Ang mga Uri ng Tao

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang mga Uri ng Tao

[PLPHP]

 

 

Ang tao, tungkol sa bagay na ito ay maaring mahahati sa dalawang pangat:

 

Ang isang pangkat ay hindi nagigising maliban sa hawaa ng kanilang mga sarili. Sila ay hindi nasisiyahan maliban lamang sa mga bagay na naipagkaloob sa kanila, at hindi magagalit maliban lamang sa mga bagay na kanilang napagbawalan. Kung ang taong ito ay napagkalooban ng lahat ng bagay na kanyang ninanais mula sa halal at ang haram, ang kanyang poot ay maglaho, at siya’y masisiyahan. Nang siya ay napagkalooban sa kanyang mga ninanais, ang mga bagay na tinag-urian niyang masama, na katunayan ay kanyang ipinagbawal sa iba at paparusahan sila sa pagpapakalayaw sa mga ito, magagalit sa kanila, ay lantarang sasalungatin sila at kapag nakamit niya ang mga bagay na ito, magiging tagapagpalayaw sa kanila, at isang kasapi at katulong sa mga gumagamit nito, at isang matinding kaaway ng mga taong nag-uutos sa mga tao upang lumayo sa mga bagay na ito, at imulat sa kanila ang kanilang kasamaan. Ito ay laganap sa lahat ng mga anak ni Adam. Nakikita nating lahat at naririnig ang mga halimbawa nito na ang bilang ay walang nakakaalam maliban sa AllahU lamang. Ito ay sanhi na ang taong ito, tulad ng sinabi ng AllahU, mula noon ay ibinigay sa kriminalidad (dhaloom), at mula noon ay nabigyan ng kamangmangan at kawalan ng kaalaman (jahool). Datapwa’t, marami ang hindi nagpapatupad ng hustisya; kundi, maari silang maging mga mang-aapi sa dalawang bansa. Halimbawa, maaring may pangkat ng tao na tutuligsahin ang pang-aapi ng pinuno at ang kanyang paglabag sa mga karapatan ng mga mamamayan, kaya’t ang mga pinuno ay pinapasaya sila sa pamamagitan ng posisyon o pera. Pagkatapos, sila’y naging ang pinakamalaking katulong at tagasuporta nitong mapang-aping pamahalaan o pinuno. Nakakabuti sana sa kanila ang nanatiling tahimik, at umiwas mula sa pag-uutos ng tama at ang pagbabawal ng mali.

 

Sa ganito ring paraan, matutunghayan natin na ang mga taong ito ay malupit sa mga taong umiinom ng alak o anumang uri ng inumin na nakakalasing, makiapid at makinig ng musika hanggang sa magawa nilang maging bahagi siya sa kanilang mga kasalanan, o mapasaya siya sa mga kasiyahang kanilang kinagigiliwan. Sa panahong iyon, makikita mo silang maging pinakamalaking tumutulong sa mga gawaing kanilang malupit na sinasalungat sa nakaraan. Ang mga taong ito, kapag nagpapatupad ng nag-uutos ng tama at nagbabawal ng masama ay maaring bumalik sa estado bago nila simulan, o maaring hindi masyadong masama, o kapantay nito.

 

Ang iba ay tinahak ang landas ng tamang paninindigan ng pagiging banal at mabuti. Sila ay sa ganoong katapatan sa AllahU, at sa kanilang gawaing mga pagbabago, at tagapagdala ng kabutihan. Dito sila ay napagkalooban ng tagumpay katulad ng pagiging matiisin at matatag sa harap ng pang-aapi. Sila ang mga ‘naniniwala at gumagawa ng kabutihan,’ at sila ang ‘pinakamahusay na lipunan na ipinadala sa mga tao: sila ay nag-uutos ng kabutihan at nagbabawala ng masama, at sila’y naniniwala sa AllahU.”

 

Ang pangatlong pangkat, pinagsama ang mga katangian ng unang pangkat at ng panagalawa, at ito ang bumubuo sa karamihan ng mga naniniwala. Sinuman ang pinagsasama ang pagiging maka-diyos at pagnanais ng makamundong bagay, at mula sa kanyang puso ay ang pagnanais na maging masunurin sa AllahU at ang pagnanais na suwayin ang AllahU upang sumunod sa kanyang hinahangad. Minsan ang una ay nangingibabaw at minsan ang pangalawa.

 

Itong tatlong bahagi ay katulad paghahati ng kaluluwa ng tao ng tatlong bahagi, tulad ng ipinahayag sa Qur’an:

 

Ammaara (ang palaging ipinag-uutos, i.e. kasamaan), Lawwaama (ang palaging tumutuligsa at pananagutan, i.e. pagkatapos gumawa ng kasamaan, ang kaluluwang ito ay tutuligsain ang sarili at magsisi), at ang Mut'ma'innah (mapayapa, i.e. ang kaluluwang sumusunod sa AllahU ng walang pagtanggi sa kanyang niloloob). Samakatuwid, ang unang pangkat ay ang nag-aangkin ng kaluluwang ‘Ammaara’, i.e. na laging nag-uutos sa kanila upang gumawa ng kasamaan, at ang pangalawang pangkat ay ang nag-aangkin ng kaluluwang ‘Mut'ma'innah’, na sa huling Araw (Qiyama) ay sasabihin ng AllahU:

