Ang Pag-uutos at ang Pagbabawal

PLPHP

 

 

 

 

Sa Ngalan ng AllahU, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Pag-uutos at ang Pagbabawal   

[PLPHP]

 

 

Gawing Mahusay ang Iyong Pag-uutos ng Kabutihan

 

Ang kabaitan at habag ay ang tamang paraan ng pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan.

 

‘Gawing mahusay ang iyong pag-uutos ng kabutihan, at huwag gawing marahas ang iyong pagbabawal ng kasamaan.’

 

 

Ang mga Kapakinabangan ay dapat hihigitan ang Masamang maaring Bunga nito

 

Ang pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan ay isa sa pinakadakilang tungkulin o kahanga-hangang gawain sa Islam, mahalagang ang kapakinabangan ay dapat hihigitan ang masamang bunga nito. Ito ang pangkalahatang mensahe ng mga propeta at ang mga kapahayagang aklat, at ang AllahU ay hindi ninanais ang kaguluhan at kabuktutan. Ang lahat ng ipinag-uutos ng AllahU ay kapakipakinabang, at ang diwa ng kapakinabangan. Pinuri ng AllahU ang ‘salah’ (ang kabaligtaran ng kabuktutan) at ang ‘musliheen’ (tagapagpabuti, o yaong nagpapatupad ng salah). At Kanyang pinuri ang mga naniniwala at gumagawa ng kabutihan (saalihaat), habang tinutuligsa ang kabuktutan (fasaad) at ang mga nagdudulot sa mga ito na nabanggit sa maraming ulit sa Qur’an. Samakatuwid anuman ang masasamang dulot (mafsada) sa alin mang gawaing pag-uutos at pagbabawal ay higit sa kapakinabangan nito (maslaha), ito’y hindi na bahagi ng ipinag-uutos ng AllahU sa atin maging ito man ay tulad ng pagkaligta sa mga tungkulin o paggawa ng ipinagbabawal. Sapagka’t ang mga ito ay nasa isang naniniwala na matakot sa AllahU kaugnay sa Kanyang mga alipin, at kanilang pagkagabay ay hindi niya tungkulin. Ito ay bahagi ng sinabi ng AllahU sa Qur’an:

 

O kayong naniniwala, tungkulin ninyo ang inyong sarili, ang mga lumihis sa tuwid na landas ay hindi kayo masasaktan o mapipinsala habang kayo ay nananatili sa patnubay.’

 

Ang ‘pananatili sa patnubay’ ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng pagtupad at pagtangkilik sa lahat ng mga tungkulin. Kaya’t kapag ang isang Muslim ay ginampanan ang isang kautusan sa kanya sa pamamagitan ng pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan, tulad ng kanyang pagtupad sa lahat ng ibang tungkulin, ang paglihis ng ilang tao sa tuwid na landas ay hindi nakapagdudulot ng anumang pinsala sa kanya.

 

 

Ang Pamamaraan ng Pag-uutos ng Kabutihan at Pagbabawal ng Kasamaan

 

Ang pag-uutos ng kabutihan at ang pagbabawal ng kasamaan ay naisasakatuparan minsan kasama ng puso, minsan kasama ang dila (pananalita), at minsan kasama ang kamay (pisikal na puwersa). Sa pagpapatupad kasama ang puso, ipinag-uutos ito sa bawa’t isa sa lahat ng panahon at kalagayan sapagkat ang pagpapatupad nito ay walang maidudulot na paghihirap. Sinuman ang hindi nakapagpatupad nito ay isang kawalan ng paniniwala.

 

Sinabi ng Propetar:

 

Sinuman ang makakita ng ginagawang kasamaan, dapat niyang ituwid ito sa pamamagitan ng kanyang kamay, kapag hindi niya ito magagawa, sa pamamagitan ng kayang dila (pananalita), at kapag hindi niya ito magagawa, sa pamamagitan ng kanyang puso – at ito ang pinakamahinang paniniwala. [Nakapagkasunduan]

 

At sa ibang pag-uulat:

 

……….. pagkatapos nito ay walang kahit na kasing bigat ng isang butil ng mustasa ng paniniwala.

 

Minsan si Ibn Masood ay tinananong:

 

‘Sino ang mga nabubuhay na patay?’ Ang sagot niya: ‘Siya na hindi tumatanggap sa katotohanan, at hindi kinapopootan nag kasamaan.’

 

Tinutukoy niya dito ang taong patuloy na hindi tinatanggihan ang kasamaan kapag dumarating bilang pagsubok. Sinabi ng Propetar:

 

‘Ang mga pagsubok ay naipapadama sa mga puso tulad ng banig na yari sa dayami. Anuman ang tatanggapin ng puso mula sa mga ito ay magkakaroon ng itim na mantsa mula dito, at anumang puso ang tumanggi sa mga nito ay magkakaroon ng puting marka mula dito. Ito ay magpapatuloy hanggang sa ang dalawang puso ng magkaibang mga uri: isang puso na puti, malambot, at malinaw tulad ng makinis na bato na hindi maaring mapinsala sa pamamagitan ng karagdagang pagsubok habang ang kalangitan at kalupaan ay nananatili. At ang isa ay maitim at madumi – ito ay tulad ng isang nabaligtad na kalawit na walang maaring maibitin – hindi niya tinatanggap ang katotohanan o kabutihan at hindi rin niya tinatanggihan ang mali o kasamaan, maliban lamang sa mga bagay na nagkataong nauugnay sa kanyang kinagigiliwan at minimithi kung saan ang kanyang puso ay labusang natangay.’ [Napagkasunduan]

 

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”

1
3227
تعليقات (0)