2 Alalay ni Janjalani Nalambat

Joy Cantos, STAR

CAMP AGUINALDO — Nalambat ng militar ang dalawang alalay ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Sultan Kudarat kahapon.


Kinilala ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling ang nasakoteng suspek na sina Munid Jalalim Atamad, alyas Fauja Abdulraham, 40, at isang alyas Hashim, 20.


Batay sa ulat, ang dalawa ay nabitag sa inilatag na "dragnet operations" ng elemento ng Army’s 57th infantry Battalion (IB), Military Intelligence Group (MIG) 12 at PNP Auxilliary Police sa follow-up operations sa Kabayanan Center, Brgy. Malisbong sa Palimbang, Sultan Kudarat at Maitum Terminal, Poblacion Maitum sa Saranggani.

Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang militar hinggil sa madalas na presensiya ng mga suspek sa nasabing lugar at bunsod nito’y agad silang naglatag ng dragnet operations na nagresulta sa pagkakalambat sa mga terorista.

Pinaniniwalaan namang si Janjalani ay nagpapalipat-lipat lamang ng pagtatago sa mga bulubunduking lugar sa Saranggani at Sultan.

1
1054
تعليقات (0)