 

(At sa mabubuting kaluluwa ay ipagbabadya): “O (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan! [Qur'an, 89:27]

 

Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod! [Qur'an, 89:28]

 

Halika, pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin, [Qur'an, 89:29]

 

Katotohanan, pumasok ka sa Aking Langit (Paraiso)!” [Qur'an, 89:30]

 

Ang pangatlo at pinakamalaking pangkat ay ang mga kaluluwang nag-aangkin ng Lawwaamah, na nakakagawa ng pagkakasala subali’t sinisisi ang kanyang sarili sa mga ito. Nagpapalit ng kulay, minsan ganito, at minsan ganoon. “Napaghahalo niya ang mabuting gawain sa ibang masama”. Inaasahan na ang AllahU ay patatawarin ang mga taong ito subali’t kinakailangan nilang tanggapin ang kanilang mga kasalanan at magsisi, tulad ng sinabi ng AllahU:

 

At may mga iba na tumatanggap ng kanilang mga kasalanan (umaamin sa kanilang pagkakamali), na kanilang pinaghahalo ang mga matutuwid na gawa sa ibang gawa na masasama. Marahil, ang Allah ay babaling sa kanila sa pagpapatawad. Katiyakang ang Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain. [Qur'an, 9:102]

 

Ito ang dahilan na sa panahon ng Khalifah ni Abu Bakr at Umar -  at sila ang dalawang ipinag-utos ng AllahU sa mga Muslim upang tularan at sundin, tulad ng sinabi ng Propetar:

 

Sundan ang halimbawa ng dalawang dumating pagkatapos ko: Abu Bakr at Umar. [At-Tirmidhi, Ibn Majah, and Ahmad]

 

Sapagka’t ang mga Muslim ay malapit pa rin sa panahon ng rebelasyon, at matatag ang paniniwala at matuwid, at ang kanilang mga pinuno ay mahusay na tinutupad ang kanilang mga tungkulin, at higit pang marami at mapayapa at malaya mula sa panloob na mga pagsasalungat – ang mga kaguluhan at madugong digmaan at suliranin na sumunod ay hindi naranasan sa panahon ng dalawang Khalifah. Sapagka’t sila ay katulad ng mga tao sa pangalawang uri: Ang mga taong ang sarili ay mapayapa at malaya mula sa panloob na mga pagsasalungat hinggil sa Islam.

 

At sa huling bahagi ng panahon ni Khalifah Uthman, at sa panahon ni Khalifah Ali, ang mga taong sa pangatlong uri ay dumarami. Sapagka’t, lumitaw sa mga Muslim ang mga pagnanais at mga layaw kasama ang pagkakaroon ng paniniwala at mga gawain ng Islam. Ito ang naging kalagayan ng ilan sa mga tagapamahala, at ang ilan sa mga mamamayan. At ang suliranin ay lumalala, ang matinding fitnah (suliranin) ay dumating at lumipas na ang dahilan ay tulad ng ating inilarawan noong una. Kapwa ang magkabilang pangat ay hindi nagawang masusing pag-aralan ang inuutos ng kabanalan at katapatan sa AllahU. Ang magkabilang pangkat ay nahahalo ang kanilang pang-unawa sa pagkamatuwid at katapatan ng ilang bahagi ng hawaa at pagsuway. Ang bawa’t isa, sa kanilang sariling pang-unawa, na pinaniniwalaan na ang kanilang pag-uutos ng tama at ang pagbabawal ng mali, at sa sila ay nasa panig ng katotohanan at hustisya. Ang pagkaintinding ito ay naglalaman ng bahagi ng hawaa ng pag-aalinlanangan, at ang pagsunod sa pagnanais ng sarili, maging ang isa sa magkabilang panig as higit na malapit sa katotohanan kaysa ang iba.

 

Sa dahilang ito, nasa mga naniniwalang ito ang manatiling patuloy na nananalangin sa AllahU upang tulungan sila, at upang lubusang umasa sa AllahU upang punuin ang kanyang puso ng paniniwala at kabutihan, at huwag hayaang madumihan ito, at upang itatag ito ng matibay na patnubay, at upang pangalagaan siya mula sa pagsunod sa kanyang hawaa, tulad ng sinabi ng AllahU:

 

Ngayon, sa ganitong dahilan (sa Relihiyon ng Islam at sa Qur’an), ikaw (O Muhammad) ay matimtimang manawagan sa kanila sa paraang ikaw ay pinag-utusan at huwag mong tularan ang kanilang maimbot na pagnanasa, at ikaw ay magbadya: “Ako ay nananalig sa anumang Aklat na ipinarating ng Allah (ang Qur’an na ito, at ang mga Aklat ng Torah noon pang una, at ng Ebanghelyo o ang mga Kalatas ni Abraham), at ako ay pinag-utusan na maging makatarungan sa inyo. Ang Allah ang ating Panginoon at inyong Panginon. Sa amin (ang pananagutan) ng aming mga gawa at sa inyo ang inyong mga gawa. Walang pagtatalo sa pagitan natin. Ang Allah ang magtitipon sa atin at sa Kanya ang ating Huling Pagbabalik. [Qur'an, 42:15]

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3083
تعليقات (0)