Kapag Walang Lakas ng Loob at Pagbubukas Palad

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Ugnayan ng Tao ay Hindi Magiging Tuwid

Kapag Walang Lakas ng Loob at Pagbubukas Palad

[PLPHP]

 

 

Sapagka’t ang pagsulong ng ugnayan ng sangkatauhan sa mundong ito at ang susunod ay hindi magiging tumpak maliban sa pagtataglay ng lakas-loob at pagbubukas palad, ipinaliwanag ng AllahU sa atin na sinuman ang tumlikod sa kagitingan – sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa landas ng AllahU – ay papalitan ng iba na gagampanan ng kanyang mga tungkulin. At sinuman ang tumalikod sa pagbabahagi ng kanilang kayamanan sa landas ng AllahU, ay papalitan ng iba na gagampanan ang kanilang tungkulin.

 

Sinabi ng AllahU:

 

O kayong nagsisisampalataya! Ano ang nangyayari sa inyo, na nang kayo ay pagsabihan na pumaroon sa Kapakanan ng Allah  (sa Jihad [ang banal na pakikipaglaban para sa Allah]), kayo ay mahigpit na kumakapit sa kalupaan? Kayo baga ay nalulugod sa buhay na ito kaysa sa Kabilang Buhay? Datapuwa’t kakaunti lamang ang kasiyahan ng buhay sa mundong ito kung ihahalintulad sa Kabilang Buhay. [Qur’an, 9:38]

 

Kung kayo ay hindi paparoon, Siya ay magpaparusa sa inyo ng isang kasakit-sakit na kaparusahan at Kanyang papalitan kayo ng ibang tao, at Siya ay hindi ninyo mabibigyan ng anupamang kapinsalaan, at ang Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay. . [Qur’an, 9:39]

 

Pagmasdan! Kayo ang mga inaanyayahan na gumugol (ng inyong yaman) tungo sa Landas ng Allah, datapuwa’t sa lipon ninyo ay may mga sakim, at kung sinuman ang maging sakim, siya ay gumawa ng kapahamakan ng kanyang kaluluwa. Datapuwa’t ang Allah ay Masagana (na hindi nangangailangan ng anuman) at kayong sangkatauhan ay mahirap (at nangangailangan ng lahat). At kung kayo ay tumalikod (sa Islam at sa pagtalima sa Landas ng Allah), ay Kanyang ipagpapalit kayo sa ibang mga tao, at sila ay hindi ninyo magiging katulad! [Qur’an, 47:38]

 

Ang lakas loob at pagbubukas palad na pinili ng AllahU “ang mga dumating bago sila” (as-Saabiquun):

 

Sinabi ng AllahU:

 

At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi gumugugol para sa Kapakanan ng Allah?  At sa Allah lamang ang pagmamay-ari ng lahat ng mga kayamanan at pamana ng kalangitan at kalupaan.  Hindi magkatulad sa inyo ang mga gumugol nang kusa at nakipaglaban noon sa pagsakop (sa Makkah), at sa kanila (na kasama mo na lumaban [hanggang] sa katapusan). Sila ay higit na mataas sa antas kaysa sa gumugol nang kusa at nakipaglaban sa bandang huli. Datapuwa’t sa lahat, ang Allah ay nangako ng pinakamabuting gantimpala. At ang Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng inyong ginagawa. [Qur’an, 57:10]

 

Sinabi ng AllahU na ang jihad sa sarili at ari-arian sa landas ng AllahU, at ang pagpupuri sa kanila sa mga taludtod sa Kanyang Aklat. Ito ang lakas ng loob at pagtitiis o pagtitiyaga sa katapatan sa AllahU. Sinabi ng AllahU:

 

At nang si Talut (Saul) ay tumulak na kasama ang sandatahan, siya ay nagsabi: “Katotohanang ang Allah ay susubok sa inyo sa (pamamagitan ng) ilog; kung sinuman ang uminom ng kanyang tubig, siya ay hindi sasama sa sandatahan; sila lamang na tumikim nito ang sasama sa akin maliban sa kanya (na uminom nito) sa kulong ng kanyang palad.” Datapuwa’t sila ay uminom dito, lahat sila, maliban sa ilan. At nang kanilang matawid ang ilog, siya at ang mga matimtiman na kasama niya ay nagsabi: “Sa araw na ito ay wala tayong lakas laban kay Goliath at sa kanyang mga kabig.” Datapuwa’t sila na nakakabatid ng may katiyakan na kanilang makakatipan ang kanilang Panginoon ay nagsabi: “Gaano kadalas na ang isang maliit na pangkat ay nagwawagi sa malaking pangkat sa kapahintulutan ng Allah? Ang Allah ay nasa panig ng mga matimtiman sa pagtitiyaga.” [Qur’an, 2:249]

 

O kayong nagsisisampalataya! Kung inyong makatagpo ang puwersa (ng isang kaaway), magkaroon kayo ng matatag na paninindigan laban sa kanila at alalahanin ng higit ang Pangalan ng Allah (kapwa sa dila at isipan), upang kayo ay maging matagumpay. [Qur’an, 8:46]

 

 

Ano ang Lakas-loob?

 

Ang nagtataglay ng lakas-loob ay hindi ang kapangyarihan ng katawan. Ang tao man ay malakas (sa katawan), subali’t mahina sa puso. Ang lakas-loob ay ang kapangyarihan ng puso at katatagan. Ang pangunahing bahagi ng digmaan ay ang lakas ng katawan, galing sa digmaan, at ang tapang at katatagan ng puso ng mga mandirigma.

 

Ang tanging tapang o lakas-loob na kapuri-puri ay tapang o lakas-loob na nababatay sa karunungan at kaalaman, hindi lamang sugod ng sugod, na walang pag-iisip o pagkakaiba sa pagitan ng kapuri-puri at kinasusuklamang mga gawain. Ito ang dahilan na ang malakas at may kakayahan, na inilarawan ng Islam, ay siya na nakapagpipigil sa sarili kapag nagagalit o napopoot tulad ng paggawa lamang sa mga bagay na may pakinabang. Hindi tulad ng isang nagapi ng kanyang galit, hindi siya malakas ang loob o may kakayahan.

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3005
تعليقات (0)