Ramadan – Ang Buwan ng Qur’an

--

Ang unang bahagi ng lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Rajab al-Hanbali's na pinamgatang “Lata'if al-Ma'arif” (pp. 179-182). Ang mga pangaral na nasalaysay sa lathalaing ito ay ang mga mahahalagang tuntunin hinggil sa huling sampung gabi ng Ramadan.

Iniulat ni Imam Bukhari mula kay Aisha na ang Sugo ng Allah ay inilayo ang kanyang sarli mula sa kanyang mga asawa, gugulin ang gabi sa pagsamba at gisingin ang kanyang pamilya sa huling sampung gabi ng Ramadan.

Ang Ramadan ay sadyang may dakilang ugnayan sa Qur’an:

Ang Ramadan ang buwan nang ipinahayag ang Qur’an, isang patnubay sa sangkatauhan, gayundin naman ay isang maliwanag (na Tanda o Katibayan) at ang Pamantayan (pamamatnubay at paghatol sa pagitan ng tama at mali). Sinuman sa inyo na namamalagi (sa kanyang tahanan at nakakita ng duklay ng buwan sa unang gabi), ay nararapat na mag-ayuno sa buwan na ito, datapuwa’t kung sinuman ang may karamdaman o naglalakbay, (ito ay maaaring ipagpaliban) at ang natatakdaang araw (ay marapat na bayaran) sa mga darating na panahon. Ang Allah ay nagnanais na ang lahat ay maging magaan sa inyo; ayaw Niyang ilagay kayo sa kahirapan. (Nais Niyang) tapusin ninyo ang natatakdaang araw, at luwalhatiin Siya (katulad ng pagsasabi ng ‘Pinakadakila ang Allah’) sapagkat Kanyang pinatnubayan kayo; upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat sa Kanya. [Qur’an, 2:185]

Iniulat ni Ibn ‘Abbas na ang Sugo ng Allah ay ang pinakamapagbigay na tao, at lalo siyang mapagbigay sa buwan ng Ramadan sapagka’t dumarating si Anghel Jibril sa kanya sa tuwing gabi upang pagbalik aralan ang Qur’an na kasama siya. [Sahih al-Bukhari, Eng. trans. 6/486]

Ang hadith ay nagpapahayag ng mga sumusonod na aralin:

§ Pag-aralan ang Qur’an sa buwan ng Ramadan at makipag-ugnayan hinggil dito.
§ Ang pagtitiyak sa isinaulong Qur’an kasama ang ibang may mapapanaligang kaalaman dito.
§ Pagdagdag sa kaalaman sa Qur’an.
§ Ang gabi ang pinakamainam na panahon ng pagsasaulo ng Qur’an kapag ang pagka-abala ay huminahon at higit na madaling simulan sa Surah al-Muzzammil (73:6).
§ Iniulat ni Fatimah mula sa kanyang ama na sinabi sa kanya na ipinauulit basahin ang buong Qur’an kasama si Jibril minsan sa isang taon sa buwan ng Ramadan at dalawang ulit sa taong malapit na siyang papanaw. [Bukhari 6/485]

Pagkatapos banggitin ang mga naunang bahagi ng Sunnah, si Ibn Rajab ay nagsalaysay sa mga kalagayan ng mga Salaf (mga naunang Muslim) sa panahon ng Ramadan:

