Ang Dalisay at Tapat na Layunin

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Lahat ng Mabuting Gawain ay Kinakailangang

Dalisay at Tapat ang Layunin Upang Ikalulugod ng AllahU

[PLPHP]

 

 

Ang lahat ng mabuting gawain ay kinakailangang laman ang sumusunod na dalawang bahagi: na ang mga ito’y ginawa lamang sa ikalulugod ng Allah at sang-ayun sa Shari’ah. Ito ay sa ating mga pagpapahayag at mga gawain. Ito rin any isa sa mga kinakailangan sa mabuting pananalita at tuwid na gawain sa larangan ng kaalaman at pang-unawa, ganoon din sa mga bagay na paggagamitan nito, at sa mga pagsamba at katapatan. Ito’y pinatotohanan ng mapapanaligang sunnah na sinabi ng Propetar:

 

“Katotohanan, ang pangunahing panggatong sa impiyerno ay ang tatlong uri ng taong sumusunod: Ang taong may taglay na kaalaman at itinuro ito, at binabasa ang Qur’an at itinuro sa iba upang sabihain ng mga tao na: Siya ay maalam at siya ay magaling magbasa. At ang taong nakipaglaban at nagpunyagi (Jihad) upang sabihin ng mga tao na: Siya ay matapang at magiting na mandirigma. At ang taong nagbibigay ng kawanggawa sa mga mahirap at nangangailangan mula sa kanyang kayamanan upang sabihin ng mga tao na: Siya ay mapagbigay at bukas ang mga palad.”

 

Ang tatlong uri ng mga taong ito ay nagnanais na magpakita at kahangaan at parangalan. Sila’y sumasalungat sa sa tatlong katangian na nabanggit sa Qur’an pagkatapos ng mga propeta: ang mga matatapat at nananalig (As-siddiqeen), ang mga martir sa landas ng AllahU (Ash-shuhadaa'), at ang mga matutuwid at gumagawa ng kabutihan (As-saaliheen).

 

Sinuman ang pinag-aralan ang ‘Kaalaman’ na ipinadala ng AllahU sa Kanyang mga propeta at mga guro at itinuro lamang ng dahil sa AllahU, ay isa sa mga “As-Saddiqeen.” At kung sinuman ang nakipaglaban upang ang salita ng AllahU ay siyang mangingibabaw hanggang sa napatas ay isa sa mga “As-Shuhadaa,” samantalang kung sinuman ang nagbigay sa kanyang ari-arian sa kawanggawa sa pagnanais na makaharap ang AllahU, ay isa sa mga “As-Saaliheen.”

 

Kaya’t kung sinuman ang naging pabaya sa kanyang mga tungkulin sa kanyang ari-arian ay pababalikin sa oras ng kamatayan. Sinabi ni Abbas: ‘Sinuman ang nabigyan ng ari-arian, nguni’t hindi isinagawa ang Hajj, hindi nagbabayad ng Zakat na nararapat sa ari-ariang ito, ay pababalikin sa kamatayan. At kayang binasa ang taludtod sa Qur’an:

 

At gumugol kayo ng halaga (sa kawanggawa) mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob  sa inyo, bago sumapit  ang kamatayan sa sinuman  sa inyo  at siya ay magsabi: “O aking Panginoon! Kung ako ay bibigyan lamang Ninyo ng kaunting panahon na makabalik (sa buhay sa mundong ito), kung gayon,  ako ay magkakaloob ng Sadaqa (alalaong baga, ng Zakah,- katungkulang kawanggawa), mula sa aking kayamanan, at nang ako ay maging isa sa mga mapaggawa ng kabutihan (ang makapagsagawa ng Hajj, - Pilgrimahe sa Makkah). [Qur'an, 63:10]

 

Samakatuwid, sa mga bagay hinggil sa kaalaman at pananalita, ang nagpapalaganap o mangangaral ng kabutihan ay siguruhin na ang lahat ng kaalamang kanyang ipinamamahagi tungkol sa AllahU at sa Huling Araw at sa mga bagay na tama at mali. Ganoon din ay nararapat niyang tiyakin ang lahat ng bagay na kanyang pinapahintulutan o ipinag-uutos at ipinagbabawal sa kanila ay tulad ng ipinahayag ng AllahU sa Kanyang PropetaU. Ito ang tamang pamamaraan na sang-ayun sa Sunnah at Shari’ah, at ito ang landas ng pagsunod sa Aklat ng AllahU at ang Sunnah ng PropetaU.

