Terorismo, di dapat katakutan-Gloria

Maila Ager, INS

MATAPOS ipahayag na ang Pilipinas ay open target ng terorismo, nakiusap si Pangulong Macapagal-Arroyo kahapon na huwag masyadong mag-alala sa banta o kung sino ang target sa buong rehiyon.

 

Sabi ng Pangulo, "Hindi natin ikinakaila na ang rehiyon ay may panganib sa atake ng terorista. Hindi na ito dapat idiin pa. Ang dapat gawin ay makibahagi sa responsibilidad sa pagharap sa makamundong bantang ito."

 

Sinigurado ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa maagap na pagmatyag kontra sa mga lumilibot na cell ng mga terorista at ito ay nagbunga sa pagkadakip ng isang kasama ni al-Ghozi.

 

Umaasa ang Pangulo na dahil dito nadagdagan ang tsansang agarang mahuli si al-Ghozi.

 

"Itong arrest ay nagpapakita kung gaano nagpapahigpit na ang dragnet kontra sa mga terorista," sabi pa niya.

 

Dahil din dito, nagbuo si Pangulong Arroyo ng Task Foce na magpapatupad ng komprehensibong pinagsamang security measure para sa proteksyon ng mga mga kritikal na imprastruktura laban sa pag-atake ng terorista.

 

Ang Task Force for the Security of Critical Infrastructures (TFSCI), na nagsimula Setyembre 24, ay pamumunuan ni Abraham Purugganan, deputy presidential adviser for Special Concerns Undersecretary.

 

Gawain ng grupo na imonitor ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor.

 

Ang mga critical structure ay ang mga physical facility at mga cyber-spaced system na kailangan sa operasyon ng pamahalaan tulad ng power plants, power transmission at distribution facilities, mahahalagang communi-cation facilities, oil at gas depots, at iba pa.

1
1159
تعليقات (0)