Israel, Sumalakay, Militant Chief, Huli

AFP

JENIN-Sa tulong ng mga helikopter, muling sumalakay ang mga sundalong Israeli sa isang refugee camp kahapon upang arestuhin ang isang lider ng Islamic Jihad sa West Bank, ayon sa Palestinian security source.

 

Dinampot siya ng mga sundalong Israeli na sakay ng 20 jeep at sinuportahan pa ng Apache helicopters.

 

Nagpaputok sila habang papasok sa lugar at wala nang pumalag.

 

Si Bassam Saadi, 42, ay inaresto sa refugee camp sa may hilagang-kanluran ng West Bank sa lungsod ng Jenin. Kinumpirma ng isang Israeli military na "senior Islamic Jihad leader had been arrested in Jenin."

 

Isa ang Islamic Jihad sa dalawang pangunahing Palestinian Islamic groups - isa ang Hamas-na anti-Israeli.

 

Bukod kay Saadi, mayroon pang 14 na wanted Palestinians na inaresto sa nagdaang magdamag sa West Bank, hayag ng source.

 

Inihayag pa ng Palestinian security sources na humigit-kumulang na 15 Israeli tanks at mga jeep ang pumasok sa bayan ng Qalqilya dakong alas-7 ng umaga at nagpatupad ng curfew at house-to-house searches.

 

Dagdag pa rito, dalawa pang Palestino ang nasugatan sa Israeli army operation sa timog Rafah region ng Gaza Strip, malapit sa hangganan ng Egypt. Mayroong 15 bahay na nasira sa operasyon.

 

Hindi kinumpirma ng Israelis ang ulat tungkol sa operasyon.

1
1065
تعليقات (0)