Ang Pag-uutos at ang Pagbabawal

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Pag-uutos at ang Pagbabawal

[PLPHP]

 

 

Ang Lahat ng Tao ay Kailangan ang Pag-uutos at Pagbabawal

 

Ang lahat ng tao sa balat ng lupa ay nangangailangan ng pag-uutos at pagbabawal. Nararapat lamang na siya ay utusan at pagbawalan. Maging siya man ay nag-iisa, pag-uutusan niya ang kanyang sarili at pagbabawalan – maaring ito ay sa kabutihan, o sa kasamaan. Sinabi ng AllahU sa Qur’an:

 

At hindi ko kinakalagan ang aking sarili (na walang sisi). Katotohanan, ang kaluluwa (ng tao, o ang katawang tao) ay nahihilig sa masama, malibang ang aking Panginoon ay maggawad ng Kanyang Habag (sa sinumang Kanyang maibigan). Katotohanan, ang aking Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.” [Qur'an, 12:53]

 

Ang pag-uutos ay ang diwa ng pakiki-usap sa isang gawain, at ang layunin dito, habang pagbabawal ay ang maki-usap sa pag-iwas sa isang tanging gawain, at ang nagmimithing ito.

 

 

Ang mga Anak ni Adam ay Hindi Namuhay Maliban sa mga Lipunan

 

Ang bawa’t nilikha ay nararapat, na kinakailangan, na magkaroon ng hangarin at nanaisin sa kanyang sarili na siyang batayan ng kanyang mga gawain, at ganoon din sa mga gawaing maaring gagampanan ng ibang tao. Katotohanan, ang tao ay isang buhay na nilalang, gumagalaw siya sa kanyang kalayaan at adhikain, at ang tao ay hindi namumuhay maliban lamang sa pakiki-isa bilang isang lipunan at mamuhay kasama ang kapwa.

 

Sa sandaling ang dalawa o higit pa ang magbuklod, nararapat lamang na magkaroon sila ng pinagkaisang kasunduan sa pag-uutos sa mga bagay at pinagkaisahang kasunduan sa mga ipinagbabawal sa ibang bagay. Dahil dito, ang pinakamaliit na bilang ng lipon o lupon sa pagdadasal ay dalawa, at nasabi na: ang dalawang tao o mahigit dito sa bilang ay bumubuo ng isang ‘jama’a’ (lupon), at sapagka’t ang kanilang pagtitipon ay tanging sa pagdadasal lamang, na binubuo ng dalawa, na ang isa ang namumuno (imam), ang isang ang pinamumunuan (ma'moom).

 

Sinabi ng Propetar kay Al-Malik Ibn Al-Huwairith at ang kanyang mga kasamahan:

 

“Kapag dumating ang takdang oras ng pagdadasal, itawag ang adhan at ang iqama, ang pinakamatanda sa inyo ang mamumuno.” (Kung sila’y makapantay ng karungan sa Qur’an).

 

At sa mga pangkaraniwang mga      gawain (maliban sa Salat), iniulat sa aklat ng mga hadith na sinabi ng Propetar:

 

“Hindi pinahihintulutan ang tatlong magkakasama na maglalakbay na hindi magtalaga ng kanilang pinuno (amir).”

 

 

Ang Pag-uutos ay Nararapat na ang mga Ipinag-uutos ng AllahU at ang Kanyang Propetar

 

Ang pag-uutos at ang pagbabawal ay kinakailangang manatili sa piling ng sangkatauhan. Subali’t maaring ang ilan ay hindi nagawang maipag-uutos ang kabutihan (ma’aruf) na ang AllahU at ang Kanyang Propetar ay ipinag-utos, at ang ipagbawal ang kasamaan (munkar) na ang AllahU at ang Kanyang Propetar ay ipinagbawal, at ang pag-utusan ng kabutihan (ma’aruf) na ang AllahU at ang Kanyang PropetaU ay ipinag-utos, at ang pagbawalan sa mga kasamaan (munkar) na ang AllahU at ang Kanyang Propetar ay ipinagbawal. Magkaganoon, palaging may pag-uutos at pagbabawal, at ang ipinag-uutos at ang ipinagbabawal. Ang mga ito ay maaring salungat sa kabutihan at ang kabutihan na ang AllahU at ang Kanyang Propetar ay nilinaw, o kaya’y maaring mga naglalaman o nagtataglay ng mga bahaging parehong ang katotohanan ang ipinadala ng AllahU, at ang kasamaan na walang pagpapahintulot ng AllahU at ang Kanyang Propetar. Kung ang paghahalo (ng kabutihan at kasamaan) ay tinatangkilik sa pamamaraan ng buhay (deen), ito ay deen ng pagbabago, kasinungalingan, at ang paglihis sa tuwid ng landas. At dahil, tulad ng ating ipinakita, bawa’t tao ay nabubuhay, gumagalaw ng malaya, ang naghahanap ng mga layunin, ang magsasaka sa lupa, maging anuman mga layunin at mga gawain ay hindi matutuwid at ng dahil sa AllahU ay nangangahulugan ng gawaing masama, o hindi ng dahil sa AllahU – at ito’y kasinungalingan at hindi matatanggap. Sinabi ng AllahU:

