Sino Ang Dapat Nating Sambahin?

--

Ang pagpapasakop ng tao sa kanyang taga paglikha ay siyang pinakabuod ng Islam. Ang pangalang “Islam” ay pinili ng Diyos (Allah) at hindi ng taao. Katulad ito ng pinag-isang mensahe na naipaha-yag sa lahat ng Propeta at sugo ng Allah na ipinalaganap sa kanikanilang pamaya-nan. Sa kanyang pinakahuling anyo, ito ay naipahayag kay Propeta Muhammad (e ) bilang isang ganap na mensahe sa buong sangkatauhan. Ang panginoong Allah ay Siyang tunay at nag-iisang Taga-paglikha na karapat-dapat sambahin. Walang halaga ang pagsamba sa isang bato, rebulto, isang krus, isang trayang-gulo, khomini, Frakhan, Eliajah, Malcolm x o y, Gandi Krishna, Guro, Buddha, Mahatma, Emperador, Joseph, smith, araw, buwan, liwanag, apoy, mga ilog, mga baka, rama, mga templo, mga Propeta, mga Sugo. Oo! Ang mga Muslim ay hindi nila sinasamba ang Propeta Muhammad (e ), mga santo, mga pari, mga monghe, mga artista, mga sheikh, at ibapa, ang lahat ay nilikha lamang at mga bagay.

Allah ang pangalan ng nag-iisa at tunay na Diyos. Ang Kanyang pangalan ay hindi pinili ng tao at walang bilang at kasarian. Napag-alaman na Allah ang pangalan ng Diyos sa Aramaik, ang wika o pananalitang ginamit ng mahal nating Propeta Hesus, at kapatid na wika ng Arabik.

Ang pangalang Allah ay ginamit ng lahat ng mga naunang Propeta simula kay Adan at ang kahuli-hulihang Propeta ang propetang Muhammad (e ).

Ang likas na katangian sa tao ay siyang kumikilala kung ano ang mabuti at masa-ma, kung ano ang tama at mali. Kinikilala niya na ang mga katangian ng Allah ay kinakailangang maging totoo, bukod tangi, at perfekto sa lahat. Hindi siya makaramdam ng kaginhawaan sa anu-mang uri ng kaimbihan sa kanyang mga katangian o dilikaya magpalubay sa anumang pag-uugnay ng mga makataong katangian sa Tagapaglikha. Marami sa mga naging “walang kasiyahan sa Diyos” ang gumawa nito dahil sa mga kaugalian ng simbahan noong kalagitnaang taon ng Europa at dahil sa pag-aangkin na “ang Diyos ay nananahan sa isang anak” at ang konsepto sa “minanang kasalanan”.

Gayunman, sila ay “kumawala” upang sumamba sa bagong teoriya na tinatawag na “inang kalikasan” at ganoon din sa “materiyal” na daigdig. Sa pagsulong ng makalupang teknolohiya na naiiba mula sa iba’t ibang relihiyon, kanilang inaang-kin ang kaisipang “kakaligtaan ang tung-kol sa Diyos” at “ipamuhay natin ang buhay na ito at magpakasaya” at walang pag-unawa na pinili nila ang pagsamba sa “dati o unang Diyos” ng Roma. Pagnanasa! Bilang pagwawakas, ang “kasiyahan” ay naging isang “pagdurusa” mula sa AIDS.

Ngayon makikita na natin na ang lahat ng mga makalupa at pagsulong na walang kaugnayan sa relihiyon ay nagdudulot ng isang pangkaluluwang kahungkagan na nagbibigay daan upang mahirap unawain ang panlipunan, pagkamatipid, pampuli-tika, at pangkaisipang mga problima. Marami sa kanila ang tumakas sa kani-lang relihiyon at naghahanap ulit. Ang iba ay sinubukang takasan ang kaguluhan ng kanilang pang-araw araw na kabuhayan sa pamamagitan ng iba’t ibang pamama-raan. Sa mga nagkaroon ng pagkakataon upang siyasatin ang Qur’an at Islam, nagpatuloy sila na mayroong isang lubos na pamamaraan ng buhay na mag-uugnay sa tao upang itatag ang isang hangarin para sa pagtigil niya sa mundo. Makiki-lala itong mabuti sa mga Katangian ng Allah at kung ano ang kailangan Niya mula sa tao. Ayaw Niya na ang tao ay magiging alipin sa anumang diyos-diyusan: Kalikasan, mga droga, kasaki-man, salapi, ibang tao, pagnanasa, o seks. Pinagkalooban Niya ang tao ng mga katibayan na Siya lamang ang Nag-iisa na makakatubos, upang mapalaya niya ang sarili mula sa pagkaalipin sa anumang anyo ng pagkalikha at upang bumalik sa kanyang Manlilikha lamang. Ang Manli-likha na ito ay mayroong walang kapinta-sang mga Katangian. Siya ang Una, at walang nauna sa Kanya. Siya ang Huli, at lahat ay magwawakas maliban sa Kanya, ang Nabubuhay ng walang hanggan.

