Ang Pangambang Mahuhulog sa Tukso na Dahilan ng Hindi Pag-uutos ng Kabutihan

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Pangambang Mahuhulog sa Tukso na Dahilan

ng Hindi Pag-uutos ng Kabutihan

[PLPHP]

 

 

Ang pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan, at ang pakikipaglaban sa landas ng AllahU (Jihad) ay kinabibilangan ng matinding pagsubok at suliranin na ang isang tao ay mahaharap sa panganib ng iba’t ibang uri ng tukso. Sa ganitong dahilan, isang pangkat ang lumantad mula sa mga tao ang nagpahayag ng takot sa mga tuksong ito bilang dahilan upang makaiwas sa isang bagay na ginawang sapilitan sa kanila pagkatapos mangatwiran na sila lamang ay nagnanais umiwas sa mga tuksong ito. Tulad ng sinabi ng AllahU sa mga mapagkunwari o nagbabalatkayo:

 

At sa lipon nila ay mayroong nagsasabi: “Ako ay bigyan mo ng palugit (na huwag mapabilang sa Jihad [pakikipaglaban para sa Allah]), at ako ay huwag mong ilagay sa pagsubok.” Katotohanang sila ay nahulog sa pagsubok. At katotohanang Impiyerno ang papaligid sa mga hindi sumasampalataya. [Qur’an, 9:49]

 

Ang mga Eskolar sa tafsir (ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng Qur’an) ay nagsabi na ang taludtod na ito ay ipinahayag hinggil sa isang taong may pangalang Al-Jadd ibn Qais nang ang Propetar ay inutusan siyang ihanda ang kanyang sarili para sa digmaan ng Rum (Ang mga Romano). Naniniwala ako na sinabi ng Propetar: Mayroon ka bang problema sa babae mula sa puting lahi o angkan? Sinabi ni Al-Jadd: O, Propetar, walang ibang lalaki ang higit na nawiwili sa mga kababaihan maliban sa akin, at kinakatakutan ko ito, nang aking nakita ang mga kababaihan sa mga puting tao, maaring hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ang Propetar ay tumalikod kay Al-Jadd at kanyang sinabi: “Pinapatawad kita.” [Mula sa Seera ni Ibn Hisham]

 

Siya rin ay ang taong hindi sumama sa isang kasunduan na kilala sa tawag na “Bai'atul Ridhwan” na ipinagkaloob ng mga Sahabah sa Propetar sa ilalalim ng isang puno (pagkatapos ng Kasunduang Hudaibiya), at nagtago siya sa likod ng pulang kamelyo. Sa isang hadith, sinabi ng Propetar:

 

“Ang lahat sa inyo ay napatawad ang kanyang mga kasalanan, maliban sa lalaking nasa likod ng pulang kamelyo.”  

 

At ipinahayag ng Allah ang taludtud patungkol sa taong ito:

 

At sa lipon nila ay mayroong nagsasabi: “Ako ay bigyan mo ng palugit (na huwag mapabilang sa Jihad [banal na pakikipaglaban para sa Allah]), at ako ay huwag mong ilagay sa pagsubok.” Katotohanang sila ay nahulog sa pagsubok. At katotohanang Impiyerno ang papaligid sa mga hindi sumasampalataya. [Qur'an, 9:49]

 

Dito, sinasabi ng AllahU: Ang taong ito ay hinihinging manatili sa likuran upang ilayo ang kanyang sarili sa tukso ng mga babae, upang hindi siya maaring makaranas pagsubok dahil sa kanila: subali’t kinakailangan niyang paglabanan ang kahilingan ng kanyang kalooban, at magdusa dahil sa tunggalian sa kanyang kalooban, o kaya’y magapi ng kanyang mga pansariling kinagigiliwan, at mahulog sa kasalanan. Siya na nagkaroon ng pagnanasa sa nakitang magandang hubog – kapag hindi niya makamit o matugunan ang kanyang pagnanasa – marahil dahil sa pagbabawal ng batas, o marahil dahil sa kanyang kakulangan ng kakayahan upang makamit ito, ay magdusa ng paghihirap sa kanyang puso. Kung kanyang mapagtiisan ito, maging ito man ay ipinagbabawal, siya ay nawasak na, at maging sa mga pinahihintulutan tulad ng pakikisalamuha sa mga kababaihan, ay lahat mga nakakatakot na mga bitag.

