Promo para sa turismo, trabaho para sa Pinoy

a

MAGDALA ng dayuhan sa Pilipinas at tumanggap ng pabuya.


Ito ay makaraang ihayag ni Tourism Secretary Richard Gordon na bibigyan ng cash prizes ang mga overseas Filipino volunteers, tour operators, local government units at mga Pilipinong makapagdadala sa Pilipinas ng banyagang turista mula Oktubre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

 

Si Gordon ay determinado na malampasan ang target na 2.2 milyong tourist arrivals para sa 2003 sa tulong LGUs, overseas Filipino volunteers at tour operators sa Get One Tourist incentive program ng Department of Tourism (DOT).

 

"This is our best chance to improve tourist arrivals and break this years target of 2.2 million. Through this program, we can show to the whole world that the country has beaten the twin crises of severe acute respiratory syndrome and terrorism that continue to slow down tourism arrivals in the Asia Pacific Region," ani Gordon.

 

Sinabi ng DOT chief na sa ilalim ng programa ay hindi lang ang overseas Filipinos ang imo-mobilize na manghikayat sa mga turista sa bansa kundi pati na ang mga LGU at tour operators.

 

Naniniwala rin ang kalihim na ang programang ito ng DOT ay magbibigay ng kita at trabaho sa mga Pilipino.

 

"This program will create more jobs for all Filipinos and help put the Philippines back in the path of economic recovery," dagdag ni Gordon.

1
1031
تعليقات (0)