Ang katapusan ay sa Kanya na kung saan

ang lahat ay ituturing sa Pinakamahusay o Walang Kapintasan at Makatuwirang Pamamaraan. Hindi Siya nanganak o ipinanganak. Doon sa mga nag-uukol ng pagkadiyos kay Hesus ay nakalimot o nagwalang bahala sa katotohanan na si Hesus ay nasa isang sinapupunan ng ina. Kinakailangan niyang kumain, ipinanga-nak siya at lumaking isang mama. Ipinag-katiwala sa kanya ang ebanghilyo bilang isang Mensahe sa mga angkan ng Israel: Sapagka’t may isang Diyos at may isang tagapamagitan (isang sugo), ang taong si Cristo Hesus. (1 Timoteo 2:5).

Isang taong sugo na nanawagan sa kani-yang pamayanan na huwag siyang samba-hin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin (Mateo 15:9). Ang isang tao na kinakailangang kumain, lumakad, matulog, magpahinga, at ibapa, ay hindi maaaring magkaroon ng kata-ngiang pangdiyos dahil siya ay nanga-ngailangan at ang Diyos ay nakapag-sasarili.

Tungkol naman sa budismo, hinduismo, zoroastrianismo, marsismo, at kapita-lismo, mayroon silang taimtim na pag-samba sa mga nilalang tao/bagay sa isa o ibang pamamaraan. Ipinagpalagay ng mga Hudyo na mayroong pag-aaring “pamayanan” ang Allah. Tinawag nilang itong “pang-angkang Diyos” na para sa angkan ng Israel. Ang mga lalake at babaeng sumusunod sa mga relihiyon na

ito ay ipinanganak na mayroong likas na pagkiling upang magpasakop sa Manli-likha, ang Allah.

Ang kanilang mga magulang ang siyang nagtulak sa kanila upang papasok sa kani-kanilang mga kaugalian. Gayon pa man, sa sandaling ang mga tao ay mailalantad sa mga tanda ng Allah sa palibot nila, o sa kanilang Fitra (likas na pagkiling upang sumamba sa Allah lamang), ang pamama-raan ng pagbabalik ay magsisimula at ito ang dahilan kung bakit namamalas natin ang pangdaigdigang pagkalat ng Islam. Sa kanluran, at sa kabila ng maraming pagbaloktot ng “Media” sa Islam, marami ang tumatanggap na ang Islam ay siyang pananampalatayang pinakamabilis umun-lad. Walang makatarungang pang-unawa ang matatmo kung walang tunay na pag-tangka upang alamin ang salitang Allah sa Qur’an at hindi sa 30 minutong pang-gabing mga balita. Ito ay tunay na paghamon para sa mga naghahanap ng katotohanan. ANG TAO AY NILIKHA PARA SA ISANG LAYUNIN: “Upang mamuhay ayon sa pamamaraan ng Allah. Bakit hindi? Pag-aari ba natin ang hangin na ating hinihinga? Nilikha ba natin ang ating sarili o ang mga iba? O tayo ba sa sarili natin ang manlilikha? Tayo ay maytakda at mahina. Kaya, karapatan ba nating huwag bigyan pansin ang ating Manlilikha na kung saan tayong lahat ay nangangailangan sa Kanya?

Ang Islam, sa ating pagsamba ay pagpa-

pasakop lamang sa Allah at Siyang pinakabuod ng lahat ng mga mensahe na naipadalang una sa lahat ng mga pamayanan.

Ang Allah ang Pinakamakatarungan at Pinakamarunong. Hindi Niya hinahangad magbigay ng pagkalito para sa Kaniyang nilalang. Ang relihiyong tatanggapin Niya ay walang iba kung hindi ang pinili Niya. Kinakailangan na ang pinakabuod ay Isa, dahil Siya ay nag-iisa. Malaya ito sa panglugar, panlipi, at mga katayuang angkop sa kaisipan. Ito ay walang mali at ito ay ganap na pamamaraan ng buhay. Ang lahat ng mga katangiang ito ay pinili ng Allah sa Kaniyang naag-iisang relihiyon: Islam. Ang mga bahagi nito ay nasa Qur’an, basahin at lumapit na mayroong bukas na puso dahil walang ibang mabuting makapaglalahad kung hindi ang Salita ng Allah. Ang Qur’an ay naipahayag kay Propeta Muhammad (e ). Hindi niya ito sinulat. Siya ay hindi marunong sumulat at bumasa.

Ang mga salin nito sa maraming wika ay makukuha sa mga tindahan ng aklat o dili kaya sa mga Islamic Center na malapit sa iyo. Kailangang magkaroon ng panahon na basahin ito at pumunta/tumawag sa Islamic Center, o makipag-usap sa mga nagbabalik Islam at nagpasakop sa Allah.

Ang pagpapasiya ay nasa sa iyo!

Nour Alislam

1
5244
تعليقات (0)