Yasser Arafat, bumuo ng emergency government

PLPHP - AP

RAMALLAH, West Bank-Itinalaga kahapon ni Palestinian leader Yasser Arafat ang kanyang Gabinete sa pangunguna ni Ahmed Qureia bilang prime minister, at nagdeklara ng state of emergency sa Palestinian areas bilang pagtatangka na harangin ang aksyon ng Israel laban sa kanya kasunod ng Haifa bombing.

 

Si Qureia at ang kanyang walong miyembro sa emergency Cabinet ay manunumpa ngayon at magsisilbi sa loob ng dalawang buwan.

 

Matatandaang una nang binantaan ng Israel na patalsikin sa puwesto si Arafat, kasunod ng suicide bombing, na ayon sa Israel ay may basbas ni Arafat. Lalo umigting ang panawagang patalsikin ang Palestinian leader sa naganap na pambobomba noong Sabado na ikinamatay ng 19 katao at ikinasugat ng 55 iba pa sa hilagang lungsod ng Haifa.

1
1127
تعليقات (0)