Report: AIDS sa China, Tumaas nang 140%

PLPHP - Reuters

BEIJING- Tumaas ang bilang ng mga pasyenteng may AIDS sa China ng 140 porsyento sa loob ng isang taon, ulat ng state media noong Sabado, 12 buwan matapos ang babala ng United Nations hinggil sa pagkalat ng epidenya sa bansang may pinakamalaking populasyon.

 

"The figure offered by the Health Ministry is accurate," ayon sa Beijing Youth Daily na sinabi ni Wang Xinlun, direktor ng Health Education Office ng China Epidemic Prevention Centre.

 

Sinabi ng pahayagan na ang bilang ng mga may AIDS ay tumaas ng 140.1 porsyento sa unang kalahati ng 2003 mula sa nakaraang taon.

 

Ang bilang ng mga taong HIV-infected ay tumaas ng 20.3 porsyento ngayong taon kumpara noong 2002 sa unang anim na buwan ng 2003, ayon sa Health Ministry sa website nilang www.moh.gov.cn.

 

Mayroong 840,000 taong HIV-infected, kung saan 80,000 sa mga ito ay nagdurusa ng "full-blown AIDS," ayon sa ministry.

 

Tinatayang 220,000 AIDS victim ang namatay mula nang matukoy ang unang kaso noong 1985, sabi ng Beijing Youth Daily.

 

Ayon sa sa UN estimates, sa pagitan ng 800,000 at 1.5 milyong Intsik ang infectd ng HIV-ang virus na nagdudulot ng AIDS-sa pagtatapos ng 2001.

 

Subalit ang bilang ay maaaring umabot ng 10 milyon sa pagtatapos ng dekada kung walang makikitang lunas dito, sabi ng UN officials.

1
1089
تعليقات (0)