8,000 fuel rod ng NoKor, pinagdududahan

PLPHP

SEOUL -Inihayag kahapon ng North Korea na matagumpay na itong nakatapos sa pagpoproseso muli ng 8,000 nuclear fuel rod noong Hunyo at pinaigting ang teknolohiya para sa paggamit nito ng plutonium na nakuha mula sa rods para sa posibleng atomic weapons.

 

"The reprocessing of some 8,000 spent fuel rods, which had been kept under seal, was successfully finished by the end of June as part of the resumption of nuclear activities for a peaceful purpose," ulat ng KCNA news agency.

 

Idinagdag pa ng KCNA na kamakalawa ay isinaad sa pahayag mula sa North Korean Foreign Ministry na ang pagpoproseso ng rods ng Pyongyang ay bahagi ng nuclear programs nito.

 

Sa Washington, duda si Secretary of State Colin Powell kaugnay ng pahayag ng NoKor at sinabing walang ebidensya ang US kaugnay ng pagkilos ng komunistang bansa.

 

"This is the third time they have told us they have just finished reprocessing the rods. We have no evidence to confirm that," hayag ni Powell sa isang news briefing.

 

Naniniwala ang regional analysts na ang pahayag ng North Korea ay isang pre-talks tactic.

1
1067
تعليقات (0)