Kidnapper sa Malaysia, humingi na ng ransom

AFP

KUALA LUMPUR-Napag-alaman na humihingi na ng ransom ang mga armadong kalalakihan na kumidnap sa anim na manggagawa (tatlo ay Pilipino) mula sa isang Malaysian resort sa Borneo, ayon sa local media.

 

Isang di kilalang lalaki na pinaniniwalaang isang Malay ang tumawag sa cellular phone para kumontak sa mga pulis, resort operator at isa sa pamilya ng mga hostage.

 

Kinumpirma ito ni Malaysian Police Chief Norian Mai. Hindi ibinunyag kung magkano ang hinihinging ransom. Naunang napaulat na ang dumukot sa tatlong Indonesia at tatlong Filipino worker ay ginawa ng mga local criminal na may tulong sa ibang bansa.

 

Bagaman ang ilan sa mga kidnapper ay nakasuot ng military fatigue at may mga dalang ripple, sinabi ng mga pulis na walang kinalaman sa pagdukot na ito ang grupong Abu Sayyaf kagaya ng ginawa ng grupo sa Sipadan resort sa Sabah noong 2000.

 

Iniulat na rin ng Philippine military na hindi dinala ang mga dinukot sa Jolo. Naniniwala rin ang mga pulis sa Malaysia na nasa Malaysia pa ang mga kidnapper.

1
1155
تعليقات (0)