Demokrasya, Iniangat sa Asean Summit

PLPHP - AP

BALI, Indonesia-Nilagdaan kahapon ng Association of Southeast Asian Nations- na kinabibilangan ng mga komunistang bansang Vietnam at Laos, Brunei at army-ruled Myanmar-ang isang kasunduan na susuporta sa demokrasya.

 

Nangako ang 10 bansa ng Asean sa Bali Concord II, na "to live at peace with each other and with the world at large, in a just, democratic and harmonious environment."

 

Ayon sa source, ilang bansa ang nagnais na alisin ang salitang "democratic" at iginiit ng Pilipinas na ipanatili ito.

 

Binuo ang Asean noong 1967 ng ilang authoritarian states noong panahong iyon bilang kontra komunismo.

 

Tanging anim sa kasalukuyang mga miyembrong bansa ang demokrasya.

 

"The introduction of the notion of democratic peace sets the standard of political norm in the region. It means that member states subscribe to the notion that democratic processes promote regional security," ani Asean spokesman M.C. Abad.

 

"It [democracy] is something that member states will aim for," dagdag pa niya.

 

Pagkatapos ng paglalagda sa Bali Concord II, sinabi ni Indonesian President Megawati Sukarnoputri na ang kasunduan ay "watershed in the history of Asean."

 

"The document will establish an Asean community that will make it possible for our children and their children to live in a state of enduring peace, stability and shared prosperity," aniya pa.

 

Ang kasunduan ay naglatag ng pundasyon para sa mas mahigpit na ugnayang panseguridad at pang-ekonomiya.

1
1148
تعليقات (0)