Mahathir, Nagpaalam sa Asean Summit

PLPHP - AP

BALI, Indonesia-Nagbigay-pugay ang Southeast Asian leaders sa papaalis sa puwestong si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad kahapon sa pamamagitan ng papuri at pagbibigay ng regalo sa huli.

 

Ang pagpugay ay ginanap sa signing ceremony ng pagbubuo ng blueprint para sa Southeast Asian economic community, na pinangunahan ni Indonesian President Megawati Sukarnoputri, na naluluha habang nagsasalita.

 

"There is no way of counting the things he did for Asia," ani Megawati bago iniabot kay Mahathir ang isang naka-frame na litrato ng 10 Asean leaders.

 

Si Mahathir ang halal na lider na nagsilbi nang pinakamatagal sa Asya, 22 taon. Ang summit kahapon at ngayon ay ang pinakahuling appearance ng lider sa Asean bilang prime minister.

 

Una nang inihayag ni Mahathir, 77, ang kanyang pagreretiro noong nakaraang taon at sumang-ayon sa transition period na magsasalin ng kapangyarihan sa kanyang deputado na si Abdullah Ahmad Badawi, sa katapusan ng buwan.

 

Nagpasalamat si Mahathir sa kanyang mga kasama at nanawagan sa Asean na "nurture and nourish" ang pagbubuo ng economic community.

1
1147
تعليقات (0)