China, Maglulunsad ng Satellite

PLPHP - Reuters

BEIJING-Inihayag noong Sabado ng China ang plano nitong maglunsad ng satellite upang imonitor ang mundo subalit hindi ito nagbanggit ng top-secret first manned space flight na inaasahang ipatutupad anumang oras.

 

Sinabi ng state television na ilulunsad ng China ang isang satellite sa pagtatapos ng 2003 kaugnay ng Sino-European surveying project.

 

"The testing of the Long March 2 carrier rocket is running smoothly and the launch will be carried out as scheduled," sabi nito, at hindi pinalawig ng detalye.

 

Sa mga susunod na araw ay inaasahan ang China na maging kauna-unahang bansang third country na magpadala ng tao sa orbit.

 

Naging malihim ang official media hinggil sa paglulunsad, subalit kumalat ang ispekulasyon na ito ay magaganap sa loob ng isang-linggong selebrasyon ng National Day holiday, na nagsimula noong Oktubre 1.

1
1090
تعليقات (0)