Israeli-Palestinian conflict, posibleng kumalat sa ME

PLPHP - AP/Reuters

JERUSALEM-Naalarma ang mga bansang Arab sa pagsalakay ng Israel sa Syria noong Linggo, kasunod ng suicide bombing na pumatay ng 19 na Israeli at sumugat ng 55 iba pa, dahil sa posibleng pagkalat sa buong rehiyon ng tatlong taong kaguluhan sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian.

 

Kinondena ng Egypt, Jordan at Lebanon-bansang Arab na naghahangga sa Israel-ang pag-atake. "It can drag the whole region into a circle of violence," ani Jordanian Foreign Minister Marwan Muasher.

 

Kaugnay ng kaguluhan, pinakakalma ng United States ang magkabilang panig, ngunit inakusahan ang Damascus ng "pagiging mali" sa giyera laban sa terorismo.

 

"The United States believes that Syria is on the wrong side of the war on terrorism," ani US Ambassador John Negroponte, na inulit ang panawagan ng US na itigil na ng Damascus ang pagsuporta sa mga teroristang grupo. Itinanggi ng Syria ang akusasyon.

 

Nagpatawag kaagad ang Syria ng emergency UN Security Council meeting noong Linggo at sinabing ang pag-atake ay banta sa seguridad at kapayapaan sa rehiyon at internasyunal, kasabay ng paghiling na kondenahin ang Israel.

 

Idinepensa ng Israel ang aksyon nito at sinabing ang Islamic Jihad training camp sa Syria ang puntirya ng pag-atake.

 

Hindi sinuportahan ng Washington ang panawagan ng Syria na kondenahin ang pag-atake ng Israel.

 

Ani Syrian UN Ambassador Fayssal Mekdad, "Arabs and many people across the globe feel that Israel is above law."

1
1131
تعليقات (0)