Nene: Utak sa Davao bombings makikilala

AP

UMAASA si Senador Aquilino Pimentel, Jr. na sa pamamagitan ng binuong fact-finding team na magsasagawa ng independent fact-finding investigation ay makikilala na ang mga tunay na nasa likod ng naganap na mga pagsabog sa lungsod ng Davao.

 

Idinagdag pa ng senador na bagama't huli na, mas mainam pa rin na bumuo ng isang five-man commission si Pangulong Macapagal-Arroyo para imbestigahan ang sinasabi ng mga sundalong nag-aklas noong Hulyo 27 na pagkakasangkot umano ng ilang opisyal ng military sa nangyaring pagsabog sa Davao International Airport noong Marso 4 at sa Sasa Wharf noong Abril 2.

 

"Hopefully, the creation of the independent fact-finding panel will lead to the unmasking of the real perpetrators of the bombings, clear the wrongly implicated in the mayhem and render justice to the victims who perished or were injured and maimed," ayon sa senador.

 

Sa Administrative Order 84, binuo ng Pangulo ang isang fact-finding commission na kinabibilangan ni Rev. Father Pedro Maniwang bilang chairman at nina Anita Alfelor-Alagatan, Joji Ilagan Bian, Sinarimbo at isang kinatawan mula sa Department of Justice bilang mga miyembro.

1
1007
تعليقات (0)