Reporma sa Middle East, panawagan ni Powell

PLPHP - AP

DETROIT-Muling nanawagan si US Secretary of State Colin Powell sa Arab-American leaders na ipagpatuloy ang reporma sa Gitnang Silangan kaugnay ng kapayapaan at kaunlaran at inihalimbawa ang post-war Iraq bilang halimbawang dapat tularan.

 

Sinabi ni Powell sa kauna-unahang US-Arab Economic Forum na "without a transformation of the Middle East, the region will remain a source of violence and terrorism fueled by poverty, by alienation, and by despair."

 

"We must not let that happen. We will not let that happen," dagdag pa niya.

Sa halip na giyera ani Powell, "there is a struggle to defend values... we hold in common with all people who aspire to a world at peace..."

 

Kaugnay ng Israeli-Palestinian conflict, binigyang-diin ni Powell na nananatili pa ring tapat ang US sa "roadmap" for peace, at inamin na ang peace efforts "have stalled because of continued terror." Binalaan din nito ang lideratura ng Palestine.

1
1052
تعليقات (0)