 

Katulad ng mga gawaing pagsamba, na ginagawa bilang mga pagmamahal – kung ang mga ito ay nababatay sa mga pagpapahayag ng AllahU, at ang ipinag-uutos ng Propeta sa atin na gawin – ay tinatanggap at tama at sumasang-ayun sa mensahe na dahilan ng pagsugo ng AllahU sa mga propeta. Samakatuwid, ang mga gawaing “pagsamba” na lumilihis (i.e. hindi bahagi ng ipinag-uutos ng AllahU at Kanyang Propeta) ay lahat kasinungalingan, kahangalan, at pagbabago na landas ng lihis katotohanan, maging ito man ay tinatag-uriang: kaalaman, unawaan, katapatan, pagsasanay, karanasan, o mga himpilan.

 

Siya (tagapagtaguyod ng kabutihan) na nag-uutos ay dahil sa ipinag-uutos ng AllahU lamang, at ang magbawal sapagka’t ito’y ipinagbabawal ng AllahU, at ang ipagbigay-alam lamang ang ipinabatid ng AllahU sa atin, sapagaka’t ito ang katotohanan, ang tunay na paniniwala, at gabay, tulad ng ipinahayag ng mga propeta sa atin. Ang mga ito bilang ganap ng pagsamba ay nagnanais o naglalayong makaharap ang AllahU lamang. Kapag ang ilan sa mga ito’y ginagawa ng pagsunod ng ‘hawa’a’, at simbuyo ng damdamin at pagkahilig, o kaya’y upang magpakitang-puri, o dahil sa mithiing karangalan at magpakitang-tao. Ito ay tulad ng isang mandirigma na nakikipaglaban upang masabing siya ay matapang at magpakitang-tao lamang.

 

Mula dito, mauunawaan natin na kung saan lumihis sa tuwid na landas ang mga taong maalam, makapangyarihan at nag-uukol ng mga pagsamba at kabutihan. Maraming katulad ng mga tao ito ang nagpapahayag ng mga bagay na sumasalungat sa katuruan ng Qur’an at Sunnah, o mga bagay na naglalaman ng mga bahaging sumusunod sa Qur’an at Sunnah at ang ilang bahagi ay sumasalungat dito. Marami sa kanila ang nag-uukol ng gawaing pagsamba na hindi ipinag-uutos ng AllahU sa kanila, at sa katunayan, ang mga ito’y ipinagbabawal ng AllahU, o mga gawaing may bahaging ipinag-uutos ng AllahU at ang ibang bahgi ay ipinagbabawal ng AllahU. At marami sa kanila ang nakipaglaban sa mga digmaan na hindi sumasang-ayun sa mga digmaang ipinag-uutos ng AllahU, o may bahaging ipinag-uutos ng AllahU at ang ibang bahagi ay ipinagbabawal.  

 

Dagdag pa rito, bawa’t isa ay kinabibilangan ng tatlong bahagi: ipinag-uutos ng AllahU at ng Kanyang Propeta, ipinagbabawal, at ang pagsasama ng mga bahagi sa bawa’t kaurian. Ang tatlong maaring layunin: isang dalisay na layunin ng dahil sa AllahU lamang, ang pagsunod sa sariling ‘hawaa,’ o ang pagsasama ng dalawang ito. Ang mga ito ay nagbibigay sa ating ng kabuoang bilang na bahagi o uri sa layunin at pagtanggap sa mga gawain.

 

Tungkol naman sa mga masamang gawain, maaring ang gumagawa ay nagkamali lamang, o kaya’y nakalimutan, at sa ganitong kadahilanan ay napapatawad sila. Walang pinagkaiba ito sa isang hukom na nanaliksik ng maayos upang magkaroon ng hatol, subali’t nagkamali: siya ay gagantimpalaan sa kanyang pagsusumikap at ang kanyang pagkakamali ay patatawarin. Ganoon din sa maling mga gawain maaring maliit na pagkakasala (Saghaa'ir) na mapagbabayaran sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga malubhang pagkakasala (Kabaa'ir), kaya’y maari siyang mapapatawad sa kanyang tapat na pagsisisi, o kaya’y sa mga kabutihang gawain na naglilinis sa mga masasamang gawain, o kaya’y napagbayaran na niya sa mga suliraning dumating sa kanyang buhay, o kaya’y sa iba pang mga dahilan. Magkaganoon, ang deen (ang pamamaraan) ng AllahU na pinagpadalhan ng mga kapa-hayagan ay ang siyang ating binanggit noong una: Ang tapat at dalisay na layuning makaharap ang AllahU sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain (i.e. ang pagsunod at pagtalima sa Kanya).

 

Samakatuwid, ang deen (paraan) ng AllahU kung saan niya ipinadala ang Aklat at kung saan Niya ipinadala ang mga propeta ay ang paghahangad na kaluguran ng AllahU sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain (i.e. katapatan at pagsunod sa Kanya).

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasaan”

1
2975
تعليقات (0)