Ang Kahulugan ng Pagtatanghal ng Mukha sa Allah

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Kahulugan ng Pagtatanghal ng Mukha sa AllahU

[PLPHP]

 

 

Ang pagsuko ng mukha sa AllahU at ang paggawa ng kabutihan ay ang dalawang bagay na kinakailangan upang ang gawain ng isang tao ay tatanggapin na ang gawaing ito ay nararapat gawin ng may ganap na katapatan ng dahil lamang sa AllahU, at kinakailangang tumpak , at sang-ayon sa Sunnah at Shari’ah. Sapagka’t ang pagtatanghal ng ng mukha sa AllahU ay nangangahulugan ng pagnanais at layuning dahil sa AllahU lamang, tulad ng sinabi sa isang tula:

 

“Hilingin mula sa Allah ang kapatawaran ng iyong mga kasalanang hindi mabilang.”

 

“Panginoon ng Kanyang alipin, sa Kanya ang iyong mukha at ang inyong gawa.”

 

May ilang magkakaibang salita na ginamit dito: ang pagtatanghal sa kanyang mukha, ang pagtutuwid sa kanyang mukha, at pagharap (literal – “kaharap”) ng iyong mukha sa AllahU, tulad ng sinabi ng AllahU sa Qur’an:

 

Ipagbadya (O Muhammad!): “Ang aking Panginoon ay nag-utos ng katarungan at (nagwika) na Siya lamang ang marapat ninyong harapin (huwag kayong sumamba sa iba pa maliban sa Allah at humarap sa Qibla, ang Ka’ba sa Makkah sa sandali nang inyong pagdarasal) sa bawat isa at lahat ng lugar ng pagsamba sa pananalangin (at huwag humarap sa iba pang huwad na diyos at mga imahen), at panikluhuran lamang Siya at ituon ang inyong matapat na pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng hindi pag-aakibat ng anumang katambal sa Kanya, at may pagnanais na ginagawa ninyo ang  mga gawang ito tungo sa Kapakanan lamang ng Allah. At sa pasimula, Kanyang inilabas kayo (sa pagkabuhay o pagkakaroon ng buhay), sa gayon din, kayo ay itatambad sa pagiging buo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) [sa dalawang pangkat, ang isa ay nabibiyayaan (mga sumasampalataya), at ang isa ay kahabag-habag (mga hindi sumasampalataya)]. [Qur’an, 7:29]

 

Kaya’t iharap mo (O Muhammad) nang tunay ang iyong mukha sa Pananampalatayang dalisay ng Islam at Hanifan (alalaong baga, ang tanging sumamba lamang sa Allah, at sa Fitrah (ang likas na damdamin ng paniniwala sa pagiging tanging Isa ng Allah), na sa pamamagitan nito (Fitrah) ay Kanyang nilikha ang sangkatauhan. Huwag hayaan na magkaroon ng pagbabago sa Khalq-illah (alalaong baga, ang pananampalataya ng Allah, sa Islam at sa Kanyang Kaisahan); ito ang Tuwid na Pananampalataya, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang kaalaman. [Qur’an, 30:30].

 

Sinabi ni Ibrahim sa pagpapahayag ng AllahU sa Qur’an:

 

Katotohanang aking ibinaling ang aking mukha tungo sa Kanya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ako ay hindi kabilang doon sa mga sumasamba sa iba maliban pa sa Allah. [Qur’an, 6:79]

 

Tulad ng sinabi ng Propetar sa kanyang pambungad na du’a (hinaing ng sa AllahU) sa gabing pagdadasal:

 

“Aking ihaharap ang aking mukha sa Kanya na lumikha sa mga kalangitan at kalupaan bilang isang dalisay na sumasampalataya sa nag-iisang Allah at hindi ako kabilang sa mga sumasamba sa diyus-diyusan.”

 

Mula sa sahih hadith, sinabi ni Al-Baraa' ibn 'aazib:

 

“Itinuro ng Propeta sa akin ang dasal bago matulog: ‘O, Allah! Isinusuko ko ang aking sarili sa Iyo, at aking inihaharap ang ko isa Iyo.......”

 

Ang salitang “mukha” sa wikang arabik ay “wajh,” ay maaring may kahulugan ng ‘siya na iniharap ang sarili (Al-Mutawajjih), at maari na ring nangangahulugan ng ‘siya na iniharap ang kanyang mukha sa Kanya o sa Kanyang kinaroroonan (Al-Mutawajjah Ilaihi, o Al-Mutawajjah Nahwahu). At tulad ng sinasabi: Saan mo nais humarap (wajh, literal: “mukha”)? Halimbawa: Saang gawi o banda mo nais tutungo? Ito ay dahil sa nararapat ang dalawang pagkakaintinding ito ay magkasama. Saan mang haharap ang isang tao, ang kanyang mukha rin ay nakaharap dito, at ang kanyang mukha ang kailangan upang haharap siya sa isang bagay. Ito ang nangyayari sa panglabas at pangloob na gawain, at ito ang bumubuo ng mga bagay hinggil sa pagtatanghal o paghaharap ng mukha ng pangloob o panglabas. Ang pangloob ay ang pinagmula at ang panglabas ay ang pagpapatupad, at tanda. Kaya’t kung sinuman ang magharap sa kanyang puso sa kaninuman, ang kanyang mukha ay haharap din.

 

Kapag ang alipin ng AllahU ay may layunin at ang kanyang minimithing pangarap ay nauukol sa AllahU, ito ang katuwiran ng kanyang ninanais at ang kanyang layunin. Subali’t, kung sa parehong pagkakataon, siya’y gumagawa ng kabutihan, kanyang nakamit ang dalawang katangian: na ang kanyang mga gawain ay matutuwid, at hindi siya nagkakaroon ng pagtatambal sa pagsamba sa kanyang panginoon.

 

Sinabi ng AllahU:

 

Ipagbadya (O Muhammad): “Ako ay isa lamang tao na katulad ninyo. Ito ay ipinahayag sa akin, na ang inyong Ilah (Diyos) ay isang Ilah (Diyos, alalaong baga, ang Allah). Kaya’t kung sinuman ang umaasam sa pakikipagtipan sa kanyang Panginoon, hayaan siyang gumawa ng katuwiran at kabutihan at huwag siyang mag-akibat ng anumang katambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon.” [Qur'an, 18:110]

 

Madalas na sinasabi ni Umar sa kanyang panalangin:

 

“O Allah, gawin mong matuwid ang lahat ng aking gawain, at gawin mo ang lahat ng ito na dalisay sa iyong harap (mukha), at huwag mong gawing magkakaroon ng kaakibat sa iba.”

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasaan”

1
2965
تعليقات (0)