“… ang ilan sa mga Salaf ay matapos basahin ang buong Qur’an sa pagdarasal sa gabi ng Ramadan sa loob ng tatlong (3) araw, ang iba naman ay sa loob ng pitong (7) araw (i.e. Qatadah), ang iba ay sa loob ng sampung (10) araw (i.e. Abu Rajaa' al-Atardi). Ang mga Salaf ay binabasa ang Qur’an sa panahon ng Ramadan sa pagdarasal at ganoon din pagkatos ng mga nito. Si Al-Aswad ay natatapos ang buong Qur’an sa loob ng dalawang gabi sa buwan ng Ramadan; ganoon din si Ibrahim an-Nakh'I lalung-lalo sa huling sampung gabi ng Ramadan, at sa loob ng tatlong (3) araw sa mga araw ng ibang ibuwan. Si Qatadah ay pangkaraniwang tinatapos ang pagbabasa sa buong Qur’an sa loob ng pitong (7) araw, nguni’t sa loob ng tatlong (3) araw sa buwan ng Ramadan kapag pinag-aaralan niya ang buong Qur’an sa huling sampung gabi ng Ramadan. Sinasabi ni Al-Zuhri na kapag magsimula ang buwan ng Ramadan, ‘Ito ay ang pagbabasa ng Qur’an at pagpapakain sa mga tao.’ Sa pagsimula ng Ramadan si Imam Malik ay titigil sa pag-uulat ng mga Hadith at sa pakikipagkita sa samahan ng mga Ulama upang basahin ang Qur’an, habang si Sufyan al-Thawri ay tatalikdan ang ibang uri ng pagsamba at manatili sa pagbabasa sa Qur’an. Si Aishah ay binabasa ang mga pahina ng Qur’an mula sa takipsilim o paglubog ng araw hanggang sa pagsikat muli ng araw, pagkatapos siya’y matutulog. Si Zayd al-Yaami ay magdadala ng mga kopya ng Qur’an kapag nagsimula ang Ramadan at ipunin ang mga Sahabah sa palipot niya…”

Pagkatapos, ipinagpatuloy ni Ibn Rajab:

“Ang pagbabawal na tapusin ang pagbabasa sa buong Qur’an ng higit na maigsi sa tatlong (3) araw ay tumutukoy sa pangkaraniwang mga araw at lugar, subali’t sa mga panahon ng Ramadan lalung-lalo sa sampung huling gabi kung saan maaring matagpuan ang Laylat al-Qadr, o sa mga kinagigiliwang lugar katulad ng Makkah, hinihikayat na pag-ibayuhin ang pagbabasa sa Qur’an upang mapakinabangang husto ang oras at lugar. Ito ang pananaw ni Ahmad, Ishaq at ibang mga Imam, at ang gawain ng iba ay nagpapahiwatig rin nito.”

Ang layunin dito ay hindi upang pag-usapan kung ang nauna o ang huli ang tama o mali, sapagka’t ito’y isang kaalaman lamang sa karamihan sa atin sapagka’t hindi tayo nakakalapit sa pagtatapos sa pagbabasa sa buong Qur’an sa loob ng tatlong araw lamang. Bagama’t ang mga gawain ng Propeta(SAS), ang kanyang mga Sahabah, at ang taong sumunod sa kanilang tuwid na landas ay sadyang napakalinaw. Katulad halimbawa sa pag-uulat ni Imam Bukhari (3/79) mula sa dakilang Sahabah na si Zaid bin Thabit na siyang sumagot sa katanungang: “Ilang oras ang nasa pagitan ng Suhor (daliang agahan bago ang adhan ng fajr) at ng Salat –ul-Fajr?” ang sagot niya: “Tama lang sa haba ng pagbabasa ng limampung (50) talata sa Qur’an” dahil ang gawaing ito ng mga Arabo ay ang panukat ng oras ay sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na gawain. Ang bagay na ito ay nagpapatunay na ang mga Sahabah ay abala sa pagbabasa at pag-aaral sa Qur’an lalung-lalo sa buwan ng Ramadan.

Ihambing natin ito sa kasulukuyang nakakalungkot nating kalagayan, labis nating pinag-uusapan ang pagtatatag ng Islam, ang pagpapatupad ng Qur’an, atp. nguni’t maliit lamang na panahon iniukol natin dito, marahil minsan lamang natapos basahin ang kabuan nito mula pagkabata o kaya’y hindi kailanman! Kaya’t nagiging hindi pantay ang pagkaintindi natin sa Islam, sapagka’t may mga talatang bihira o hindi natin narinig o napag-isipan man lamang. Inuulit lamang natin ang ilang piling mga talata; nawawala natin ang katuruan ng mga talata; ang mga pagtatalo at pagtitimbang ng Qur’an, ang lahat ay napakaganda at mahimala. Dahil sa mga kakulangan ng kaalamang ito ay siyang nagdulot sa atin upang lumihis sa tuwid na landas, magkahihiwalay-hiwalay tayo ng iba’t ibang pangkat o sekta, at tuluyang mawala ang mga biyaya ng Allah(SWT).

