Ang Kasakiman ay ang Sanhi ng Paglihis sa Tuwid na Landas

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Kasakiman ay ang Sanhi ng Paglihis sa Tuwid na Landas

[PLPHP]

 

Ang puno’t dulo ng lahat ng suliraning ito ay sakim na pagnanasa (Shuhh). Ipinaliwanag ito ng Propetar sa susunod na sahih hadith:

 

“Mag-ingat sa Shuhh (sakim na pagnanasa), sapagka’t tunay na ito ang sumira sa mga nanga-una sa inyo. Pinag-utusan silang maging maramot at sila’y naging maramot, pinag-utusan silang mang-api at sila’y nang-api, at pinag-utusan silang putulin ang kanilang ugnayan sa kanilang kaanak at kanilang pinutol ang kanilang ugnayan sa kanilang kaanak.”

 

Bunga nito, pinuri ng AllahU ang mga Ansar (ang mga Muslim sa Madinah na tumanggap sa mga dumayo mula sa Makkah, at tumulong sa kanila) sa pagkakaiba ng katangian, at sinasabing:

 

Datapuwa’t sila, na bago pa sa kanila, ay mayroong tirahan (sa Al-Madinah) at nagsiyakap sa Pananampalataya, at nagpapakita ng pagkagiliw sa sinumang pumaparoon sa kanila upang manuluyan, at  sila ay walang paninibugho sa kanilang puso sa anumang ibinigay sa kanila (na mula sa Labi ng Digmaan ng Bani An-Nadir), bagkus ay kanilang inaasikaso sila ng higit pa sa kanilang sarili bagama’t sila ay nagdaranas din ng paghihikahos. At kung sinuman ang ligtas sa kanyang sariling kasakiman, sila nga ang tunay na magkakamit ng kasaganaan at tagumpay. [Qur'an, 59:9]

 

Si Abdur-Rahman ibn 'Auf – isang kasamahan ng Propetar – narinig namin siyang nagssabi habang ginagawa niya ang Tawaaf sa palibot ng Ka’aba:

 

“O Panginoon, panangalagaan mo ako sa shuh ng aking sarili. O Panginoon, panangalagaan mo ako mula sa shuhh ng aking sarili.”

 

Nang aming tanungin siya hinggil sa kanyang du’a, sinabi niya:

 

“Kung ako ay pangalagaan mula sa shuhh ng aking sarili, ako ay mapangalagaan mula sa kasakiman, pang-aapi, at ang pagputol sa ugnayan sa aking kaanak.”

 

Ang ‘Shuhh’ ay ang sakim na pangnanasa ng sarili, nagiging sanhi ng pagkamaramot sa pamamagitan ng pagtatago o pagkubli sa mga bagay na naangking kinagigiliwan, at nagdudulot ng kaapihan sa pamamagitan ng pag-angkin sa ari-arian ng iba, at ang pagputol sa ugnayan sa mga kamag-anak, at nagdudulot ng pangingimbilo – ang pagkapoot sa iba sa pagkakaroon ng mga bagay na wala sa kanya at ang pagnanais masira ang mga ito. Ang pangingimbulo ay nagpapahiwatig ng pagkamaramot at pang-aapi, sapagka’t ang pangingimbilo ay pagkamaramot sa napagkalooban at pang-aapi sa pagnanais na mawala o masira ang mga biyayang naipagkaloob sa iba.

 

Ito ang kalagayan ng mga taong nagnanais ng kabutihan, subali’t paano ang mga bagay na ipinagbabawal tulad ng pakiki-apid, pag-inom ng alak, atp? Kapag ang isang tao ay may angkin o kaya’y gumagawa ng mga bagay na ito, dalawang uri ng poot ang uusbong:

 

1)     Ang pagkapoot nito sapagka’t ang iba ay nag-aangkin nito na wala sa kanya (i.e. ilang anyo ng pangingimbulo sa mga bagay na mabuti).

 

2)     Ang pagkapoot ng dahil sa AllahU, at dahil sa mga paglabag na bunga nito sa mga karapatan ng AllahU sa kanyang mga alipin.

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3180
تعليقات (0)