Ang Parusa sa mga Naunang Henerasyon sa kanilang Pagsuway sa Allah

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Ang Parusa sa mga Naunang Henerasyon sa kanilang Pagsuway sa Allah

[PLPHP]

 

 

Ipinagbigay-alam ng Allah, ang Kataas-taasan, sa atin ang kanyang parusa sa mga naunang lipunan sa kanilang kasamaan katulad ng mga tao ni Nuh, at Aad, Thamunu, ang mga tao ni Lut, ang mga tao sa lungsod ng Madyan, at ang mga tao ni Fir’aun (Pharoah) sa mundong ito, at Kanyang sinabi sa atin ang mga parusang naghihintay sa kabilang-buhay. Katunayan, ang mga naniniwala na nagkukubli sa kanilang paniniwala mula sa mga tao ni Fir’aun ay nagsabi. Sinabi ng Allah, ang Kataas-taasan, sa Qur’an:

 

At nangusap ang tao na sumasampalataya: “O aking pamayanan! Katotohanang ako ay nangangamba para sa inyo sa isang bagay na katulad ng araw (ng kapahamakan) ng mga magkakapangkat (ng panahong nauna)! [Qur'an, 40:30]

 

Na katulad nang kinasapitan ng mga angkan ni Noe, ni A’ad, at ni Thamud, at sa mga sumunod sa kanila. Datapuwa’t ang Allah ay hindi kailanman naghahangad ng kawalang katarungan sa Kanyang mga lingkod. [Qur'an, 40:31]

 

“At, O aking pamayanan! Pinangangambahan ko sa inyo ang Araw na magkakaroon nang sabay na pagtatawagan (sa pagitan ng mga tao ng Impiyerno at Paraiso), [Qur'an, 40:32]

 

Sa Araw na kayo ay tatalikod at tatalilis. Walang sinumang tagapagtanggol ang maaasahan ninyo mula sa Allah. Sinumang naisin ng Allah na mapaligaw, walang sinuman ang sa kanya ay makakapamatnubay. [Qur'an, 40:33]

 

At ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi sa o ibang ayat hinggil sa parusa mundong ito:

 

At ito ang kaparusahan (sa buhay na ito), datapuwa’t katotohanang higit na matindi ang  kaparusahan sa Kabilang  Buhay, kung kanila lamang nababatid. [Qur'an, 68:33]

 

At sa lipon ng mga bedouin (mga taong naninirahan sa disyerto) na nakapalibot sa inyo, ang ilan ay mga mapagkunwari, at gayundin ang ilan sa mga tao ng Al-Madina, sila ay nagmamalabis at nagpapatuloy sa kanilang pagkukunwari, ikaw (O Muhammad) ay hindi nakakaalam sa kanila, (ngunit) sila ay Aming talastas. Amin (Allah) silang parurusahan ng dalawang ulit, at pagkatapos, sila ay itatambad sa malaki (at kasindak-sindak) na kaparusahan. [Qur’an, 9:109]

 

At katotohanang hahayaan Namin na lasapin nila ang magaan na pagpaparusa (ang kaparusahan sa mundong ito tulad ng mga kalamidad, kapinsalaan, atbp.) bago Namin ibigay ang kasaki-sakit na kaparusahan (sa Kabilang Buhay) upang sila ay (magtika) at magbalik loob (at tumanggap sa Islam). [Qur'an, 32:21]

 

Kung gayon, kayo ay maghintay sa Araw na ang alapaap ay maglalabas ng usok na (inyong) mamamasdan. [Qur'an 44:10]

 

Na lalambong sa mga tao. Ito ay isang Kasakit-sakit na Kaparusahan. [Qur'an, 44:11]

 

(At sila ay magsasabi): “O aming Panginoon! Pawiin Ninyo sa amin ang Kaparusahang ito, katiyakang kami ay tunay na sasampalataya!” [Qur'an, 44:12]

 

Paano silang magkakaroon ng paala-ala (sa sandaling ang Kaparusahan ay sumapit sa kanila), gayong ang isang Tagapagpaala-ala ay dumatal na sa kanila na nagpapaliwanag sa mga bagay nang malinaw. [Qur'an, 44:13]

 

Datapuwa’t sila ay tumalikod sa kanya (Muhammad) at nagsabi: “Isang tinuruan lamang (ng ibang tao), isang tao na may sira ang pag-iisip!” [Qur'an, 44:14]

 

Katotohanang pansamantala Naming papawiin ang Kaparusahan sa ngayon. Katotohanang kayo ay magbabalik loob! [Qur'an, 44:15]

 

Sa Araw na kayo ay Aming susukulin ng matinding Sakmal. Katotohanang Aming igagawad ang kabayaran! [Qur'an, 44:16]

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

 

1
3200
تعليقات (0)