Ang Pagtuligsa sa Pagkamaramot at Kahinaang-loob

PLPHP

 

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Pagtuligsa sa Pagkamaramot at Kahinaang-loob

[PLPHP]

 

 

Sa dahilang ito, ang pagkamaramot at kahinaang-loob ay madalas titutuligsa sa Qur’an at ang Sunnah, at ang lakas-loob at pagtitiis sa landas ng AllahU ay pinupuri – sa landas ng AllahU lalong-lalo na sa bagay na sumasalungat sa mga landas ng maliban sa AllahU. Sinabi ng Propetar:

 

“Ang pinakamasamang bagay na maaring makikita sa isang tao ay sakim na pagnanais na siyang nagbibigay kapangyarihan sa kanyang mga gawain, at ang kahinaang-loob ang siyang magdudulot sa kanya upang tumakbo.”

 

At kanyang sinabi:

 

“Sino ang inyong pinuno! O, mga anak ni Salamah? Kanilang sinabi: “Si Al-Jadd ibn Qais, siya man ay aming tinutuligsa sa kanyang pagkamaramot.” Sinabi ng Propeta: “At anong pagkukulang ang higit na malubha kaysa pagkamaramot?”

 

Sa ibang pagsasalaysay sa nasabing hadith, iniulat na sinabi ng Propetar:

 

“Katotohanan, walang pinunong tao ang maging maramot, subali’t ang pinunong tao sa inyo ay Al-Abyadh Al-Ja'ad Al-Baraa' ibn Ma'rur"

 

Katulad din sa sahih mula sa pagpapahayag ni Jabir:

 

“Maaring mong ibigay sa akin, o maari kang maging maramot (tab khalu 'anniy.)" Sinabi ni Abu Bakr: “Sinabi mo bang maari mong ibigay sa akin, o maaring maging maramot? At anong pagkukulang ang higit na malubha kaysa pagkamaramot?”

 

Si Abu Bakr, tulad ng Propetar ay binibilang ang pagkamaramot na isa sa pinakamasamang sakit o pagkukulang.

 

Mula sa Sahih Muslim, sa pagpapanhintulot ni Sulaiman ibn Rabi’ah:

 

Sinabi ni Umar: “Ang Propeta ay nagsagawa ng paghahati ng ari-arian, at sinabi ko: ‘Sa Allah, ang iba ay higit na karapat-dapat kaysa ibang ito (na nabigyan).’ Sinabi ng Propeta: ‘Binigyan nila ako ng pagpipilian, kung sila ba’y hihiling sa akin sa paraang hindi kanais-nais at kahiya-hiya o kaya’y tawagin akong maramot, at ako’y hindi sakim.”

 

Sinasabi ng Propetar dito: Humiling sila sa akin sa paraang hindi kaayaaya, upang kung aking bibigyan sila, ito’y nakakabuti, nguni’t kung hindi, sasabihin nila na ako’y maramot.” Kaya’t binigyan nila ako ng pagpipilian sa pagitan ng dalawang kasamaan, kaya’t aking iniwasan ang higit na malubhang kasamaan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila.

 

 

Mga Uri ng Kasakiman

 

Ang kasakiman ay ang pangkalahatang pangkat na kinabibilangan ng ilang kaurian – ang ilan ay malubhang mga kasalanan, at ang ilan ay hindi malubhang mga kasalanan.

 

Sinabi ng AllahU:

 

At huwag hayaan ang mga mapag-imbot na nagtatago sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila mula sa Kanyang Kasaganaan (Biyaya) ay mag-akala na ito ay mabuti sa kanila (kaya sila ay hindi nagbabayad ng Zakah [katungkulang kawanggawa]). Hindi, ito ay higit na masama sa kanila; ang mga bagay na kanilang itinatago ng may kasakiman ay itatali sa kanilang leeg na katulad ng (kadenang) kuwelyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At ang Allah ang nag-aangkin ng mga pamana ng kalangitan at kalupaan; at ang Allah ay Ganap na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa. [Qur’an, 3:180]

 

Paglingkuran ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa pagsamba sa Kanya, at magsigawa kayo ng kabutihan sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, sa mahirap na humihingi, sa kapitbahay na malapit sa pagkakamag-anak, sa kapitbahay na hindi malapit sa inyo, ang mga kasamahan na malapit sa inyo, ang mga napapaligaw (na inyong nakadaop) at sa mga angkin ng inyong kanang kamay. Katotohanang ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang at hambog; [Qur’an, 4:36]

 

