$3.3-M education aid sa ARMM

AFP

ISANG malawakang estratehiyang pang-edukasyon ang agarang ipatutupad sa Mindanao upang matugunan ang suliranin sa mga panrehiyong pagkakaiba-iba at mapaganda ang kakayahan ng sektor ng edukasyon sa Autonomous Region of Muslim Mindanao.

 

Kamakailan ay inaprubahan ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng Usaid, ang pagkakaloob ng tulong sa programa sa edukasyon na tatagal ng limang taon at nagkakahalaga ng US $33 milyon. Ito ay bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Arroyo na magkaloob ang Amerika ng tulong pang-edukasyon na magiging mahalagang salik sa seguridad, sa lipunan at sa pag-angat ng ekonomiya lalo na sa mga lugar sa bansa na apektado ng digma.

 

Iminungkahi ni Usaid Assistant Administrator Wendy Chamberlain kay Pangulong Arroyo ang isang Memorandum of Intent (MOI) na lalagdaan bago dumating sa bansa si US President George W. Bush. Si Bush ang posibleng pormal na maghayag ng nilalaman ng MOI.

 

Ang programa ay nagbabalangkas ng mga tiyak na hakbangin upang mapagbuti ang pagtuturo at pagsasanay sa mga pamayanang Muslim, pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon, paghahanap ng trabaho at pagpapaganda ng mga paaralan.

1
1156
تعليقات (0)