 

Katotohanan, ang inyong pinagsusumikapan at mga gawa ay magkakaiba (sa layunin); [Qur'an, 92:4]

 

Ang lahat ng mga gawaing ito ay tatanggihan katulad ng mga gawain ng mga kuffaar. Sinabi ng AllahU:

 

Sila na nagtatakwil (sa Kaisahan ng Allah at sa Mensahe ni Propeta Muhammad) at humahadlang sa mga tao tungo sa landas  ng Allah, sa  Islam), ang kanilang mga gawa ay hindi magwawagi  sa Allah. [Qur'an, 47:1]

 

At sa mga hindi sumasampalataya, ang kanilang mga gawa ay katulad ng mirahe (huwad na tubigan) sa disyerto. Ang (isang) nauuhaw ay nag-aakala na ito ay tubig, hanggang ito ay kanyang sapitin, at wala siyang natagpuan dito, datapuwa’t nasumpungan niya ang Allah, na Siyang magbabayad ng sa kanya ay nakalaan (Impiyerno). At ang Allah ay Maagap sa Pagsusulit. [Qur'an, 24:39]

 

At itatambad Namin sa kanila (sa mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ang anumang kanilang ginawa, at gagawin Namin ang mga gawaing yaon na tulad ng nagkalat (at) nakalutang na mga bahagi ng alikabok (dumi). [Qur'an, 25:23]

 

 

Sino ang mga “May Kapangyarihan Mula sa Inyo” na Mag-uutos ng Kabutihan?

 

Ipinag-utos sa atin ng AllahU sa Kanyang Aklat na sumunod sa Kanya, sumunod sa Kanyang Propetar, at sa mga nasa kapangyarihan mula sa mga naniniwala. Sinabi ng AllahU:

 

O kayong nagsisisampalataya! Sundin ninyo ang Allah at sundin ang Tagapagbalita (Muhammad), at sila (na mga Muslim) sa inyong lipon na may kapamahalaan. (At) kung kayo ay may pagkakahidwa-hidwa sa anumang bagay sa pagitan ninyo, isangguni ninyo ito sa Allah at sa Kanyang Tagapagbalita kung kayo ay nananampalataya sa Allah at sa Huling Araw. Ito ay higit na mainam at angkop tungo sa panghuling pagpapasya. [Qur'an, 4:59]

 

Ang mga “may kapangyarihan” ay: ang mga nagtataglay ng kapangyarihan at ang kanyang mga tao. Sila ang mga nag-uutos at nagbabawal sa mga tao sa kanilang sinasakupan. Ang mga may kapangyarihang ito ay kinabibilangan ang sa politika at ang pinagkalooban ng pansamantalang kapangyarihan, at ang mga taong may kaalaman at mga marurunong sa lipunan.

 

Kaya’t ang mga may kapangyarian ay binubuo ng dalawang bahagi: ang mga Eskolar at mga pinuno. Kapag sila’y matutuwid, ang mga tao ay matutuwid din, at kapag sila’y bulok, ang mga tao ay bulok din. Katulad ng sinabi ni Abu Bakr kay Al-Ahmasiya ng siya’y nagtanong:

 

“Gaano tayo katagal mananatili sa ganitong mabuting kalagayan?” Sinabi ni Abu Bakr: “Hanggang sa ang inyong mga pinuno ay matutuwid.”

 

Kabilang dito ang mga Hari at ang mga “Shaikhs” at ang mga taong nasa pananampalataya, at siya na may mga tagasunod, na may taglay ding katungkulang may kapangyarihan mula sa inyo.

 

Ang mga taong ito ay ang siyang mag-uutos sa mga ipinag-uutos ng AllahU, at magbawal sa mga ipinagbabawal ng AllahU. Ang lahat ay kinakailangan ng Islam na sumunod sa kanyang pinuno, o sa iba, na sumunod sa kanila ang lahat ay ang pagiging masunurin sa AllahU, at ang hindi pagsunod sa kanila ay ang pagiging suwail sa AllahU. Sinabi ni Abu Bakr sa simula ng kanyang pagiging Kalifa:

 

“O, tao, ang malakas mula sa inyo ay ang mahina sa akin hangga’t aking makukuha ang nararapat na kabayaran mula sa inyo (at ipagkaloob ito sa mga nangangailangan). Sundin ako, habang ako’y sumusunod sa Allah, at kapag ako’y naging suwail sa Allah, wala akong karapatan upang inyong sundin.”

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasaan”

1
2977
تعليقات (0)