One China Policy, Inayawan

PLPHP - Kabayan

TAIPEI-Ipinahayag kahapon ni President Chen Shui Bian na hindi mapipilit ang Taiwan na tanggapin ang "one China" principle at nanawagan sa Beijing na tigilan na nito ang bantang militar sa isla.

 

Sa kanyang talumpati para sa National Day ng Taiwan, sinabi ni Chen na marami ang nagsasabing magkakaroon ng puwang ang Taiwan sa international stage kapag tinanggap nito ang "one China" principle.

 

"Only those who do not believe in themselves and do not believe in Taiwan will succumb to hegemony, make concessions for peace, or try to convince us that China's military intimidation and impervious coercion compels us to accept the so-called 'one China' principle," pagbibigay-diin ni Chen.

 

Muling tinanggihan ng Taipei ang "one China" principle ng Beijing, na nagsaad na ang isla ay bahagi ng teritoryo nito at naghihintay pa rin ang huli na mabawi ang isla, kahit sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.

 

"If we compromise our stance on sovereignty and relinquish our existing democracy and freedom, we will waive our right to join international organizations, and it will be impossible for us to ever have a voice in the global community," dagdag ni Chen.

 

Ang pahayag ng lider ay kasunod ng paglalarawan ng China sa talumpati ni Chen bilang "extremely immoral and very dangerous" at sinabi pang ang pagtatangka ng isla na makamit ang independensya ay gumuho na.

 

Ngunit ani Chen, "We believe that the 'door to cooperation' and the 'door to peace' will always exist between the two sides of the Taiwan Strait."

Nahati ang Taiwan at China noong 1949 sa pagtatapos ng civil war.

1
1172
تعليقات (0)