Ang Katumpakan sa Paniniwala

PLPHP

 

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Katumpakan sa Paniniwala

[PLPHP]

 

 

Hindi maaring magkaroon ng pagtitiis kung walang pinagmumulan ng lakas sa panloob na kapayapaan, isang bagay kung saan niya maaring makamit ang ligaya at siyang magbibigay ng ikabubuhay sa kanya: Ang Katumpakan ng Paniniwala.

 

Sinabi ng Propetar:

 

“Humingi ng kapatawaran sa Allah at sigla, katotohanan, pagkatapos ng katumpakan ng paniniwala, wala ng ibang nabigyan ng higit na mabuti maliban sa pinagkalooban ng sigla o magandahang kalagayan.”

 

Sa ganito ring pangyayari, nang kanyang pinag-utusan ang iba upang gumawa ng kabutihan, o pinangangalagaan ang kanilang kasunduan para sa katotohanan, o pagbawalan ang iba sa paggawa ng kasamaan, kinakailangan niyang maging mabuti sa iba na ninanais niyang makasama sa gawaing ito ng may kabutihang-loob na nagdudulot ng tagumpay sa kanyang layunin: ang pagputol sa mga bagay na kanyang kinapopootan, at ang makamit ang bagay na kanyang kinagigiliwan. Ang tao ay hindi matatanggap ang isang mapait na bagay hangga’t walang kasamang kabutihan o matamis. Sa dahilang ito, ang AllahU ay itinatag ang pasanayan ng ta’leef ul-quluub, at maging sa ibang mga puso ay nanghihinayang sa bahaging ibinibigay sa Zakat.

 

Sinabi ng AllahU sa Kanyang Propetar:

 

Magpakita kayo ng pagpapatawad, magtagubilin kung ano ang mabuti at lumayo kayo sa mga luko-luko (alalaong baga, huwag ninyo silang parusahan). [Qur’an, 7:199]

 

Kung magkagayon, siya ay isa sa mapapabilang  sa mga sumasampalataya at nagtatagubilin sa isa’t  isa sa pagiging matimtiman at matiyaga, at (gayundin) ay nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging maawain at  bukas ang puso. [Qur’an, 90:17]

 

Nararapat sa isang nagpapatupad ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan ang maging matiyaga at mahabagin, at ito ang tunay na lakas-loob at tunay na kabutihang-loob.

 

Bunga nito, binanggit ng AllahU ng magkasama ang Salah at Zakat ng maraming ulit sa Qur’an, ang Zakat ay kabutihang-loob sa mga nilikha ng Allah, at binanggit ang salah at tiyaga sa ibang pagkakataon. Ang lahat ng tatlong ito ay mahalaga: salah, zakat, at tiyaga. Ang pakikipag-ugnayan ng mga tao ay hindi maaring maging matuwid maliban lamang sa tatlong ito hinggil sa pagbabago sa sarili at sa iba, lalong-lalo na kung ang mga pagsubok at hidwaan ay laganap, ang pangangailanangan sa tatlong mga katangiang ito ay marapat.

 

Ang pangangailangan ng pagtitiyaga at pagbibigay ay bagay na minimithi ng lahat ng sankatauhan; ang kanilang kaugnayan ay kailan man ay hindi magiging tuwid maliban lamang sa pagtataglay ng mga katangiang ito. Dito, ang lahat ng lipunan at mga kabihasnan ay pinupuri ang lakas-loob o kagitingan o katapangan at pagbubukas-palad hanggang sa dumating ang panahon na ang karamihan sa mga tulang nilikha upang purihin ang isang tao ay napapaloob sa mga katangiang ito. Sa ganito ring kaparaanan na ang lahat ng lipunan at kabihasnan ay kinapopootan ang kasalungat na katangian: ang kasakiman at kahinaan o kawalang-lakas-loob.

 

Anumang usapan na sinasang-ayunan ng mga paham sa buong sangkatauhan ay walang iba kundi katotohanan, katulad nito ay ang pagsang-ayun nila sa pagpupuri sa katotohanan at hustisya, at ang pagkapoot o pagtanggi sa kasinungalingan at pang-aapi. Ang Propetar ay minsan tinanong ng ilang Bedouin (mga tao sa desyerto na palipat-lipat ng tirahan) hanggang sa nasukol siya at nahuli sa isang puno na sinabitan ng kanyang balabal. Humarap siya sa kanila at kanyang sinabi:

 

“Sa kanya na may hawak sa aking kaluluwa, kung ako’y nagmamay-ari ng mga kamelyo katulad ng bilang mga tinik na ito, aking hahatiin sila sa bilang ninyo at ipamimigay ko sa inyo, at inyong mapapag-alaman na hindi ako sakim, o kaya’y mahinang-loob, o kaya’y sinungaling.”

 

Ang paghuhukom sa mg katangiang ito ay binubuo ng ilang anyo ayun sa tukoy na pangyayari at mga bagay-bagay hinggil dito at ang mga gawain ay hinuhusgaan batay sa layunin nito, at sa bawa’t tao ay makakamit kung anuman ang kanyang layunin.

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3008
تعليقات (0)