Taliban, Umatake sa Afghanistan; 2 Patay

PLPHP - AP

KANDAHAR-Tinatayang 50 pinaghihinalaang Taliban fighter ang lumusob sa government office sa southern Afghanistan, na nagbunsod ng shootout na nag-iwang patay sa dalawang Taliban at tatlong sugatan, ayon sa deputy governor.

 

Naganap ang shootout noong Biyernes sa tanggapan ng Khak-e-Afghan district chief, tinatayang 190 kilometro sa northeast ng Kandahar, ani Mullah Mohammed Umer, deputy governor ng Zabul province.

 

Walang government official ang nasugatan, aniya, at hindi nagbigay ang anumang detalye hinggil sa sagupaan. Pinatindi kamakailan ng mga rebelde ang kanilang mga aktibidad. Nakipaglaban sila bago matapos ang Agosto at sa pagpasok ng Setyembre sa Zabul, kung saan higit sa 100 pinaghihinalaang Taliban at malaking bilang ng mga sundalong Afghan ang nasawi, at kasama rin ang isang Amerikanong special operations soldier.

1
1092
تعليقات (0)