Nuclear Program, Pinalalakas NoKor, Handa na vs US

PLPHP - AP

SEOUL, South Korea - Inihayag kahapon ng North Korea na pinalalakas nito ang nuclear capabilities ng bansa at binigyang-diin na hindi na ito interesadong makipagnegosasyon sa United States.

 

Sinabi rin ng tagapagsalita ng Foreign Ministry na kapag nagpilit ang United States tries na iabandona ng North Korea ang nuclear weapons program nito bago maglaan ng non-aggression treaty sa Pyongyang, ito'y magbibigay-daan sa giyera.

 

Hindi naman idinetalye ng tagapagsalita ang "practical measures," na gagawin ng North Korea ngunit ang naturang pahayag ay kasunod ng tumitinding pangamba ng US intelligence analysts kaugnay ng dumaraming bilang ng armas nukleyar ng NoKor.

 

Nagbabala ang North Korea na patatatagin ang nuclear weapons program nito bilang panlaban sa plano ng US na sumalakay.

 

"The DPRK is taking practical measures to steadily beef up the nuclear deterrent force as a just self-defensive means to repel the US nuclear preemptive attack and ensure peace and security on the Korean Peninsula," anang tagapagsalita ng North Korean.

 

Ang North Korea at US ay may sigalot sanhi ng hinihanalang programang nukleyar ng una. Noong Agosto, anim na bansa-kabilang ang dalawang Korea, Japan, China, Russia at US ang nagpulong upang ayusin ang gusot kaugnay ng krisis

1
1053
تعليقات (0)