US, Di pabor sa Panukalang Konstitusyon ng Taiwan

PLPHP - AP

TAIPEI, Taiwan-Malaki ang paniwala ni Taiwan President Chen Shui-bian na ang panukala niyang bagong konstitusyon para sa 2006 ay magpapabuti at magpapalalim sa demokrasya, kasabay ng pangakong isusumiteng pinal na balangkas nito sa referendum.

 

Ang kanyang komento, sa pagpupulong ng Democratic Progressive Party (DPP), ang kauna-unahang paglilinaw sa panukalang konstitusyon na kanyang inihayag noong Linggo sa ika- 17 anibersaryo ng DPP.

 

Ipinagpalagay ng mga partidong oposisyon na nais ni Chen ng bagong dokumento na magsasabing ang isla ay isang bansang independiente sa China at nagbabala na ang hakbang ay posibleng magpagalit sa pamahalaang Beijing. Inaako ng China ang soberenya ng isla at nagbabalang gagamit ng puwersa sakaling kumilos ang Taiwan para sa pormal na kalayaan.

 

Samantala kahapon isang American envoy sa Taiwan ang tumangging iendorso ang panawagan para sa bagong konstitusyon.

 

"We are very concerned that stability be maintained in the [Taiwan] Strait," he told reporters, "and I think it's extremely important that the pledges given by President Chen in his inaugural address be adhered to," ani US envoy Douglas Paal.

1
1051
تعليقات (0)