At sa mga tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano, Kami ay kumuha ng kanilang Kasunduan, datapuwa’t iniwan nila ang magandang bahagi ng Kapahayagan na ipinadala sa kanila. Kaya’t nagtanim Kami sa lipon nila ng galit at pagkamuhi hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay (nang kanilang ipagwalangbahala ang Aklat ng Allah, sumuway sa mga Tagapagbalita ng Allah at Kanyang kautusan at lumabag sa lahat ng hangganan ng pagsuway), at ang Allah ang magpapahayag sa kanila kung ano ang nakahiratihan na nilang ginagawa. [Qur’an, 5:14]

May magandang paalaala ang Propeta Muhammad (SAS) sa atin hinggil dito. Sinabi niya:

“Bigkasin ang Qur’an hanggang sa ang iyong puso ay sumasang-ayun mula rito, at kapag hindi ka sumasang-ayon dito, itigil ang pagbabasa (ng pansamantala)” – ang pag-aaral sa Qur’an ay dapat napagkakaisa ang mga tao. [Sahih Bukhari (6/521)]

Mula sa Surah al-Mu’minoon sinabi ng Allah (SWT):

Datapuwa’t sila (mga tao) ay bumuwag (sumira) sa kanilang relihiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang sekta, at ang bawat pangkat ay nagsasaya sa kanilang maling pananampalataya. [Qur’an 23:53]

Ang isang pagkaintindi rito mula sa salitang “zuburun” na may literal na kahulugang “mga aklat”, ay ang bawa’t pangkat o sekta ay iniwan ang Aklat ng Allah at labis na pinagtuunan ang mga aklat mula sa kanilang pangkat o sekta, kaya’t pinaghihiwalay nila ang kanilang deen na mga aklat!

Ang pinakabaluktot, kawalan ng kahulugan, mababaw na pag-iisip, inobasyon at mga pamahiin ay ipinalaganap sa mga Muslim ng lumayo sila sa Qur’an, sapagka’t ang kaunting kaalaman sa Qur’an ay sapat upang itaboy sila.

Samakatuwid, O alipin ng Allah(SWT), isangtabi ang ibang mga aklat at magpursige sa pag-aaral sa Aklat ng Allah(SWT) sa buwan ng Ramadan, sapagka’t ito ay ang pinagmumulan ng Kaalaman sa ibang mga aklat, at lumayo sa pagwawaldas ng oras lalung-lalo sa mga usapan at pagtatalong walang patutunguhan, at tunay na iyan ay tanda ng ng pagkaligaw sa tuwid na landas.

Ang Propeta Muhammad (SAS) ay nagpahayag hinggil dito:

“Kapag ang isang tao ay lumihis sa tuwid na landas pagkatapos siyang napatnubayan, sila’y bibigyan ng dalawang katanungan (jadl). [Ahmad, Tirmidhi, Ibn Majah - Sahih al-Jami' al-Saghir, no. 5633]

Sa pagtatapos, alalahanin na ang Sugo (SAS) ng Allah ay magreklamo sa Allah sa Araw ng Paghuhukom na ang kanyang mga tagasunod ay tinalikdan any Qur’an (Surah al-Furqan 25:30)

Ang pagwawalang bahala sa Qur’an ay may mga antas ayon sa lathalaing akda ni Ibn al-Qayyim:

§ Ang hindi pagbabasa at pakikinig nito
§ Hindi pag-aaral at pag-intindi nito
§ Ang hindi pagpapahayag sa kanyang mensahe
§ Ang hindi pagbibigay ng hatol batay dito sa mga pansarili at pangkalahatang bagay sa iba’t-ibang antas ng lipunan;
§ Ang hindi paniniwala nito.

Ang papuri ay sa Allah(SWT) lamang, ang Panginoon ng mga Daigdig.

source:islamcocg

1
5658
تعليقات (0)