Islamic Laws, Ipatutupad sa Malaysia

PLPHP - AP

KUALA LUMPUR, Malaysia-Ipatutupad ng isang estado sa Malaysia ang batas ng Islam sa susunod na buwan, ayon sa ulat kabilang sa mga ipatutupad ay ang pambabato, paglalatigo at pamumutol ng bahagi ng katawan.

 

Sinabi ni Abdul Hadi Awang, chief minister ng Terengganu state, na magkakaroon ng sariling enforcement teams at huwes na magpapatupad ng Islamic criminal law, o hudud, ang estado, saad sa ulat ng The New Straits Times. Si Abdul Hadi ay presidente ng Pan-Malaysia Islamic Party.

 

Ang pagkilos ni Awang ay tila paghamon kay Prime Minister Mahathir Mohamad, na nagpahayag na haharangin ng kanyang gobyerno ang pagpapatupad ng Terengganu state ng Islamic laws.

 

Si Mahathir ay inaasahang babalik ngayon mula sa New York, kung saan siya dumalo sa UN General Assembly.

 

Sa ilalim ng panukalang batas ng Terengganu, ang isang magnanakaw ay puputulan ng kanang kamay sa kanyang unang pagkakasala at ang kanyang kaliwang paa sa ikalawang pagkakasala.

 

Ang isang Muslim na magbabalewala sa Islam ay kamatayan ang parusa.

 

Ang sodomy at pakikiapid ay kamatayan sa pamamagitan ng pambabato ang kaparusahan. Latigo naman ang para sa mga mahuhuling umiinom ng alak.

 

1
1008
تعليقات (0)