pagdadasal (Salah) ay maayos at tanggap ng AllahU, ang lahat ng gawain ay tanggap at maayos din; at kapag ang pagdadasal (Salah) ay hindi tanggap at maayos, ang lahat ng mga gawain ay hindi tanggap at hindi maayos, ayon sa mismong pagpapahayag ng Propetar.

 

Sa katotohanan, ang pagdadasal (Salah) ay isinasagawa ng mahusay – na taglay ang ganap na pag-aalala sa AllahU at humingi ng kapatawaran sa Kanya – mayroon itong mabuting dulot sa tao. Pagkatapos niyang isagawa ang pagdadasal (Salah), ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala sa AllahU. Siya’y takot sa poot ng Allah, nguni’t umaasa sa Kanyang habag. Pagkatapos ng karanasang ito, hindi niya nanaising iwanan ang mataas na kinalalagyang ito upang sumuway sa AllahU. Ang AllahU ay nagsabi sa bahaging ito ng pagdadasal (Salah):

 

Sabihin mo (O Muhammad!) kung anuman ang ipinahayag sa iyo sa Aklat (ang Qur’an) ng inspirasyon, at magsagawa ka ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salah). Katotohanan, ang pagdarasal ay nakapag-aadya at humahadlang sa Al-Fahsha (mga kahiya-hiya at masamang gawa, lahat ng uri ng kasalanan, ang bawal na pakikipagtalik, atbp.) at Al-Munkar (kawalan ng pananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng kabuktutan at kabuhungan, atbp.), at ang pag-aala-ala (at pagluwalhati) sa Allah ay walang alinlangan na pinakamainam (na bagay sa buhay sa mundong ito). At ang Allah ang nakakaalam (sa mga pag-uugali) na inyong ginagawa. [Qur’an, 29:45]

 

Ang layunin nito ay upang bigyang diwa itong katatagan ng espiritwal na bahagi nitong walang malay na niloloob ng tao, ang ningning ng pananampalataya at pagkamalay sa AllahU na siyang nagbibigay lakas sa kanya upang magtagumpay laban sa lahat ng uri ng kasamaan at panunukso at manatiling matatag sa oras ng mga pagsubok at suliranin at pangalagaan ang kanyang sarili laban sa kahinaan ng laman ng katawan at ang paglihis sa tuwid na landas. [Nadwi, p. 24]

 

Ang pangkalahatang dulot ng maayos at mahiahong pagsasagawa ng as-Salah ng sangkatauhan ay inilarawan sa talata ng Qur’an:

 

Katotohanan, ang tao (na walang pananalig) ay nilikha na lubhang mainipin (walang pasensya); Na naiinis (walang kasiyahan) kung ang kasamaaan ay sumaling sa kanya; At lubhang gahaman  kung ang kasaganaan ay dumatal sa kanya; Maliban sa mga matimtiman sa pananalangin, Sila na namamalagi sa kanilang pagdalangin. [Qur’an, 70:19-23]

 

At sa kabilang buhay, ang pagpapatawad ng AllahU at ang pagpupuri ay may malapit na ugnayan sa Pagdadasal (Salah). Sinabi ng Sugor ng Allah:

 

“Ipinag-uutos ng Allah ang limang Pagdadasal (Salah). Sinuman ang mahusay na isinagawa ang pangkatawang pagpapadalisay (Wudhu’), isinagawang ang Pagdadasal (Salah) sa tamang oras, tinupos ang pagyukod, pagpapatirapa at khushu’ [ang Khushu’ sa Pagdadasal (Salah) ay ang pagkakaroon ng pusong nakatuon sa Pagdadasal (Salah). Ang damdaming ito mula sa puso ay inilalarawan sa katawan. Ang tao ay nanatiling tahimik at mahinahon. Mababa ang kanyang mga paningin. Kahit ang kanyang tinig ay nadadala ng damdamin ng kanyang puso. Para sa detalye ng konseptong ito (kasama ang kaibhan nito sa Khudhu’), Muhammad al-Shaayi, al-Furooq al-Laughawiyyah wa Atharahaa fi Tafseer al-Qur’an al-Kareem (Riyadh: Maktabah al-Ubaikaan, 1993), pp. 249-254.]

 

May pangako mula sa Allah na Kanyang patatawarin siya, at kung sinuman ang hindi gumawa nito ay walang pangako na nagmumula sa Allah. Maari siyang mapatawad o maparusahan. [Iniulat ni Malik, Ahmad, Abu Dawud, al-Nasa’I at atp. Ayon kay al-Albani, ito’y sahih. Al-Albani, Sahih al-Jami, vol. 1, p. 616.]

 

Sa pagdadasal (Salah) ay may dalawng uri ng pagpapadalisay sa katawan ng tao. Nakakaharap niya ang kanyang panginoon ng limang ulit sa isang araw. Tulad ng nabanggit sa itaas, itong paulit-ulit na pagtatayo sa harap ng AllahU ay siyang naglalayo sa tao sa pagkakasala. Higit pa rito, ito ay isang panahon ng pagsisisi at pagbabalik loob, na kanyang pinagsisikapang hilingin sa Allah ng kapatawaran ng mga pagkakasalang kanyang nagawa. Dagdag pa rito, ang Pagdadasal (Salah) ang ay isang mabuting gawain na naglilinis sa mga nagawang masasamang gawain. Ito ay mapupuna sa mga sumusunod ng hadith ng Propetar:

 

“Kapag ang isang tao ay may batis sa labas ng kanyang pintuan at naliligo siya dito ng limang ulit sa isang araw, meron pa bang dumi na maiiwan sa kanyang katawan?” Sinabi ng mga tao, “Walang dumi na maiiwan sa kanyang katawan.” Kaya’t sinabi ng Propeta, “Ganyan ang kahalintulad ng limang beses na Pagdadasal (Salah): nililinis ng Allah ang kanilang mga kasalanan.” (Tinipon ni al-Bukhari at Muslim.)

 

Sa ibang hadith, sinabi ng Propetar:

 

“Ang limang beses na Pagdadasal (Salah) sa araw-araw at ang Salatul Juma’a hanggang sa susunod ng Salatul Juma’a ay kabayaran sa mga pagkukulang sa pagitan nito.” [Tinipon ni Muslim]

 

------------------------------------------------------------------------

Ang akdang ito ay hango sa lathalain ni Jamaal al-Din Zarabozo

1
2938
تعليقات (0)