 

Ito ay ang kahulugan ng pahayag ni Al-Jadd: “…… at huwag mo akong itanghal sa pagsubok.” Kaya’t sinabi ng AllahU: [Katotohanan, sila ngayon ay nahulog sa pagsubok]. Kanyang sinabi: Ang kanyang pagtalikod sa tungkuling Jihad, at ang kanyang pagtakbo mula dito, at ang kahinaan ng kanyang paniniwala, at ang sakit ng kanyang puso na siyang naging sanhi ng kanyang pag-iwas sa jihad ay mukhang mabuti at katanggap-tanggap, ay isa nang malaking pagsubok na gumapi sa kanya. Kung ganito ang pangyayari, paano siya makakahingi ng tulong sa isang maliit na pagsubok na hindi pa man nakakagapi sa kanya, sa pamamagitan ng pagsuko sa isang higit na malaking pagsubok na natapos ng nangyari. Sinabi ng AllahU:

 

At huwag kayong maging katulad nila na nagsasabi (ng): “Kami ay nakakarinig,” datapuwa’t sila ay walang narinig. [Qur'an, 8:21]

 

Kaya’t kung sinuman ang iiwas sa pakikipagdigma na ipinag-uutos ng AllahU upang hindi malagay sa pagsubok, ay sadyang nahulog na sa pagsubok, nang dahil sa pag-aalinlangan at sakit na dumapo sa kanyang puso, at ang kanyang pagpabaya sa jihad na ipinag-uutos ng AllahU sa kanya upang gampanan.

 

Pag-isipan ito ng mabuti, sapagka’t ito’y nakakatakot na katanungan. Ang mga taong ito ay sa dalawang uri:

 

1)     Ang isang pangkat ay nag-uutos at nagbabawal at nakikipagdigma ng maayos, tulad ng kanilang pinangarap, upang pawiin ang kaguluhan at mga pagsubok. Ang kanilang mga gawain ay matinding kaguluhan o pagsubok kung ihahambing sa kanilang ninanais tanggalin. Ito ang halimbawa ng mga taong nagmamadaling makipaglaban sa mga digmaan na nangyayari sa mga Muslim, tulad ng mga khawaarij.

 

2)     Ang isang pangkat ay nanatili sa pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan at ang pakikipaglaban sa landas ng AllahU sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang Kanyang salita [La ilaha Illah Allah] ay ang kataas-taasan, upang kanilang maiwasan ang pagsubok. Nahulog at nagapi na sila ng pagsubok.

 

Ang pagsubok na nabanggit sa unang taludtod ay kinabibilangan ng pagsubok sa mga magagandang mukha, dahil ito ay ang kuwento pagpapahayag sa tuludtod na ito. Sa higit na pangkalahatang pagkaintindi, ito ang nangyayari sa mga taong “relihiyoso.” Pinabayaan nila ang pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan na ipinag-uutos sa kanila at ang pakikipagdigma sa landas ng AllahU kung saan ang lahat ng pananampalataya ay maaring sa AllahU, at kung saan ang salita ng AllahU ay ang kataas-taasan, upang maiwasan ang mga pagsubok at mga minimithi sa mundong ito. Sa katunayan, sila’y nahulog na sa higit na mapanganib na mga pagsubok kaysa sa kanilang inaakalang maari nilang matatakasan.

 

Ang sa kanila ay ang tuparin ang kanilang mga tungkulin ng pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan at ang pananatiling malayo sa kasamaan. Ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal at ang pagtupad sa mga ipinag-uutos ay ang dalawang mukha ng iisang barya (salapi), sapagka’t ang kanilang sarili ay hindi maaring pahintulutan sila ng anumang pagpipilian maliban lamang sa sabay na pagtupad sa dalawa, o kaya’y kapwa silang pabayaan at isang-tabi. Ito ang nangyayari sa karamihan ng nagmimithi ng pamumunuan o ari-arian o masamang pagnanasa: sa tuwing ginagampanan nila kung anuman ang kanilang makakaya sa pag-uutos at pagbabawal at pakikipagdigma at ang pamumuno at ang mga bagay na katulad nito, lagi nilang nagagawa kasabay nito ang ilang ipinagbabawal na gawain. Ang maari nilang gawin sa pagkakataong ito ay ang suriin kung ano ang nakahihigit sa dalawang bagay na ito. Kung ang tungkulin ay nakahihigit sa gantimpala kaysa pag-iwas sa kasamaan, nararapat nilang ipagpatuloy ito at hindi iwanan ang mga tungkuling kanilang ginagampanan dahil sa pangambang mahuhulog sa isang tukso ng di-malubhang pagkakasala. Samantalang, kung ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal ay higit na malaki ang gantimpala, hindi nila dapat palampasin ang gantimpalang ito sa paghahalangad sa gantimpalang higit na mababa ang antas sa paggawa ng ipinag-uutos na gawain. Dito, may pagsasama ng mabuti at masamang gawain, na nagdudulot ng isang paghahalo ng kabutihan at kasamaan sa kanilang talaan ng gawain sa AllahU. Ang isang detalyadong pagpapaliwanag ay masyadong mahaba para talakayin dito.

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
2986
تعليقات (0)