Iraq, ibabalik na ng US; UN role, palalawakin

PLPHP - AP

UNITED NATIONS-Naging bukas ang Britain at Spain sa pagtanggap ng pansamantalang timeline na ibinigay ng US sa pagbabalik ng kapangyarihan sa Iraqi government, at pumayag na rin ang isang opisyal ng US na bigyan ng mas malawak na tungkulin ang United Nations sa pamamahala sa transisyon ng demokrasya ng Iraq.

 

Inihayag ni US Secretary of State Colin Powell ang "timeline" para sa pagbabalangkas ng konstitusyon at pagdaraos ng eleksyon, posibleng "little over a year," ngunit hindi iyon deadline.

 

Sa kasalukuyan, nagpupunyagi ang US sa pagpapasa ng bagong UN resolution para makahingi ng mga dagdag na tropa at pera sa Iraq. Ngunit tinuligsa ito ng France, Germany at iba pang miyembro ng Security Council at ginustong madaliin ng Washington ang pag-aalis ng kanilang kapangyarihan at lawakan ang kapangyarihan ng UN sa proseso.

 

Inihayag ng isang US official, na tumangging pangalanan, na pumayag na ang US na bigyan ng mas malawak na gampanin ang UN sa eleksyon at political transition ang Iraq.

 

"One of the things they [the United Nations] suggested is that they are very good at coalition building in the Arab world, and with the Iraqi people. And at very grassroots levels they should be able to find ways to make the political process legitimate in the eyes of the people of Iraq and the Arab world," anang opisyal.

 

"We've promised to turn that process over to the UN So I think you've seen the United States move quite a bit," dagdag pa nito.

 

1
1010
تعليقات (0)