3 Patay, 24 Sugatan sa pagsalakay ng Israel

a

GAZA CITY-Nasawi ang isang bata at dalawang matanda nang sumalakay ang tropa ng Israeli sa Rafah refugee camp sa katimugang bahagi ng Gaza Strip, ulat ng Palestinian hospital at security sources.

 

Ang bata, edad 12 na hindi agad kinilala, ay nasawi sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Nauna rito, napatay sina Nader Abu Taha, 22, at Mohammed Abdel Wahaba, 23, at nasugatan ang 14 pang Palestino nang nagpakawala ng missile ang Israeli helicopter sa Ybna district ng kampo.

 

Anim na iba pa, kabilang ang isang bata ang nasugatan sa palitan ng putok ng humigit-kumulang 15 tangke ng Israel na binak-apan pa ng dalawang helikopter, anang sources.

 

Layon ng pag-atake na wasakin ang tunnels ng mga Palestino na ginagamit diumano sa pagpupuslit ng mga armas na posibleng makaapekto sa tatlong taon nang sigwa ng Israel at Palestinian, ngunit hindi kumilos ang Egypt kaugnay nito, ayon sa Israeli military official na ayaw pangalanan.

 

Ayon sa mga saksi, tatlo ang nasawi at 24 ang nasugatan sa pagsalakay ng Israeli. Nasugatan din ang isang sundalong Israeli.

 

Anila pa, binoldoser ng Israelis ang tatlong bahay sa tabi ng hangganan at nagpaputok ng machine guns upang paalisin ang mga pamilya.

 

1
1171
تعليقات (0)