Sila na mga kuripot at nag-uudyok din sa iba na maging kuripot, at nagtatago ng mga biyaya na sa kanila ay ipinagkaloob ng Allah, at Aming inihanda sa mga walang pananampalataya ang kaaba-abang kaparusahan. [Qur’an, 4:37]

 

At wala ng iba pa ang humahadlang sa kanilang tulong na maging katanggap-tanggap mula sa kanila, maliban sa sila ay hindi sumasampalataya sa Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad); at sila ay hindi pumaparoon sa pagdarasal maliban sa kalagayan ng pagiging tamad; at sila ay hindi nagbibigay ng kanilang tulong maliban na may pagtutol sa kalooban. [Qur’an, 9:54]

 

At nang sila ay gawaran Niya ng Kanyang Kasaganaan, sila ay naging lubhang maramot  (tumanggi na magbigay ng Sadaqah [katungkulan at kusang loob na kawanggawa]), at tumalikod na tumututol. [Qur’an, 9:76]

 

Kaya’t Kanyang pinarusahan sila sa pamamagitan nang paglalagay ng pagkukunwari sa kanilang puso hanggang sa Araw na Siya ay kanilang kakaharapin, sapagka’t sinira nila ang gayong (kasunduan sa Allah) na kanilang ipinangako sa Kanya, at sapagkat sila ay nahirati sa pagsasabi ng kabulaanan. [Qur’an, 9:77]

 

Pagmasdan! Kayo ang mga inaanyayahan na gumugol (ng inyong yaman) tungo sa Landas ng Allah, datapuwa’t sa lipon ninyo ay may mga sakim, at kung sinuman ang maging sakim, siya ay gumawa ng kapahamakan ng kanyang kaluluwa. Datapuwa’t ang Allah ay Masagana (na hindi nangangailangan ng anuman) at kayong sangkatauhan ay mahirap (at nangangailangan ng lahat). At kung kayo ay tumalikod (sa Islam at sa pagtalima sa Landas ng Allah), ay Kanyang ipagpapalit kayo sa ibang mga tao, at sila ay hindi ninyo magiging katulad! [Qur’an, 47:48]

 

Mula sa Qur’an Surah Al-Ma’un:

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

1.        Napagmamasdan mo ba siya na nagtatatwa sa Paghuhukom (na daratal)?

 

2.       Kung gayon, siya nga ang (may kagaspangan sa pag-uugali) na tumatangging magbigay ng tulong sa ulila ,

 

3.       At hindi natitigatig na magbigay ng biyaya upang pakainin ang naghihikahos,

 

4.       Kaya’t kasawian (sa mga mapagkunwari) na nagsasagawa ng pagdalangin,

 

5.       Na nagpapabaya ng kanilang pagdalangin sa takdang oras,

 

6.       Na nagsasagawa lamang ng kabutihan upang mamalas (ng mga tao),

 

7.       Datapuwa’t tumatangging magbigay ng kahit na katiting na tulong (alalaong baga, kahit na isang dakot na asin, asukal, isang baso ng tubig, atbp.).

 

Sinabi ng AllahU sa Surah at-Taubah:

 

O kayong nagsisisampalataya! Katotohanang marami sa mga (Hudyong) rabbi (maalam sa relihiyon) at mga (Kristiyanong) monako (pari) ang nagpapasasa sa kayamanan ng sangkatauhan (sa pamamagitan ng) kabulaanan, at humadlang (sa kanila) tungo sa Landas ng Allah (alalaong baga, sa Islam at sa Kaisahan ng Allah). At mayroon sa kanila na nagtitinggal ng ginto at pilak (Al- Kanz, ang pera na hindi ipinagbayad ng Zakah [katungkulang kawanggawa]), at hindi gumugugol nito tungo sa Landas ng Allah, - ipagbadya sa kanila ang kasakit-sakit na kaparusahan. [Qur’an, 9:34]

 

Sa Araw na ang Al-Kanz (salapi, ginto at pilak, atbp. na ang Zakah [katungkulang kawanggawa] rito ay hindi ipinagbayad), ay paiinitin sa Apoy ng Impiyerno at ito ay itatatak sa kanilang noo, sa kanilang tagiliran, at sa kanilang likod (at ipagbabadya sa kanila): “Ito ang kayamanan na inyong itinago sa inyong sarili. Ngayon, inyong lasapin ang inyong inimpok.” [Qur'an, 9:35]

 

Maraming taludtod sa Qur’an na nag-uutos na magbigay sa kawanggawa, at tinutuligsa kung sinuman ang nakakalimot nito, ang lahat ng mga ito ay ang pagtuligsa sa pagiging sakim.

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3007
تعليقات (0)