Islamic Conference, sinimulan; isyu sa Iraq, Syria, tatalakayin

PLPHP - AP

PUTRAJAYA, Malaysia-Sinimulan ng mga bansang Islamic ang kanilang pinakamalaking pagpupulong sa loob ng tatlong taon sa pamamagitan ng panawagan na alisin ang tropa ng US sa Iraq, dahil sa pangambang ang giyera kontra sa terorismo ay nagiging kontra-Muslim.

 

Ang pagtitipon ng 57 miyembrong bansa ng Organization of Islamic Conference (OIC), ay ang kauna-unahan mula nang maganap ang pag-atake noong Setyembre 11, 2001 sa United States.

 

Sinimulan ng senior officials ang talakayan sa pamamagitan ng isang dalangin sa Putrajaya, ang bagong administrative capital ng Malasia. Tatalakayin din sa pagtitipon ang ilang isyu, kasama ang pinakahuling pambobomba ng Israel sa Syria.

 

Inaasahang ang Iraq ang pagtutuunan ng atensyon. Sinabi ni Abdelouahed Belkaziz, secretary general ng OIC, sa senior officials na Islamic nations "are still under the strain of extremely difficult challenges and unprecedented threats to our countries' independence, sovereignty, security and courses."

 

Nanawagan din siya para sa "a clear Islamic commitment to address the situation with a view to salvaging Iraq and helping its people."

 

"There should be no divisions among Muslim countries who want to see peace and security and development in Iraq," ayon naman kay Mohammed Samhan, pinuno ng United Arab Emirates' delegation.

 

Idineklara naman ng Syria na gusto nitong kondenahin ng OIC ang pag-atake ng Israel sa training base para sa Palestinian militants sa lupa nito. Sinabi ng Damascus na ang pinuntiryang base ay ilang taon nang sarado, bagaman iginigiit ng Israel na iyo'y ginamit sa pagpaplano para sa suicide attacks.

1
1160
تعليقات (0)