30 Taliban, pumuga sa Afghan

Reuters
KABUL-Tinatayang 30 Taliban prisoners ang nakatakas mula sa kulungan sa katimugang lungsod ng Afghan, ang Kandahar, ulat ng security personnel kahapon. "I can confirm that 20 Taliban have escaped," hayag ng isang intelligence official, na tumangging pangalanan. Sinabi naman ng isang guwardya sa kulungan na 30 katao ang pumuga. Ang pagtakas ay naganap noong Biyernes ng gabi. Kinumpirma ni General Salem, hepe ng security sa Kandahar, na may pagtakas na naganap, ngunit hindi niya masabi kung ilan ang eksaktong bilang. "Last night, a group of Taliban and political prisoners did escape but we don't know how many," aniya sa Reuters. Tumanggi siyang magkomento sa kung paano nakatakas ang mga preso at sinabing ang insidente ay iniimbestigahan pa.
1
1157
تعليقات (0)