Ang Pagbabalik sa Tiyaga at ang mga Uri nito

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Pagbabalik sa Tiyaga at ang mga Uri nito

[PLPHP]

 

 

Katulad ng ating nasabi, ang susi sa tunay na lakas o tibay ay tiyaga at pagtitiis, ito’y isang kinakailang bahagi. Ang tiyaga at pagtitiis ay may dalawang uri: ang pagtitiis o pagtitiyaga kapag galit at ang pagtitiyag o pagtitiis kapag nakakaranas ng suliranin o sakuna.

 

Sinabi ni Al-Hassan (Al-Basry):

 

“Walang alipin ng Allah ang makapagbibigay ng tumpak na pagdurusa o hinanakit (ng katunggali) maliban sa karunungan at pagtitiis sa galit at pagtitiyaga sa harap ng sakuna o suliranin.”

 

Ito ay dahil sa ang pangkaraniwang bahagi sa lahat ng bagay ay pagtitiis o pagtitiyaga sa anumang masakit at pagdurusa. Ang matapang o magiting at makapangyarihan ay ang matiyaga at matiisin sa kabila ng dalamhati at pahirap.

 

Bagay na masakit – kung isang bagay na maaring layuan – magdudulot ng poot at galit. At kung isang bagay na hindi maaaring layuan, ito’y magdudulot ng dalamhati (huzn). Ito ang dahilan kung bakit ang mukha ay mamumula sa galit o poot, sapagka’t ang dugo ay kukulo dulot ng damdaming kapangyarihan at kakayahang makapinsala sa sanhi ng poot at galit, at ang mukha ay mamumuti at walang dugo sa dalamhati.

 

Samakatuwid, ang Propetar ay pinagsama ang dalawang uri ng pagtitiis o pagtitiyaga sa susunod na sahih hadith na tinipon ni Muslim:

 

“Sinabi ng Propeta: ‘Paano mo binibigyang kahulugan ang Ar-Raqoob (kawalan ng anak) mula sa inyo?’ Kanilang sinabi: ‘Ar-Raqoob ay siya na hindi nagkaroon ng anak.’ Sinabi ng Propeta: ‘Hindi iyon Ar-Raqoob, bagama’t ang Ar-Raqoob ay siya na hindi nag-alay alinman sa kanyang mga anak sa landas ng Allah.’ Pagkatapos, ang Propeta ay nagsabi: ‘At sino ang inaakala ninyong malakas o makapangyarihan sa inyo?’ Kanilang sinabi: ‘Siya na hindi magapi ng ibang kalalakihan.’ Sinabi ng Propeta: ‘Hindi ganoon, kundi, ang malakas at makapanyarihan ay siya na pumigil sa kanyang sarili sa galit o poot.”

 

Mula sa hadith na ito, ang Propetar ay binanggit na magkasama ang pagtitiis o pagtitiyaga mula sa suliranin (i.e. pagkamatay ng anak sa jihad), at pagtitiis at pagtitiyag sa galit o poot.

 

Ang AllahU ang nagsabi hinggil sa pangkalahatang suliranin o sakuna:

 

“At magbigay ng magandang balita sa mga matitiyaga o matiisin. Sila na kapag nakakaranas ng pagsubok o dalamhati ay sasabihin: “Katotohanan, Kami’y nagmula sa Allah, at sa Kanya kami babalik.”

 

At ang AllahU ay nagsabi ng hinggil sa poot o galit:

 

Ang mabuting gawa at masamang gawa ay hindi magkatulad. Talikdan (ang masama) sa isang bagay na mabuti (ang Allah ay nag-utos sa mga matimtiman na sumasampalataya na maging matiisin sa panahon ng pagkagalit at pagpaumanhinan sila na nakikitungo sa kanila ng hindi mabuti), at katotohanan na siya, sa pagitan ng sinuman at kayo na mayroong pagkagalit noon, (ay mangyayari) na tila ba siya ay dati nang malapit na kaibigan. [Qur’an, 41:34]

 

Datapuwa’t walang bibigyan nito (ng katangiang nabanggit sa itaas) maliban sa mga matitiyaga, at walang sinuman ang bibigyan nito maliban sa nagmamay-ari ng malaking bahagi (ng kaligayahan sa Kabilang Buhay, alalaong baga, sa Paraiso at sa buhay na ito ng isang mataas na pag-uugali). [Qur’an, 41:35]

 

Ang pagtatanghal sa mga karaniwang bahagi ng pagtitiis o pagtitiyaga sa harap ng suliranin o pagdurusa, at ang pagtitiis o pagtitiyaga sa poot o galit ay katulad ng paglalahad sa pangkaraniwang bahagi ng pagtitiis o pagtitiyaga sa tuwing nakakaranas ng sakuna at pagtitiis o pagtitiyaga sa panahon ng kasaganaan at katiwasayan.

 

Sinabi ng AllahU sa Qur’an:

 

At kung iginawad Namin sa tao na lasapin ang Habag mula sa Amin, at matapos, ay alisin sa kanya ito, katotohanang siya ay nawawalan ng pag-asa at walang utang na loob ng pasasalamat. [Qur’an, 11:09]

 

Datapuwa’t kung Aming hayaan siya na lasapin ang magandang biyaya, pagkaraan ang kasamaan (kahirapan at kapinsalaan) ay dumapo sa kanya, walang pagsala na siya ay magsasabi: “Ang kamalasan at kasahulan ay lumisan sa akin.” Katotohanan, siya ay tandisang galak na galak at nagmamayabang (walang utang na loob ng pasasalamat sa Allah). [Qur’an, 11:10]

 

Maliban sa mga nagpapamalas ng pagtitiyaga at gumagawa ng mga kabutihan, sa kanila, ay mapapasakanila ang kapatawaran at malaking gantimpala (Paraiso). [Qur’an, 11:11]

 

Upang kayo ay hindi mahapis sa mga bagay na nabigo ninyong kamtin, gayundin naman, ay huwag maging mapagmataas sa mga biyayang ipinagkaloob sa inyo. At ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamagaling sa pagyayabang. [Qur’an, 57:23]

 

Sa asal na ito, ang makata, na si Ka’ab ibn Zuhair ay inilarawan ang mga mandarayo mula sa mga Sahabah:

 

“Hindi sila labis na nasisiyahan nang ang kanilang espada ay tumama sa kanilang katunggali, o kaya’y nanghihina ang kalooban o nawawalan ng pag-asa nang sila ang masugatan.”

 

Isa pang makata, si Hassaan ibn Thabit ang nagsabi sa mga Ansar (Katulong):

 

“Walang pagmamalaki sa kanila kapag sila’y nakasugat sa kanilang kalaban, at walang pagkabahala o panghihina sa kanila kung sila ang nasuatan.”

 

Ang ilan sa mga Arabo ay madalas sinasabi tungkol sa Propetar:

 

“Kapag siya’y matagumpay hindi siya mapagmataas, at kapag siya’y natalo hindi siya nagdadalamhati.”

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3001
تعليقات (0)