Ang Katauhang Kinakailangan ng Isang Naniniwala

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Katauhang Kinakailangan ng Isang Naniniwala

[PLPHP]

 

 

Ang ganitong mga katangian at mga gawain ay kinakailangan ng isang naniniwala sa pangkalahatan, at lalong-lalo na sa panahon ng kaguluhan, suliranin at matinding mga pagsubok. Labis nilang kinakailangan ang maayos na pagbabago sa kanilang sarili, maging ang katangiang ito’y taglay na nila na kinakailangan sa sandaling may tawag hinggil sa kaguluhan at kabulukan. At kinakailangan din nilang tuparin ang kanilang mga tungkulin sa pag-uutos sa iba kung ano ang tama o mabuti at ang pagbabawal sa kanila kung anuman ang mali o masama sa abot ng kanilang makakaya. Kapwa ang mga tungkuling ito ay may kahirapan tulad ng ating nakita, subali’t ang mga ito’y madali sa mga taong ginawa ng AllahU na madali sa kanila.

 

Ito ay dahil ang AllaUh ay pinag-utusan ang mga naniniwala na manalig at gumawa ng mga kabutihan, at pinag-utusan silang tawagin ang mga tao at magpursige kasama nila upang panatilihin ang pananalig at ang paggawa ng mga kabutihan. Ipinangako ng AllahU sa kanila ang Kanyang tulong sa katuparan nito. Sinabi ng AllahU:

 

Sila (na mga Muslim na namumuno), na kung sila ay Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos sa Salah (palagiang pagdarasal nang mahinusay), at pagbabayad ng Zakah (takdang tulong na pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (sa Kaisahan ng Allah at sa Islam at sa lahat ng ipinag-uutos nito) at nagbabawal sa Al-Munkar (paganismo, kawalan ng pananampalataya at lahat ng ipinagbabawal sa Islam). At sa Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng (lahat) ng pangyayari (ng mga nilalang). [Qur'an, 22:41]

 

Katotohanan na walang pagsala na Aming gagawin na matagumpay ang Aming mga Tagapagbalita at ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allah, sa Islam) sa buhay sa mundong ito at sa Araw na ang mga saksi ay magsisitambad (sa Araw ng Muling Pagkabuhay). [Qur’an, 40:51]

 

Ang Allah ay nagtakda:  “Katotohanang Ako at ang Aking mga Tagapagbalita ang mananaig at magtatagumpay.” Katotohanang ang Allah ang Lubos na Makapangyarihan, ang Kataas-taasan. [Qur’an, 58:21]

 

At ang Aming mga tagapaglingkod, katotohanang sila ay magwawagi. [Qur'an, 37:173]

 

 

Ang Katapatan at Lakas ng Loob ay Kapuri-puri

 

Ang sandigan na ang katapatan at kagitingan ay ang tanging kapuri-puri ay sa dahilang ito ang siyang pinuri ng AllahU at ang Kanyang Propetar. Ang AllahU ay ang siyang pumuri sa kagandahan nito at ang pagsalungat nito ay isang kawalan ng karangalan, at ito ay walang iba kundi sa AllahU lamang, hindi sa isang makata o manunulat o sa kung kaninuman. Kaya’t nang ang isang Arabo mula sa tribo ng Bani Tameen ay sinabi sa Propeta: ‘Ang aking pupuri ay pampaganda, at ang aking pagsalungat ay kawalan ng karangalan.’ Sinabi ng Propetar sa kanya: Siya ang AllahU!

 

Ang AllahU ay pinuri ang lakas ng loob at pagtitiis sa Kanyang landas tulad ng sa sahih na iniulat ni Abu Musa Al-Ash'ariy:

 

Sinabi sa Propetar: Ang tao ay maaring makipaglaban bunga ng katapangan at maaring siyang makipaglaban dulot ng katapatan at maaring nakikipaglaban upang makita ng iba, kaya’t sino sa tatlong taong ito ang sa landas ng Allah? Sinabi ng Propeta: Siya na nakipaglaban upang ang salita ng Allah ang pinakamataas ay ang siyang nas landas ng Allah.

 

Sinabi ng AllahU:

 

At inyong labanan sila hanggang sa mapawi ang Fitnah (kawalan ng pananalig, alalaong baga, ang pagsamba sa iba maliban pa sa Allah) at ang pananampalataya (pagsamba) ay maging tangi lamang sa Allah (sa buong santinakpan). Datapuwa’t kung sila ay titigil (sa pagsamba sa iba maliban pa sa Allah), kung gayon, katiyakang ang Allah ang Ganap na Nakakaalam ng kanilang ginagawa. [Qur'an, 8:39]

 

Katotohanan, ito ang layunin ng AllahU nang likahain ang tao, Sinabi Niya sa Qur’an:

 

At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako. [Qur'an, 51:56]

 

Samakatuwid anumang gawain na ang kabuoang adhikain ay para sa dahilan ng paglikha sa lahat ng nilalang ay kalugudlugod sa paningin ng AllahU; at nagbibigay ng pakinabang sa gumagawa nito, at ang AllahU ay pakikinabangan siya dahil dito. Kaya’t ang lahat ng ito ay mga tuwid na gawain (Al-a'maal As-Saalihaat) na tinutukoy sa Qur’an. Sa bagay na ito, ang mga tao ay nahati sa apat na pangkat:

 

1)     Ang mga taong magsumikap at magtrabaho ng dahil sa AllahU lamang ng buong lakas loob at pagtitiyaga. Ito ang mga naniniwalang karapat-dapat sa gantimpala ng paraiso.

 

2)     Ang mga taong magsumikap at magtrabaho ng maliban sa AllahU ng buong lakas loob at pagtitiyaga. Sa buhay na ito nila mapakikinabangan ang kanilang mga pagpupunyagi, at walang katulad nito sa kanila sa kabilang buhay.

 

3)    Ang mga taong magtrabaho sa AllahU, subali’t walang lakas loob at walang pagtitiis. Ito ay may bahagi ng pagkukunwari o pagpapakitang-tao (nifaaq) at kakulanangan ng pananalig (Iman) sa bahagi ng kanilang kahinaang-loob at poot.

 

4)     Ang mga taong hindi magtrabaho sa AllahU, at walang lakas loob at walang pagtitiis. Ang mga ito’y walang bahagi gantimpala sa mundong ito at sa kabilang buhay.

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
2994
تعليقات (0)